Asawa ni Kristofer King, problemado pa rin sa long-term illness ng dalawang anak

Asawa ni Kristofer King, problemado pa rin sa sakit ng dalawang anak
by PEP Troika
Feb 27, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: PHP1,500 ang kailangang bayaran ni Joan "Nikki" Alegre tuwing Huwebes sa Philippine General Hospital (PGH) para sa pagpapagamot ng dalawang anak nila ni Kristofer King.

May sakit na Hunter Syndrome ang 18-anyos na si JC at 11-anyos na si John.

 IMAGE Jerry Olea

Ang Hunter Syndrome, ayon sa www.mayoclinic.org, ay isang pambihirang genetic disorder na maaaring maging sanhi ng "progressive damage" sa pisikal na hitsura, mental development, organ function, at physical abilities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May gamot naman talaga sila galing foundation. PHP150,000 ang isang vial sa kanila, yun ang itinuturok sa kanila," paliwanag ni Nikki.

Nakausap ko si Nikki nitong Pebrero 26, Martes ng gabi, sa Rizal Funeral Homes, Cementina Street, Pasay City.

"Iyong PHP1,500, para po iyon sa mga gamit nila, katulad ng karayom, suwero, at iba pang binibili namin.

"Kailangang isaksak iyon tuwing Huwebes... para kung ano man ang dadating sa kanila, mapipigil iyon."

Isang taon nang nagpapagamot sina JC at John. May tatlo pang anak na babae sina Nikki at Kristofer.

Ngayong wala na si Kristofer, hindi pa alam ni Nikki kung paano sila mabubuhay na mag-iina.

Nangungupahan lamang sila ng tirahan.

Labis ang pasasalamat ni Nikki kay Coco Martin na nag-abuloy ng PHP230,000 para sa lamay at libing ni Kristofer.

GORGY RULA: Noong buhay pa si Kristofer, ang trabaho ni Nikki ay tumutulong siya sa nanay niya sa pagtatahi ng mga retaso para gawing basahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi sapat iyon para buhayin ang lima nilang anak.

Kaya pagkatapos ng libing, iisipin ng nabiyudang si Nikki kung saan makahanap ng trabaho para may regular siyang pagkakakitaan para sa kanilang ikabubuhay.

Nagpapasalamat siya at tuluy-tuloy naman ang dating ng mga pinansiyal na tulong, kaya meron siyang paghuhugutan.

Pero hanggang kailan?

Pati ang pagpapalibing ay iniisip pa niya kung alin siya makakatipid—yung ililibing sa sementeryo o ipapa-cremate.

NOEL FERRER: Malaking tulong ang mga abuloy, pero ibang pasakit at hamon pa rin ang pagpapatuloy ng buhay pagkatapos mailibing si Kristofer King.

Hindi ito pelikula. Ito'y tunay na buhay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results