Casting call: lalaking "hipon," moreno at tisoy na handa sa sex scene at frontal nudity


JERRY OLEA: Naghahanap si Direk Erick C. Salud ng lalaking HIPON para sa ipoprodyus niyang digital movie na Mga Batang Poz.

Ipinost ni Direk Erick ang requirements sa Facebook account niya noong Pebrero 26, Martes ng gabi:

“Di kagwapuhan pero batak at borta.
18 to 22 years old. At higit sa lahat,
MAHUSAY UMARTE.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang audition ay bukas, Marso 1, Biyernes, 1:00-4:00 P.M. sa isang lugar na malapit sa Morato Ext., QC.

Mag-email ka muna ng profile at mga litrato sa batangpoz@yahoo.com para malaman ang venue ng audition.

Ilagay sa profile ang pangalan, edad, at contact number.

Huwag kalimutan ang pictures, ha?! Preferably topless para nakabalandra ang abs.

Walang frontal nudity o unsimulated sex sa naturang pelikula.

“Siguro, butt lang pero may kissing talaga and sex scenes,” sabi ni Direk Erick nang maka-chat ko nitong Pebrero 28, Huwebes ng tanghali.

Pakatandaan...

Ang HIPON... masarap ang katawan; ang ulo, itinatapon.

NOEL FERRER: Mapangahas talaga ang materyal na ito ni Segundo “Jun” Matias na isusulat para sa screen ni Jerry Gracio, at ididirek ni Chris Martinez.

Exciting pero good luck! Sana, may mapangahas at mahusay na aktor who would fit the role.

Kung buhay lang at bata-bata si Kristofer King, he would have fit this role to a T!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: May casting call din ang Cinemalaya 2019 entry na Fuccbois.

Dalawang bida ang kailangan ng premyadong writer-director na si Eduardo Roy Jr.:

Si ACE... 20 y/o, moreno, maangas, 5’7” or taller.

Si UNO ... 18 y/o, tisoy, charming, 5’6” or taller.

Kailangan na ang dalawang gaganap ay marunong sumayaw at umarte, at handa sa sex scene and frontal nudity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga interesado, i-email ang biodata/resume, setcard/photos, at acting reel sa fuccboisfilm2019@gmail.com

Critically acclaimed ang mga naunang pelikula ni Direk Eduardo Roy Jr. na Pamilya Ordinaryo (2016), Quick Change (2013), at Bahay Bata (2011).

GORGY RULA: Nabanggit ni Jak Roberto noon na gusto niyang makagawa ng isang pelikulang maganda ang material at mapipiga ang acting niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy of @jakroberto on Instagram

Okay lang kahit mag-audition siya at kahit may frontal nudity siya.

Aware siyang hindi lahat na projects niya ay lagi ang katawan niya ang nakabilad.

If ever na magamit ang maganda niyang katawan, iyun sa isang pelikulang maganda rin ang kuwento at challenging ang role.

Puwede kaya si Jak sa Fuccbois?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close