Derek Ramsay, muntik nang ma-damage ang mata dahil sa UV light exposure

by PEP Troika
Sep 29, 2020
Wala pang ten seconds na-expose si Derek Ramsay sa UV light disinfectant, pero pagkatapos ng limang oras ay hindi na raw niya maidilat ang kanyang mga mata. Mabuti na lang daw at sa bahay niya natulog noong gabing iyon ang kanyang girlfriend na si Andrea Torres, na nagdala sa kanya sa ospital kasama ang isa pang kaibigan.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Naging leksyon kay Derek Ramsay nang muntik nang ma-damage ang kanyang mata nang na-expose ito sa UV light na pang-disinfect sa bahay.

Noong nakaraang linggo ito nangyari.

Kuwento ng Kapuso actor, “In-on ko siya, nasa bathroom ako. In-on ko siya from there, then nakita ko na parang may nagpi-flicker.

“Tiningnan ko, in-adjust ko lang nang konti. Wala pang ten seconds, 'tapos may nagpi-flicker. Ibig sabihin, maluwag yung bulb.

“'Tapos, tiningnan ko. I took a shower, I had dinner, 'tapos natulog.

“Mga five hours later, nagising ako, hindi ko na madilat ang mata ko.”

Mabuti na lang daw at nandoon ang girlfriend niyng si Andrea Torres, na tinulungan siyang gumawa ng paraan. Pero mas lalo raw sumakit ang mata niya.

“Hinugasan ko yung mukha ko, akala ko, dry eyes lang. Lalong nag-worst.

“'Tapos, binigyan ako ni Andrea ng eye drops. Yun, masakit talaga.

“Sabi nila, dalhin na ako sa hospital. They took me to the hospital, sila nga ang nagsabi sa akin because of the UV light,” dagdag na kuwento ni Derek.

Continue reading below ↓

Hindi siya na-confine, pero inobserbahan siya ng ilang araw. Mabuti na lang, walang na-damage sa kanyang mata.

“They put this anaesthetic drops para madilat ko iyung mata ko. After ten minutes, hindi na naman madilat.

“Nag-prescribe ng antibiotic drops, two days, naging okay na rin siya. Mabuti na lang daw, walang permanent damage.

“Marami raw ganung kasong ganyan na dinala sa hospital.

“Parang effect ng welding, ganun,” patuloy ni Derek.

Sabi ni Derek, malakas daw talaga ang UV light na ginagamit pang-disinfect sa kanilang bahay. Pero dapat sundin daw ang instructions at maging maingat na hindi ito ma-expose sa mata.

“Effective siya to kill viruses, to kill bacteria, pero kailangan mo talagang sundin ang instructions kung paano gamitin.

“Like, 30 minutes mo siyang i-on, huwag kang papasok for another 30 minutes.

“May instruction naman siya and it’s very effective. Yun nga lang, some people, they don’t follow it. Ako rin, hindi ko sinunod yung instructions.

Continue reading below ↓

“That’s why there’s instructions, that specific, they say na you have to be out of the room. 'Tapos, you have to air out the room.

“It’s effective, but you have to follow the instrructions,” saad ng Kapuso hunk actor.

Dahil sa nangyaring ito, kung saan si Andrea ang nagdala sa kanya sa hospital, napagtanto tuloy at naintriga ang karamihan na nagli-live in na ang magkasintahan.

“It’s not true,” mabilis na sagot ni Derek.

Umuuwi pa rin daw si Andrea sa magulang nito, pero at least once a week ay nag-i-sleep over daw sa kanya.

Mabuti at nandoon si Andrea noong nangyari yun, at may isang kaibigan daw siyang nakitulog din sa kanyang bahay. Ang mga ito raw ang nagdala sa kanya sa hospital, dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa kanyang mata.

Ngayon ay okay na raw siya at ginagamit pa rin nila ang UV light disinfection, pero nag-iingat na sila.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Oo, ibayong ingat ang kailangan dahil ang mga UV light ay pang-disinfect at pampawala ng virus at bacteria... hindi dapat ng paningin natin!

The moral of the story: follow instructions at talagang sumunod sa direksiyon sa lahat ng bagay.

Buti na lang, hindi naapektuhan nito ang pagtingin ni Derek at ang pagtitinginan nila ni Andrea!

JERRY OLEA

Affordable ba ang UV light na disinfectant?

Pakiwari ko’y mga yayamanin at nasa upper middle class lang ang nagkakaproblema rito.

Kasi, ang karamihan sa madlang people, nagtitiyaga sa face mask, face shield, alcohol, alcogel, at sabon para mag-disinfect. Waley sa diwa nila ang Ultraviolet (UV) light.

Di ba, Mang Kanor at Aling Nena?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang ten seconds na-expose si Derek Ramsay sa UV light disinfectant, pero pagkatapos ng limang oras ay hindi na raw niya maidilat ang kanyang mga mata. Mabuti na lang daw at sa bahay niya natulog noong gabing iyon ang kanyang girlfriend na si Andrea Torres, na nagdala sa kanya sa ospital kasama ang isa pang kaibigan.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results