Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, may director's cut na

by PEP Troika
Mar 1, 2019

JERRY OLEA: Mamumukadkad muli ang mga maluwalhating eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa digital movie na Glorious.

Just in time for the highlights of the 24th Panagbenga Festival: Blooming Forward sa Baguio City, matutunghayan ang Director’s Cut ng Glorious ngayong Marso 1, Biyernes, 11 P.M. sa iWant.

“Some intimate scenes are a little longer and a bit more risque... just right,” sabi ni Direktor Concepcion Macatuno nang maka-chat ko nitong Biyernes ng hapon sa Messenger.

Continue reading below ↓

Mainit ang clamor sa sequel ng Glorious. Magkakaroon ba?

“Pinag-uusapan,” mabilis na tugon ni Direk Concepcion.

Sa Baguio kinunan ang malaking bahagi ng Glorious.

Bukas (Sabado) ng umaga gaganapin doon ang Grand Street Parade, at samakalawa (Linggo) ang Grand Float Parade.

NOEL FERRER: Ang mga bulaklak ng Baguio ay rarampa muli.

Nang napanood natin ang premiere noong Nobyembre 15, 2018 sa Santolan Town Plaza ay hindi pa ito ang final cut.

'Tapos, may isyu pang na-pirate agad-agad.

At least, may bago na namang makikita!!! (Baka hindi na magbida-bida ang lola, at baka may alternative ending... na walang kinalaman sa Immigration. Chos!)

Go, go, Glorious!!!

GORGY RULA: Asahan ang mga artistang paparada sa mabulaklaking Panagbenga Festival, na magpu-promote ng mga bago nilang programa.

Sasabayan pa ito ng mga pulitikong nangangampanya na parang mga bubuyog na ring gustong simsimin ang boto ng mga taga-Baguio at local tourists na dumagsa sa naturang festival.

Continue reading below ↓

Anong bago?!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results