Janine Gutierrez, sumobra ang pagdarasal gumanap bilang Khaleesi kaya naging Dragon Lady?

by PEP Troika
Mar 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Magwawakas ang teledramang Asawa Ko, Karibal Ko ngayong Marso 2, Sabado ng hapon, sa GMA-7.

Kasama sa cast nito sina Rayver Cruz at Lotlot de Leon.

Kapalit nito umpisa sa Marso 4, Lunes, ang telefantasyang Dragon Lady, kung saan title role si Janine Gutierrez—daughter ni Lotlot, rumored BF ni Rayver.

 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa bagong telefantasya ang estatwa ng dragon na may SSS (swerte, sumpa, sekreto).

Sa pelikulang Feng Shui (2004) na nasa cast si Lotlot, tampok naman ang isang antigong Bagua mirror na meron ding SSS.

Celestina Sanchez ang pangalan ng karakter ni Janine sa Dragon Lady.

Wala itong kinalaman sa biopic na Celestina “Bubbles” Sanchez: Ativan Gang (MMFF 1988), na pinagbidahan ni Amy Austria, sa direksiyon ni Carlo J. Caparas.

Sinuwerte si Amy na mag-best actress sa MMFF, CMMA, at FAP para sa pagganap niya roon.

Panahon ng Dragon sa tag-araw ngayong 2019.

Sa latest teaser ng final season ng HBO series na Game of Thrones, usap-usapan ng fans ang reaksiyon ni Arya (Maisie Williams) nang makakita ng dragon.

Hindi alintana ni Janine na inaabot ng tatlong oras ang paglalagay ng prosthetics sa kanyang mukha bilang dragon lady.

Ayon kay Direk Paul Sta. Ana, ang peg ng hitsura rito ni Janine ay si Dark Phoenix ng X-Men... nag-aapoy, rising from the ashes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dalangin ni Janine na gumanap bilang strong woman gaya ni Daenerys Targaryen (Emilia Clarke) AKA Khaleesi (Mother of Dragons) sa Game of Thrones.

“Sumobra yata ang pagdarasal ko kaya pati ako, naging dragon!” natatawang sambit ni Janine sa mediacon nitong Pebrero 28, Huwebes ng gabi, sa Shangri-La Restaurant, Times St., QC.

Hindi pa nagte-taping si Janine kasama ang leading man na si Tom Rodriguez.

Nakitaan ng chemistry sina Tom at Janine nang magtambal sa Magpakailanman episode na "When Love Conquers All: The Will Dasovich and Alodia Gosiengfiao Story" (April 2018), na idinirek ni Marvin Agustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng Dragon Lady sina James Blanco, Diana Zubiri, Maricar de Mesa, Joyce Ching, Edgar Allan Guzman, at DJ Durano.

NOEL FERRER: Magandang tingnan sina Janine at Tom. They are truly pleasing and beautiful to the eyes.

The challenge is how they grow as actors with their roles in this telefantasya.

Good luck sa Dragon Lady!

Sana, tumagal ito at ilayo sana natin na maging Crying Lady!

 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA: Agree ang karamihan na forte ng GMA-7 ang telefantasya kaya lalo nila itong pinapaganda.

Bilang telefantasya itong Dragon Lady, kinarir nila rito ang special effects.

Iyon ang isa sa pinakamahirap kaya matagal na rin silang nagsimulang mag-taping, para mapulido ang special effects.

Si Tom Rodriguez ang isa sa pinaka-excited dito dahil first time daw niyang gumanap na isang Chinese, kahit mukha siyang mestiso.

Ang karakter niya rito bilang si Michael Chan ay isang Filipino-Chinese mestizo.

“Dito, nag-aral ako ngayon ng Mandarin.

“Sarili ko pa lang muna ang nag-aaral. Pag dire-deretso na ang taping, medyo alam ko na at, hopefully yung Chinese consultant namin, iano ko rin… i-take advantage ko na nandun siya sa set para ma-guide niya ako.

“Pati ang stylist ko, Chinese din na marunong talaga mag-Mandarin,” pahayag ni Tom.

Hindi sila pinababayaan ng consultant nilang si Madam Rebecca Chuansu na nagbabantay sa taping nila, dahil iniiwasan nilang maka-offend sa Chinese community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results