Maja Salvador, pinakyaw ang malalaking art pieces ni John Lloyd Cruz

NOEL FERRER: Pinakyaw ni Maja Salvador ang tatlong big pieces sa VOID na exhibit ni Idan Cruz, aka John Lloyd Cruz—ang "Bonobo 1, 2 & 3."

IMAGE Instagram

At least, nakakuha pa rin ako ng dalawa.

Ang print ng "Walls 1" at ang "Resting Illusions of Freedom" ang napunta sa akin—na in fairness ay reasonably priced—at ubusan. Hanggang 3 copies lang per print ang ibinebenta.

In fairness, interesting ang photos at installations ni Lloydie sa Gallery 2 ng West Gallery sa #48 West Avenue.

Base sa mga napagtanungan ko, among the people sa entertainment industry na nakapunta na since Opening Night noong February 28 ay ang ABS-CBN president na si Carlo Katigbak, Linggit Tan, Johnny Manahan, Thou Reyes, Erwin Romulo, at Jerome Gomez.

Kaya sa mga naghahanap kung nasaan na ba ang premyadong aktor na si John Lloyd Cruz, heto at nahanap namin siya sa kanyang exhibit na VOID sa West Gallery sa West Avenue.

At bongga si Maja (na dati pa namang malapit na kaibigan ni Lloydie)... may love life na, may big art pieces pa!

GORGY RULA: Mukhang nakikita na kay John Lloyd ang katahimikan sa buhay.

Lumalabas ang pagiging artist niya sa mga obra niya, at masaya na siya siguro rito.

Baka nga naman may void na naramdaman noon si Lloydie noong nasa showbiz siya?

Kaya hangad na natin ang kasiyahan sa puso at sa buhay niya sa piling ni Ellen Adarna at sa kanilang anak.

JERRY OLEA: John VOID Cruz?! Ang kahungkagan noon sa puso at kaluluwa ni Lloydie ay napunan ng kanyang anak.

Hindi ba’t lumabas pa ang kanyang pagiging makata dahil sa panganay nila ni Ellen?

Nami-miss natin ang husay ni JLC sa TV at pelikula, pero huwag nating ipagkait kung ano ang magdudulot sa kanya ng katiwasayan at lubos na ligaya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN