Ian Veneracion, "pinilahan" sa Ani ng Dangal awards ceremony

by PEP Troika
Feb 28, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Waley sina Ryza Cenon at Christian Bables sa 11th Ani ng Dangal nitong Pebrero 27, Miyerkules ng hapon, sa Diamond Hotel, Roxas Blvd. cor. Quintos St., Ermita, Manila.

Ani ng Dangal awardees
 IMAGE Jerry Olea

“Nasa shoot si Ryza. Si Christian, may taping ng Halik,” sabi ng isang NCCA insider.

Continue reading below ↓

Kabilang sina Ryza (Yakushi Pearl Award sa 13th Osaka Asian Film Festival para sa Mr. & Mrs. Cruz) at Christian (best actor sa Hanoi International Film Festival 2028 para sa Signal Rock) sa 17 awardees para sa Cinema.

Limampu’t lima (55) lahat ang awardees mula sa iba’t ibang larangan ng Sining.

OK lang na absent ang dalawa, dahil andoon si Ian Veneracion (best actor sa 38th Oporto International Film Festival para sa Ilawod).

Continue reading below ↓
Ian Veneracion
 IMAGE Jerry Olea

Pila-pila ang co-awardees, organizers, and guests na nagpa-picture o nakipag-selfie kay Ian.

Malugod niyang pinagbigyan ang lahat. Kaaya-aya ang kanyang ngiti.

In behalf of fellow awardees, si Ian ang nag-acceptance speech.

Aniya, “Malaking bagay po sa amin ang mabigyan ng pansin sa ibang bansa ang aming pagmamahal sa sining.

“Pero di hamak na mas nakakataba ng puso kapag ang parangal ay galing sa ating mismong mga kababayan.

“At ang pagbibigay-parangal sa amin sa pamamagitan ng Ani ng Dangal ay magsisilbing inspirasyon sa amin para mas pagbutihin namin ang aming mga sining.

“At sana, mas maipakilala sa buong mundo ang ating kultura dahil isa po ito sa pinakaimportanteng elemento para maipakilala natin sa kanila ang ating pagkatao, ang ating pagkabansa.

“Dahil dito, sana po, tuluy-tuloy ang suporta natin sa mga kababayan natin sa iba’t ibang larangan ng sining.

“Itaas po natin ang bandilang Pilipino para ipakita sa kanila... ipagmalaki po natin ang talino at ang talento nating mga Pilipino pagdating sa sining!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kapag nanalo ka ng award sa ibang bansa para sa pelikula, walang parada katulad ng Miss Universe o kung nanalo ka sa sports.

Ang mayroon ka ay Ani Ng Dangal mula sa NCCA, Film Ambassadorship mula sa FDCP, at Indio Bravo awards.

Nang manalo si Jaclyn Jose bilang Best Actress sa Cannes, didn’t she deserve the adulation and the honors given to a beauty queen and a sports champion?

Ano po sa tingin ninyo?

JERRY OLEA: Kabilang pa sa pinarangalan para sa Cinema ang mga sumusunod: Allen Dizon (5th consecutive award sa Ani ng Dangal), Ang Panahon ng Halimaw, Angellie Nicole Sanoy, Arjanmar Hernandez Rebeta, Bagahe, Call Her Ganda, Christian Oneza Apolinario, Employee of the Month, Last Order, Mikhail Red, Nabubulok, Ngiti ng Nazareno, Shireen Seno at Timothy Castillo.

Sa Broadcast Arts ay dalawa ang kinilala — Di Ka Pasisiil (ABS-CBN) at Reel Time (GMA 7).

Ang 16 awardees para sa Musika — Alyssa Trisha Garcia, Astrafellas, Cipriano Mercado de Guzman Jr., ConChords, Ian Gabriel Torres Corpuz, Imusicapella, Jay Kent, Kammerchor Manila, Manila Symphony Junior Orchestra, Micah Jane Baybay, Los Cantates de Manila, Rachel Gabreza, Rag-O Duo, Tristan Caliston Ignacio, UE Chorale & UP Singing Ambassadors.

Continue reading below ↓

Tig-isa ng awardee sa Dramatic Arts (Clem Marnel Rama Burgos) at Literary Arts (Lawrence Ypil).

Tatlo sa awardees sa Architecture & Allied Arts (Earl Patrick Forlales, Kenneth Cobonpue & Noriel M. Estipular), samantalang lima sa Sayaw (Halili-Cruz Dance Company, Kenyo Street Family, Poveda Enciende, Sidlakan Dance Company & Assumption College Dance Troupe).

Ang 10 awardees para sa Visual Arts ay sina Anthony Tario Austria, Danilo Victoriano, Donell Gumiran, Edwin S. Loyola, Jesus Ramos Tejada, Jeuz Sumangil, Jose Cabarles Ramos II, Jophel Botero Ybiosa, Ma. Angelica Tejada & Mario Bejagan Cardenas.

GORGY RULA: Sangkatutak na mga parangal ang inani ng karamihan sa mga artistang ito, pero wala pa rin silang kumikitang pelikula.

Ano ang magagawa ng mga parangal na ito kung isang araw, wala nang producer na mangahas na igawa sila ng pelikula?

Kahapon, February 27, sa Anabel’s Morato ay nagkaroon ng pagpupulong ang producers at ilang direktor kung ano ang magagawa sa sunud-sunod na flop ng local films natin.

Continue reading below ↓

Kahapon din ay nagbukas ang Second Coming at Familia Blondina na nakakuha ng maraming sinehan, dahil iyung isang indie film na I Love You LC ay wala pa yatang sampung sinehan sila.

Yung dalawang pelikulang yun ay parehong hindi man lang daw umabot sa P800,000 ang kita sa unang araw ng showing nito.

Ayoko sanang magpaka-bitter, pero sana, may maitutulong ang mga tropeyong yun sa mga pelikula nilang hindi man lang napansin ng mga manonood.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results