Derek Ramsay, nagsalita tungkol sa kumalat na litrato nila ni Ellen Adarna

by PEP Troika
6 days ago
Derek Ramsay, nilinaw na hindi dapat bigyan ng malisya ang mga litrato nila ni Ellen Adarna sa party na ginanap sa bahay ng aktor. Hindi raw niya akalaing pag-iisipan ng ibang tao na may namamagitan sa kanila ni Ellen dahil lamang doon.
PHOTO/S: @iloveruffag Instagram

GORGY RULA

“Lahat na lang, may issue sa akin. Akala ko ba, ayoko na sa babae and I’m gay?”

Text message iyan ni Derek Ramsay sa PEP Troika nitong Enero 12, Martes, nang hiningan ko ng reaksiyon sa isyu kaugnay ng mga kumalat na litrato nila ni Ellen Adarna.

Ilang sandali lang ay tumawag ang Kapuso actor para sabihing nakakapagod na ang mga intrigang ibinabato sa kanya.

Kuwento ni Derek sa PEP Troika, noong nakaraang linggo ay nakita niya sa isang restaurant ang best friend niyang si John Estrada.

Kasama raw noon ni John si Ellen at ilang production staff dahil nagpi-preprod ang mga ito ng sitcom nilang John en Ellen, na malapit nang mapanood sa TV5.

Doon nalaman ni Derek na malapit lang sa bahay niya sa Ayala Alabang ang tirahan ni Ellen, kaya nagyaya ang Kapuso actor na mag-host ng dinner para sa kanilang grupo.

Tinupad ni Derek ang pangako niya at nangyari ito noong Enero 11, Lunes ng gabi.

Continue reading below ↓

Kasama sa dinner party si Ruffa Gutierrez, na nag-post sa Instagram ng pictures ng kanilang intimate dinner party.

Hindi raw naisip ni Derek na maiintriga ang mga litratong ipinost ni Ruffa dahil maayos lang silang nag-uusap ni Ellen.

“Hindi ko na naisip yun, kasi alam mo naman ako, hindi naman ako nag-iisip ng ganyan, e,” pakli ni Derek.

Sabi pa ni Derek, isa sa napag-usapan nila ni Ellen ay ang naudlot na pagsasama nila sa isang project.

Dapat daw ay si Ellen ang kasama niya sa pelikulang The Escort, na pinagbidahan nina Derek at Lovi Poe noong 2015.

Hanggang doon lang daw ang usapan ng dalawa.

Masaya lang daw silang nag-dinner sa bahay ni Derek kasama ang iba pang mga kaibigan.

Hindi raw maintindihan ni Derek kung bakit pilit siyang inuugnay sa mga personalidad tulad nina Pops Fernandez at Bea Alonzo.

“Grabe na. Nakakahiya kay Pops na friend ng mom ko. Pati si Bea, binuntis ko raw. Ngayon naman, lalaki?

Continue reading below ↓

"Hindi ko na alam kung saan nanggagaling lahat ito. Napakatahimik kong tao.

"We’re all having fun,” diin pa ni Derek.

JERRY OLEA

Derek Ramsay + Ellen Adarna + Ruffa Gutierrez + John Estrada.

Beautiful stars in an interesting party. Pawang makulay ang kani-kanilang love life.

May common denominator pa sina Ellen at Ruffa—ang ex-boyfriend nilang si John Lloyd Cruz.

Siyempre, sa malikot na imahinasyon ng netizens ay nakaka-shookt kung nag-compare notes ang dalawang dilag.

Si Ruffa ang mismong nag-post ng litrato nina Derek at Ellen na nag-uusap at nagkukulitan sa kanilang get-together.

Mahihinuhang inaasahan ni Ruffa na may ibang netizens na mabibigyan ng "malisya" ang pagkikita-kita nila.

Nilagyan kasi ni Ruffa ng disclaimer na "walang malisya" sa caption niya sa picture nina Derek at Ellen.

NOEL FERRER

Ang liit talaga ng mundo!!! Lahat, konek-kunek.

At sa malilikot ang isip, pwede talaga nilang bigyan ng ibang kahulugan at malisya ang lahat.

Continue reading below ↓

Parang napaglalaruan ng tadhana ang mga artistang sangkot dito, lalo na ang focus sa thread na ito na si Derek Ramsay.

Pero ang maganda ay hindi siya nagpapakulong sa naratibong gustong ipapaniwala ng ibang tao.

Sa huli’t huli, buo dapat ang tiwala mo sa sarili mong kabutihan at katotohanan, para hindi ka mamanipula at mapaglaruan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay, nilinaw na hindi dapat bigyan ng malisya ang mga litrato nila ni Ellen Adarna sa party na ginanap sa bahay ng aktor. Hindi raw niya akalaing pag-iisipan ng ibang tao na may namamagitan sa kanila ni Ellen dahil lamang doon.
PHOTO/S: @iloveruffag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results