Bea Alonzo at Charo Santos, nadadama pa rin ang hilakbot na dulot ng Eerie

by PEP Troika
Mar 3, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Nagtilian ang showbiz media na nakapanood ng first 10 minutes ng horror thriller na Eerie nitong Marso 2, Sabado nang gabi sa ABS-CBN Studio Experience, Trinoma, QC.

Sabi ng mga bidang sina Bea Alonzo at Charo Santos, nakakadama pa rin sila ng hilakbot kahit ilang beses na nilang napanood iyon.

Ito ang unang horror movie ni Bea, at kaabang-abang ang banggaan nila ni Charo. Maigting!

Taong 1995 ang setting ng conflict sa istorya—noong panahon na merong death penalty, at hindi pa namamayagpag ang social media.

Bea Alonzo, Charo Santos, and Director Mikhail Red
 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itong kuwento nga na ito, if you think about this, para siyang Science versus Faith,” pahayag ng direktor ng pelikula na si Mikhail Red.

“Kasi, siya [Bea], very modern na guidance counselor. Yung approach niya to talking to children, mas modern.

“'Tapos, si Ma’am Charo, nire-represent niya yung traditional institution na ganito dapat.

“So, iyon yung conflict na very polar opposites ang character nila. Yun ang interesting. Yun ang magke-create ng tension dito.”

Marso 27 ang playdate ng Eerie—sa pagitan ng Captain Marvel (March 6, Ash Wednesday) at Avengers: Endgame (April 24).

NOEL FERRER: Nakakakaba ang mag-release ng mga pelikula ngayon, pero umaasa tayong tatauhin at dadayuhin ng mga kababayan natin ang showing ng Eerie.

Sana, hindi lang tayo palaging pinupuri ng mga dayuhan, pero lost naman sa sariling bansa.

Isang malaking GOOD LUCK talaga!

GORGY RULA: May ilan na akong nakausap na napanood na nila itong Eerie, nakakatakot daw talaga.

Sana, itinuloy na nila ito noon sa MMFF 2018 dahil patok tiyak sa MMFF audience ang ganitong horror.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero kampante sila sa pelikulang ito, at maganda ang nakuhang playdate. Kaya sana, maganda ang kalalabasan nito sa takilya.

Parang horror na rin talaga ang lagay ng movie industry natin ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results