Misis ni Kristofer King, itinangging humihingi pa siya ng dagdag na halaga kay Coco Martin

by PEP Troika
Mar 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Tulog si Joan “Nikki” Alegre nang pumunta ako sa lamay ng asawa niyang si Kristofer King nitong Pebrero 27, Miyerkules ng pasado 11 P.M.

 IMAGE Jerry Olea

Nag-PM (private message) na lang ako sa kanya at inusisa kung nakuha na niya ang death certificate ni Kristofer sa Adventist Medical Center Manila.

Continue reading below ↓

Huwebes ng 1:47 A.M., nag-reply si Nikki, “Babalik pa lang po ako. Kasi kanina, andoon na ako, bigla naman ako nakaramdam ng pagkahilo.

“Parang namamanhid ang braso ko saka mga kamay ko.

“Nagpatingin po ako. Mataas daw ang dugo ko kaya umuwi na lang ako.

“Wala po kasi akong kasama kanina.”

Sinabihan ko si Nikki na matulog na muna at bumawi ng lakas. Baka kung mapaano pa siya.

Nakiusap akong mag-message na lang siya kung nakuha na niya ang death certificate.

5:39 P.M., nag-message si Nikki na nakuha na niya ang certificate bandang 4 P.M., at sinamahan siya ng tita ni Kristofer.

 IMAGE Arniel Serato
Continue reading below ↓

Hindi na raw siya nahihilo. OK na raw ang lagay niya.

Buntis ba siya kaya siya nahilo?

“Hindi po. Meron ako now,” tugon ni Nikki.

Ayaw tantanan ng bashers si Nikki. Bakit daw gusto pa nitong iasa kay Coco Martin ang kinabukasan nilang mag-iina?

 IMAGE Jerry Olea

Hindi pa ba siya kuntento sa abuloy nitong P230,000?

Continue reading below ↓

“Hindi po, OK na po yun. Hindi po ako humihingi ng dagdag,” diretsong pahayag ni Nikki.

“Nahihiya na nga po ako, kasi sinagot na ni Coco lahat.

“Kuntento na po ako roon. OK na po yun.

“Habang buhay po naming tatanawing utang na loob ang pagtulong niya sa amin ng mga anak ko!”

 IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mahirap talaga ang kalagayan ni Nikki at ng kanyang mga anak ngayon.

Pasasaan ba’t ang adjustment na ito ay tungo sana sa mas matatag na buhay sa hinaharap.

Magsasakripisyo sila at magbabanat talaga ng buto. Kasama ito sa responsibilidad na kaakibat ng pagkakaroon ng pamilya.

May mga tutulong, pero hindi doon iaasa ang buhay.

Patuloy nating ipagdarasal ang mag-anak na ito ng yumaong si Kristofer King.

GORGY RULA: May nagtanong sa akin kung totoo bang nainis si Coco dahil ibinalita pa raw kung magkano ang ibinigay niya.

Sinasabi kasi ni Coco noon pa na hindi niya iniisip kung magkano ang kanyang ibinigay dahil pamilya na ang turing niya sa namayapang indie actor.

Tinanong ko ang ilang taong malapit kay Coco, at sinabi nilang hindi raw nairita ang Kapamilya Primetime King.

Hinayaan na lang daw ni Coco, dahil naintindihan niya ang kalagayan ni Nikki.

Ang hiling ng nakausap ko, mas mabuting ipagdasal na lang ang tahimik na pagbiyahe ni Kristofer sa kabilang buhay.

Continue reading below ↓

Hayaan na lang daw ang kung anu-anong naglabasan dahil ang dami talaga riyang ‘mema’ lang.

At least, nalutas na ang problema ni Nikki at nakakatulog na siya nang mahimbing.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results