PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford resumes international singing career

Billy, ano ang masasabi sa bagong P-pop girl group na Calista?
by PEP Troika
Published Mar 10, 2022
billy crawford, calista
Billy Crawford on new P-pop girl group Calista: “They have to work hard, prove to everyone that they are great performers, and they just did. And they will continue to do so. So I pray for more success for Calista!”

JERRY OLEA

“Mali ang mga Marites, ang mga chika nila! Tuluy-tuloy pa rin kaming Lunch Out Loud!”

Hiyaw iyan ni Billy Crawford nang mag-guest siya sa grand launch ng all-girl group na Calista nitong Marso 8, 2022, Martes, sa Novotel Manila, Araneta City, Quezon City.

“Yes! Palakpakan natin!” masayang bulalas ng program host na si DJ JhaiHo na certified Kapamilya.

Pagpapatuloy ni Billy, “Parating na rin ang Masked Singer Pilipinas Season 2, merong bagong kaganapan dun.

“Meron pa ring bagong programa na kailangang aabangan din ng ating mga Kapatid. At i-announce ko na, why not?

“July to August, I’ll be back sa France. I’ll be there for a good month and a half to do a tour again.

“So, I’m trying to reach and penetrate as much as there is to penetrate. It’s a start of a new beginning for everyone.”

Opo! Susubok muli sa international arena si Billy, kaya swak na swak ang guesting niya sa grand launch ng Calista na pang-international ang tunog ng unang single na "Race Car."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasama ni Billy ang Calista sa entablado. Ano ang masasabi niya sa grupo bilang performers?

“Ahhm, they have every quality to be the best they can be,” sambit ni Billy.

Paliwanag ni Billy, si Marcus Davis na nag-compose at sumulat ng "Race Car" ay isa sa pinakamahusay na music producer, at utang niya rito ang kanyang singing career.

“Now, since Calista ang pinag-uusapan namin, they’re in the right hands. They have great management,” ani Billy.

“They have great support from great producers and songwriters. And ang pinakaimportante, humble sila.

“Yun ang importante, they have to be humble to make it in this game. Huwag silang magtataray at magdi-diva-diva, kababata-bata lang nila.

“They have to work hard, prove to everyone that they are great performers, and they just did. And they will continue to do so.

“So I pray for more success for Calista!”

Ang Calista ay binubuo nina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle, at Dain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

calista

Ang concert nilang Vax to Normal ay gaganapin sa Abril 26 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Panauhin sa nasabing concert sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose.

GORGY RULA

Sobrang tuwa ng mga nakasaksi sa grand launch ng Calista, dahil after two years, ngayon lang sila nakadalo uli sa isang malaking event na dinaluhan ng maraming entertainment press.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Game na game pa ang ilang movie press na sumali sa game nila na na-enjoy ng lahat. Sana masundan pa ito, para kahit paano ay ramdam mo nang bumabalik na tayo sa dating normal, kahit nakakapraning na ang patuloy na pagtaas ng gasolina.

Tamang-tama namang ipinagdiwang ang International Women’s Day sa grand launch ng bagong all-girl group na ito. Impressive ang performance ng Calista na nahasa nang husto sa halos isang taon na training sa pagkanta at pagsayaw.

Galing sa iba’t ibang linya ang anim na members ng Calista.

Si Olive ang isa sa pinakapaborito ng karamihang entertainment press. Pam-beauty queen kasi ang ganda niya, bilang naging Miss Teen Cebu siya nung 2019.

Ganundin ang dating beauty queen na si Elle, na napakagaling ding sumayaw.

Dati ring nagmu-model at sumasali sa ilang beauty competitions si Dain, at naiisingit niya ito sa kanyang pag-aaral.

Si Anne naman ay hindi na bago ang pagkanta, dahil nakapag-release na siya noon ng ilang single, at galing din sa ilang singing competitions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagsasayaw ang expertise ni Denise. Nakasali siya sa ilang international dance competitions sa Australia at malaki ang naisi-share niya sa mga dance routines ng grupo.

Naging training ground ni Laiza ang appearance niya sa ilang pelikula at TV shows. Sanay na sanay na siyang nag-perform sa stage, kaya pansing-pansin din ang pasiklab niya sa grand launch ng kanilang grupo.

Pang-international ang dating ng Calista, at hindi nagpahuli ang kanilang music video na obvious namang ginastusan nang bonggang-bongga.

Nasa You Tube ng Calista PH ang naturang music video.

NOEL FERRER

Billy should perform, perform and perform because that is what he does best!

Sana nga, maka-penetrate pa siya sa international market.

Kahit sa local market din muna, he should have a signature song that would make the masses remember Billy — not the comic-host, but the singer-performer. Game!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on new P-pop girl group Calista: “They have to work hard, prove to everyone that they are great performers, and they just did. And they will continue to do so. So I pray for more success for Calista!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results