GORGY RULA
Nasa lock-in taping pa ng Legal Wives si Andrea Torres, kaya wala raw siyang ideya tungkol sa binabalak ni Willie Revillame na sitcom sa GMA-7 na pagsasamahan nilang tatlo ni John Lloyd Cruz.
Naka-text ko si Andrea, at ayon sa kanya, wala pang sinasabi sa kanya ang GMA Artist Center tungkol sa naturang project.
“Ngayon ko lang po nalaman. Wala pa pong official na sinabi sa akin ang manager ko po,” text back ni Andrea nang tinanong ko siya kung aware siya sa project na ito.
Pero natutuwa at nagpapasalamat siya kay Willie na naisip nitong ipag-produce sila ni John Lloyd ng proyekto.
Kung matutuloy ito, malaking karangalan daw na makasama si John Lloyd sa ganitong proyekto.
“Nakakatuwa naman po. If ever, it would be a great honor. He is a brilliant actor and I am a fan.
"I’m sure enjoy po gawin ang project na yun.
“I would also like to express my gratitude to Kuya Willie Revillame for considering me for the project,” dagdag na text ni Andrea sa PEP Troika.
NOEL FERRER
Ibang klase maglaro ang tadhana, parang exchange partners lang ang mangyayari kina Derek at Ellen, John Lloyd, at Andrea kung sakali.
Habang si Derek ay nasa slowing down phase na sa kanyang showbiz assignments, sina JLC at Andrea ay panibagong sigasig naman sa work, work, work!
Maganda itong move na ito and, hopefully, people can transcend yung rigodon ng relationship, at makita kung may ibubuga ba sa artistry ang mga personalidad na ating nababanggit!!!
Bring all the good projects on!!!
JERRY OLEA
Balak pa lang ang lahat ng ito, pero nakaka-excite.
Sa pag-ikot at pag-ikit ng mundo, abangan natin ang mga susunod na kaganapan.
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
