Kristofer King, nakatakdang ilibing ngayong araw

by PEP Troika
Mar 3, 2019
PHOTO/S: Arniel Serato

JERRY OLEA: Ngayong Marso 3, Linggo nang tanghali, dadalhin ang mga labi ng indie actor na si Kristofer King sa Manila Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque City.

 IMAGE Arniel Serato

Alas-2:00 PM ang misa roon. 3:00 PM ang libing.

Na-finalize iyon nito lang Marso 1, Biyernes, kaya dali-daling naghukay roon para sa huling hantungan ni Kristofer (Christopher Reyes sa totoong buhay).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nawawala yung papeles kaya hindi na sila magtatabi ng mama niya,” matamang lahad ng asawa niyang si Joan “Nikki” Alegre nang makausap ko kagabi, Sabado nang pasado 11:00 PM.

“Binigyan mismo siya ng lupa ng tito niya, si Tito Dan [Tagle], kapatid ng mama niya.”

Ang ama ni Kristofer ay sa San Leonardo, Nueva Ecija nakalibing.

Mula sa Dubai, UAE ay umuwi ang nag-iisang buong kapatid ni Kristofer na si Christina Reyes.

Bakit ayaw ni Nikki na ipa-cremate ang mga labi ni Kristofer?

“Naaawa kasi si Tito Dan. Naaawa na patay na nga, tapos, iaano pa?” sansala ni Nikki.

“Ako, ayoko rin talaga ng cremate. Naawa si Tito Dan sa kanya, sa amin. Bakit gano’n? Wala man lang siyang libingan na ano?

“Apat yata ang lupa roon ni Tito Dan. Yung isa, ibinigay niya [para kay Kristofer].”

Si Christina ang nag-asikaso at nagbayad para sa paglilibingan ng namayapang indie actor.

NOEL FERRER: Hanggang sa huli, may drama ang saga ng mahusay na aktor na namayapa na si Kristofer King.
Payapa na ba ang pamilya niya? Tuloy ang hamon sa kanilang buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Haharap na sa bagong hamon ng buhay ang pamilyang naiwan ni Kristofer.

Heto na ngayon ang haharapin ni Nikki kung paano niya maitaguyod ang limang anak na naiwan sa kanya, na ang dalawa e may sakit na Hunter Syndrome.

Makakahingi pa kaya sya uli ng tulong kay Coco Martin?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results