Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Tom Rodriguez, ipinaliwanag ang semi live-in setup nila ni Carla Abellana

by PEP Troika
Mar 1, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / @carlaangeline Instagram

GORGY RULA: Mabilis na itinanggi ni Tom Rodriguez ang tanong sa kanya ni Arniel Serato kung totoong nag-propose na siya kay Carla Abellana.

"Advanced naman kayo masyado!" bulalas ni Tom nang nakatsikahan namin sa presscon ng Dragon Lady, nitong February 28, Huwebes, sa Shangri-La Restaurant, Times St., Quezon City.

 IMAGE Noel Orsal / @carlaangeline Instagram
Continue reading below ↓

Pero pinaghahandaan na raw nila ang kanilang future bago nila planuhin ang kasal.

Isa na rito ang pag-iipon ni Tom, 31, sa ipapatayo niyang bahay sa lupang binili ni Carla, 32.

Iyon ang napagkasunduan nilang magkasintahan—kay Carla ang lupa at kay Tom ang bahay.

"Yun ang delegation ng responsibility namin, sa kanya ang lot, sa akin ang bahay," kumpirma ni Tom.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi rin niya itinatangging parang nagli-live in na sila, dahil madalas ay na kay Carla siya o kaya ang aktres naman sa condo unit niya.

"It’s the only way how to see each other despite our busy schedule.

"So, for example, the past few shows that we had, ang hirap talaga.

"Kasi kung hindi, kung sa condo ko ako diretso uwi, hindi kami magkakaroon ng time sa isa’t isa.

"Sa traffic pa lang, talo ka na, e, may mga ibang trabaho ka pa.

"So, it really helps na we make time to see each other by going home to where the other person is," pahayag ni Tom.

Continue reading below ↓

Magli-limang taon na ang kanilang relasyon, at sa kasalan na rin daw ang tuloy nun.

Pero aminadong kailangan pang mag-ipon at thankful si Tom na tuluy-tuloy ang trabaho niya sa GMA-7, gaya nitong Dragon Lady kung saan si Janine Gutierrez ang ka-tandem niya.

Buo ang suporta ni Carla sa bagong telefantasya ng aktor, at hindi isyu sa kanila ang selos-selos sa kung sino ang maka-partner niya.

Hiwalay ang trabaho sa kanilang relasyon.

NOEL FERRER: I think secure na ang TV career nina Tom at Carla dahil sa kanilang mga kontrata sa GMA-7.

The big task is to build a movie star persona dahil mas yun ang nakakalaki ng premium ng isang artista.

Tom will soon headline Maledicto, a horror film by Mark Meily from Unitel. Sana, he makes it big there.

As for Carla, napatunayan na niya ang galing sa pag-arte; kailangan lang ipakita rin ang kanyang box-office appeal.

Good luck!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Hindi magseselos si Carla kay Janine dahil meron itong Rayver Cruz.

Secure si Carla na kanyang-kanya si Tom at wala itong panahon para sa ibang babae.

Or else... si Carla ay magiging dragon lady sa tunay na buhay!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / @carlaangeline Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results