JERRY OLEA: Innovative ang programming ng Kapuso Network.
Sa halip na itapat sa Kapamilya teleseryeng Halik, sa FPJ’s Ang Probinsyano isinabong ang Kara Mia ni Barbie Forteza.
E, love noon ng maraming televiewers ang Inday Will Always Love You ni Barbie, na katunggali ng Halik.
Tsk... tsk... tsk...

Umariba sa Afternoon Prime ng GMA-7 ang mga teledrama ni Yasmien Kurdi na Yagit (2016-2017), Sa Piling ni Nanay (2016-2017), at Hindi Ko Kayang Iwan Ka (2018).
Ang bagong TV series ni Yasmien na Hiram na Anak, isinalpak bilang pre-programming ng Eat Bulaga.
Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media nitong Pebrero 25, Lunes, naka-15.3% ang Playhouse, kumpara sa 8.6% ng pilot episode ng Hiram Na Anak.
NOEL FERRER: Aside from the ratings, ang naalala ng mga tao ay kung paano nagiging kakaiba ang ang mga panoorin at nagkakaroon ng tatak ng kahusayan at pagiging malikhain.