JERRY OLEA: As of February 26, Tuesday, umabot na sa P256,228,810.89 ang local gross ng pelikulang Alone/Together.
Sa Pilipinas lamang po iyan nakalap sa loob ng dalawang linggo, ayon sa itinalang box-office record ng Black Sheep at Star Cinema.

Ngayong Miyerkules, February 26, third week na ng showing sa bansa ng pelikulang pinagtatambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen)
Dalawampu’t isa (21) ang mga sinehan ng LizQuen movie sa Middle East.
Gaya noong premiere sa Dubai, sold-out din ang premiere nito sa Abu Dhabi.
As of February 22, umabot naman sa 103 ang mga sinehan ng Alone/Together sa North America (US at Canada).

NOEL FERRER: Isang malaking good luck pa rin sa mga nagbukas na pelikulang Pilipino today.
Hindi yata nagpa-review sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang rom-com movie na I Love You, LC!
Habang ang family-oriented movie na Familia Blondina ay nakakuha ng Grade B mula sa CEB.
Ano itong nasagap naming balita na hindi naging qualified for review ang pelikulang Second Coming sa CEB?
Hindi raw ito pumasok sa mandato ng CEB na dapat minimum of 80 minutes ang films na kanilang iku-consider for grading at tax rebate.
Lumalabas na 75 minutes lang daw ang total running time ng Second Coming, isang horror film na ang mga bida ay sina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin.
Iprinodyus ito ng Reality Entertainment, na kasamang namamahala si Direk Erik Matti.
Sana hindi ito pagmulan ng panibagong issue mula kay Direk Erik at Liza Diño.
Ang CEB ay under the Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza.
Ang huling dinig ko ay magkakaroon ng producers meeting ngayong linggo. Sana'y magkaroon ito ng magandang bunga.
GORGY RULA: Tila kulang pa sa ingay ang mga pelikulang magsu-showing ngayon.
Todo kaya ang suporta ng KathNiel fans sa pelikula ni Karla Estrada?
Ewan ko lang!
Mas solid pa ang suporta ng members ng nag-intermittent diet sa I Love You, LC!, pero ilang sinehan lang ba ito magsu-showing?
Itong Second Coming ay iba raw ang pagka-horror nito na mukhang may pagkakahalintulad sa Patayin sa Sindak si Barbara.
So far, may lakas pa ring taglay ang Alone/Together. Pero ramdam ko nang hindi nito kakayanin ang box-office record na naitala ng The Hows of Us.
Saka mas gusto ko yung movie ng KathNiel kesa dito sa LizQuen.