JERRY OLEA: Totoo!
Nasa BPCI (Bb. Pilipinas Charities, Inc.) pa rin ang Miss Universe Philippines!
Pinost sa official website ng Bb. Pilipinas nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Marso 1, ang kanilang announcement para sa search sa anim na korona ng Bb. Pilipinas 2019, kabilang ang:
Miss Universe Philippines
Binibining Pilipinas International
Binibining Pilipinas Intercontinental
Binibining Pilipinas Supranational
Binibining Pilipinas Globe, at
Binibining Pilipinas Grand International.
Ang gabi ng koronasyon ay sa Hunyo 2019.
Mada-download ang application form sa official website ng timpalak www.bbpilipinas.com
Ang deadline ng submission ay sa Marso 15.
Opo! Nasa BPCI pa rin ang local franchise ng Miss Grand International, kesehodang ang organizer at reigning queen nito ay nagpasaring sa ating 4th Miss Universe na si Catriona Gray.
BAKIT?!
Late ang 56th search ng Binibini dahil sa mga isyung kinaharap nito.
Marso 18 ang timpalak last year. Abril 30 noong 2017. Abril 17 noong 2016. Marso 15 noong 2015.
This year... Hunyo!
Katatapos lang ng 67th Miss Universe at 10th Miss Supranational last December, at ng 47th Miss Intercontinental last January.
Sa Oktubre pa ang 59th Miss International at 7th Miss Grand International.
Ewan kung kailan ang Miss Globe.
GORGY RULA: Parang mas okay talaga ang March at April na koronasyon ng Bb. Pilipinas dahil iyun ang season ng mga beauty competition.
Sa June kasi, simula na ng klase, at mahirap na sumali ang mga estudyante.
Pero marami na raw ngayon ang naghahanda nang sumali dahil na-inspire sila sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe.
NOEL FERRER: Sinu-sino ba ang mga matunog na sasali sa unang pagkakataon o yung sasali muli?
Si Pia Wurtzbach, sa ikatlong sali sa Binibini nanalo... at kapagkuwan ay naging Miss Universe.
Si Catriona Gray, talunan sa Miss World... naging Miss Universe!
Try and try until you are crowned!