Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Yen Santos, pinili si Boy Abunda sakaling ma-in love siya sa bading

by PEP Troika
Mar 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Love triangle sina Yen Santos, Hashtag Kid Yambao, at Lassy Marquez sa indie movie na Two Love You, na aspiring entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Comedy ito na nag-uumapaw sa puso. Writer-producer dito si Ogie Diaz.

 IMAGE Jerry Olea

Sa presscon nitong Pebrero 28, Huwebes ng hapon, inurirat si Yen kaugnay sa mga babaeng naiinlab at nagpapakasal sa bading.

Continue reading below ↓

Ginawa pa niyang example si Ogie—na Mama Ogie kung tawagin niya—na nakasama ng Kapamilya actress sa teleseryeng Mutya (2011),

“Ang pag-ibig, wala iyan sa gender,” seryosong sabi ni Yen.

“Kapag ikaw, minahal ka, nirespeto ka, mamahalin mo rin yung tao, e.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Posible raw na mainlab siya sa bading. Nai-imagine ba niya na mamahalin niya si Ogie?

“Mama Ogie, hindi!” napangiwing pag-iling ni Yen.

Hirit pa ng dalaga sa married status ni Ogie, "TAKEN na! Ayokong maging Jade!"

Ang hitad na si Jade ay karakter na ginagampanan ni Yam Concepcion sa Kapamilya teleseryeng Halik, kung saan gumaganap naman si Yen bilang Jacky.

Sino yung puwede?

“Sino yung puwede na ano?” napangiting pakli ni Yen na kunwa'y naguguluhan.

Sabay napahalakhak na dagdag niya, “Baka si Tito Boy! Ha! Ha! Ha!”

Ang TV host daw na si Boy Abunda ang naiisip ni Yen na posibleng mainlab siya.

Paliwanag niya, “Tito Boy, kasi alam ko, irerespeto at mamahalin din ako nun! WOOOOWW!!!”

Continue reading below ↓

Rerespetuhin at mamahalin din siya ni Ogie, if ever!

Halakhak pa ni Yen, “Ha! Ha! Ha! Ha! Married na siya! Married na siya.... O! Married siya. Ayaw nating maging Jade.

“Si Tito Boy, hindi. Hindi pa siya kasal! Ha! Ha! Ha! Ha!”

GORGY RULA: May ilan pang kilala at maimpluwensiyang taong nali-link kay Yen Santos, pero tiyak na wala siyang aaminin.

Basta, isa sa mga nali-link kay Yen... totoo!

NOEL FERRER: Lubos na pinagpala itong si Yen, ha?!

So, ibig bang sabihin ay naka-recover na ito from her last movie with Piolo Pascual na Northern Lights: A Journey To Love (2017)?

Narito ang kuha ni Yen (second to the left) kasama ang Two Love You co-stars niyang sina Hashtag Kid, Lassy, at writer-producer ng movie na si Ogie:

 IMAGE Jerry Olea
Continue reading below ↓

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results