Bisexual actor, ayaw pumatol sa baguhang male singer na isang closet gay

by PEP Troika
Mar 3, 2019

NOEL FERRER: "Hindi kami talo niyan!" ang bulalas ng isang aktor na hayagang gay/bisexual tungkol sa isang baguhang male singer sa showbiz.

Dagdag pang sabi ng gay/bi actor na mahusay ding performer: "Naging karelasyon iyan ng kaibigan kong babae noong nagpanggap pa iyang boylet.

"At pagkatapos, inaalok iyan sa akin na maka-date ko before ng kapwa niya singer.

"Pero paano naman? Close kami nung natanso niya!"

Continue reading below ↓

Knowing our friend, may time ba siya para sa isang bagong relasyon, mga Ka-Troika? Alam niyo naman kapag na-in-love ito, todo-bigay.

Di ba, noon ay may pa-wedding wedding proposal pa? Hayun, hindi rin nagtagal.

Pero huwag ka, nagbabalik yata ang ex at tine-text pa rin ang kaibigan nating aktor!

JERRY OLEA: Makulay ang buhay, love life at sex life ng gay/bi actor. Sa maraming bagay, siya ay mahusay.

Napasubo siya sa iba’t ibang pagsubok, at minsan ang pride ay kanyang nilulunok.

Naalala ko pa ang kuwento ng exciting niyang engkuwentro sa pogilicious at adventurous showbiz personality, na habang nagmamaneho ito sa kahabaan ng EDSA ay nauumpug-umpog ang ulo ni gay/bi actor sa manibela.

Sa mapuputing ngipin at mapupulang labi ng "baguhang" singer, ang eklay ni gay/bi actor ay nahihiya siyang makipag-French kiss dito.

Naku! Idudulog natin ang usaping iyan sa patron ng mga sundalo!

GORGY RULA: Sa dami ng pinagdanaan ng baguhang singer na ito, tiyak na marami pang lilitaw na kuwento tungkol sa kanya.

Continue reading below ↓

Sure ako na meron talagang konek sina baguhang singer at gay/bi actor. Kaya noong magkita sila, nanariwa sa kanila ang nakaraan nila pati ang babaeng na-involve kay baguhang singer.

Di ba, noong na-mention ang kaibigang girl ni gay/bi actor, panay ang kurot ni baguhang singer para huwag nang balikan ang kanilang lumipas?

Huwag na tayong magtaka kung meron pang ibang na-involve kay baguhang singer.

Bigyan na lang natin siya ng chance na mapansin sa kanyang singing career. Pinaghirapan din niya ito.

Read Next
Read More Stories About
blind item, celebrity romance
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results