GORGY RULA: Ngayong Marso 3, Linggo, 4:00 p.m., ay magkakaroon ng misa sa musoleo ni Kuya Rudy Fernandez sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Bahagi ito sa pag-alala nina Lorna Tolentino at ng buong pamilya sa kaarawan ni Kuya Daboy.

Nakausap ko kanina lang si Lorna, at sinabi niyang kung nabubuhay lang si Kuya Daboy, 67 years old na sana ito.
Aminado ang magaling na aktres na nami-miss pa rin niya ang namayapang asawa.
Kaya lagi pa rin siyang dumadalaw sa Heritage, lalo na kapag may mga espesyal na selebrasyon.
Naka-text ko naman ang manager nilang si Manay Lolit Solis, at nagi-guilty na raw siya dahil matagal na siyang hindi nakakadalaw sa puntod ni Kuya Daboy.
Mabuti na lang daw at bumalik na ang Instagram account niya pagkatapos itong ma-hack two days ago.
Kaya doon na lang siya sa Instagram account niya nag-post ng emote niya sa paborito niyang alaga.
Hindi raw puwedeng hindi niya ma-miss si Kuya Daboy dahil ito ang pinakamakulit sa lahat na mga alaga niya.
Naiisip niya na kung nabubuhay si Kuya Daboy, tiyak na aligaga raw ito ngayon sa pagsama sa pag-iikot ng mga best friends niyang sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada, na parehong kandidato sa 2019 mid-term elections.
Marami pa ring close friends sa showbiz ang nami-miss si Kuya Daboy na nagpu-post sa kanilang social media account.
Sa June 7, 2019 ay 11 years nang namayapa ang tinaguriang Prince of Action.

JERRY OLEA: Bongga ang papel ni Lorna sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin (2011), kung saan kambal ang karakter ng bidang si Coco Martin.
Exciting ang muling pagtutuos nina Lorna at Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan dual character din si Coco (bagama’t noon pa namatay ang kakambal).
Nag-taping na si Lorna sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Dapat ay six days lang siya, pero parang aabutin pa ng isang buwan ang taping niya, dahil gusto ni Coco na pahabain pa ang karakter niya.
Gustung-gusto ni Lorna ang role niya rito na mala-Janet Lim Napoles—ang tinaguriang pork-barrel scam mastermind na nakikipagsabwatan sa mga senador sa tunay na buhay.
View this post on Instagram
NOEL FERRER: Kung may Da King block sa Sunday viewing schedule ng ABS-CBN, maganda ring may replay ng Daboy movies sa Kapamilya network, na siyang nakabili ng film catalogue ni Rudy Fernandez.
Ito ang pinagkaabalahan noon ng anak nilang si Rap, ang pagdi-digitize ng mga pelikula ng ama niyang kilalang action star sa bansa.
As for Lorna, she is always at her best kapag lumalabas siya sa TV man o pelikula.
Sana ay pahabain pa ang role niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
At sana, magtuos sila ulit ng isang artistang nakasama niya dati na sakdal-arte—na naging test of patience and professionalism ni Lorna.
Aba, e, nitong huli ay nasa Kapamilya network na yung aktres na iyon!