Kampo ni Maine Mendoza, hangad din ang kaligayahan ni Alden Richards

by PEP Troika
Mar 4, 2019
PHOTO/S: Instagram / YES!

GORGY RULA: Nagkasalubong sina Manay Lolit Solis at Rams David (ng All Access to Artists, Inc.) nitong Marso 4, Lunes ng hapon, sa Coffee Project sa Quezon City.

Doon ay kinulit-kulit ni Manay Lolit si Rams tungkol sa pagbabakasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Taiwan.

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Nicdao / Arjo Atayde Instagram

Bilang manager ni Maine, nilinaw ni Rams na hindi lang si Arjo ang kasama ni Maine na umalis patungong Taiwan noong nakaraang linggo, kundi pati mga kabarkada nito.

Sabi ni Rams, “She’s with the company of friends na nagbabakasyon kasi birthday niya.

"Baka puwede namang ibigay na natin kay Maine yun, as a gift na maging masaya yung bata."

Kung ano man ang ipinost ni Maine sa kanyang blog, nirerespeto nila ito dahil nagpakatotoo lang ito.

“Nirerespeto ko kung ano man ang personal na nangyayari at desisyon ni Maine.

“Si Maine ay nagtatrabaho po nang maayos bilang artista.

“Sa labas po, kung ano ang ikaliligaya niya na hindi ikapapahamak ng bata, she can do it. Kasi, we trust her.

“The management, and I’m sure the family, trust her kung sino man ang kasama niyang lumalabas, nagdi-date, out of town, out of the country,” pahayag ni Rams.

Continue reading below ↓

Naawa rin siya kay Alden Richards dahil nadadamay ito sa mga puna ng ilang bashers.

Merong ibang nagsasabing tila sinisisi pa si Alden, bakit hindi kasi nito niligawan si Maine.

JERRY OLEA: Ang magkaka-love team na KathNiel, LizQuen at JaDine, magkakarelasyon sa totoong buhay.

Ipinapaubaya ng fans sa kanila ang pagdiriwang ng kani-kanilang anniversary.

Sina Alden at Maine, hindi magsyota. Pero tuwing Huwebes, ipinapangalandakan ng ADN (AlDub Nation) ang kanilang weeksary.

Inamin ni Maine na nagdi-date sila ni Arjo, na masaya siya sa piling ng binata, na tanggap ito ng kanyang pamilya... hindi kaya tamang panahon na para itigil ng AlDub Nation ang pagse-celebrate ng weeksary?

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Continue reading below ↓
 IMAGE @aldenrichards02 on Instagram

GORGY RULA: Hangad ng kampo ni Maine ang kaligayahan ni Alden, na malaya nitong magawa kung ano ang ikaliligaya nito.

“Yun din ang wish namin sa kabila, kay Alden,” pahayag pa ni Rams.

“I’m sure, si Alden ay may sarili ring buhay. Let us respect kung ano man yung desisyon din nung tao para sa sarili niyang buhay.

“Alden is working hard. Hanga ako kay Alden.

"He is part of Sunday PinaSaya, at sobrang appreciation meron kami, lalo na ako, kasi he makes it a point na nandun siya pag Sabado to rehearse.

“At tuwang-tuwa siya pag maganda ang nagawa niya every Sunday.”

Sana raw ay maunawan ng lahat kung ano man ang gusto nina Maine at Alden para sa kanilang buhay.

Nagpasalamat na rin si Rams sa lahat na nakaintindi at patuloy na nagmahal kay Maine.

Nagpasalamat na rin siya sa ilang di nakakaunawa, dahil nandiyan at sumuporta sila sa AlDub at nagmahal sa dalawa.

Continue reading below ↓

“For me, ang artista, kung ano ang ginagawa niyang tama, at marespeto kang tao, that’s it.

"Kung ano man magpapaligaya sa ‘yo outside showbiz, kung wala kang tatapakan at masasaktan, you can do it.

“Sa nagmamahal sa kanila maraming salamat.

“Sa mga nasaktan, salamat sa pagsuporta sa kanila. At humingi kami ng pang-unawa sa kung anong present na situation nila ngayon.

“Di ba, masarap ang pakiramdam kung makita mong masaya ang isang taong minamahal mo?” saad pa ni Rams.

Continue reading below ↓
Lolit Solis and Rams David
 IMAGE Gorgy Rula

NOEL FERRER: At this point, tanggap na nina Alden at Maine na hindi sila para sa isa’t isa sa tunay na buhay.

Kahit umasa si Maine noon, hindi talaga priority ni Alden ang ganung relasyon dahil focused ang Pambansang Bae sa kanyang career.

Kung tanggap nina Alden at Maine ang kanilang sitwasyon, sino tayo na hindi makakatanggap sa katotohanang ito?

Na role playing at trabaho lang ang AlDub tandem. Na pagkakaibigan at respeto bilang magkatrabaho ang meron sa kanila—at yun na yun!

Hanggang hindi natin matanggap ito, hindi uusad ang ating pag-iisip—pati na ang ekonomiya at sitwasyong politikal sa ating bansa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram / YES!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results