JERRY OLEA
One highlight after another ang Dreams concert ni Gerald Santos noong Disyembre 3, 2025, Miyerkules ng gabi, sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Pagkatapos kumanta ni Marco Sison ng "Always," umentra muli si Gerald sa stage para sa duet nila.
Ani Gerald: “Lumaki tayo na pinapakinggan ang awitin ni Kuya Marco, di ba? Sa mga videoke, mga songs ni Kuya Marco ang go-to songs, di ba, pagka kailangang kumanta sa videoke.”
Read: Dennis Trillo wins best actor at 2025 Asian Academy Creative Awards
Sambot ni Marco, yung idu-duet nila ni Gerald ay kinakanta sa iba’t ibang okasyon, pati sa lamayan.
Sa funeral procession nga raw minsan sa hometown niyang Biñan, Laguna, narinig ni Marco na pinapatugtog iyon habang nasa bahay siya.
“Nag-lipsynch na lang ako,” pakli ni Marco.
Pangwalang hanggan ang nasabing awit.
Dagdag ni Marco: “Maraming kumakanta niyan sigurado dito [sa videoke]. Mga score nila, 100. Taas ang mga kamay ng 100 diyan! Ako, 78 lang ang score ko dito. 78, original ako, ha?”
Sabi ni Gerald, “Hindi marunong kumilala yung videoke machine.”
Nag-congratulate muna si Marco kay Gerald sa tagumpay ng Dreams concert, bago nila inawit ang "My Love Will See You Through."
“Para sa mga umiibig,” sambit pa ni Marco.

GERALD SANTOS: an old soul
Pag-exit ni Marco, isiniwalat ni Gerald: “It has always been my dream to sing the songs of the great Mr. Basil Valdez onstage.
“Isa pa pong legendary OPM artist, which to me is the original King of Ballad. I remember, noong una kong concert series sa Teatrino po wayback like more than 15 years ago, I did a Basil Valdez medley, teenager pa lamang po ako.
“Mga classic Tagalog songs. Kaya ito po, itong awiting ito tonight, I will sing for you one of his English hit songs composed by our National Artist Mr. Ryan Cayabyab.
“Here’s 'Sometime Somewhere.'”
Pagtatapat ni Gerald bago nagpakitang-gilas sa pagkanta ng "Moon River" at "ove Story": “I’m an old soul. I love listening to and singing the songs of the global icons of yesteryears.
“And it reflects on the songs which I am comfortable singing. Maybe had I been a singer or a recording artist in the ‘50s or ‘60s, people would have appreciated my music more.
“Kaya sa mga bagets na naririto tonight, I’m sure you’ll find yourself nostalgic while I perform these songs from the amazing Andy Williams.”
Salaysay kapagkuwan ni Gerald: “When I reached puberty, there was a huge struggle finding songs that will suit my voice.
“Dati kasi, alam niyo, nung bata po ako, yung mga kinakanta ko, mga Whitney Houston at Regine Velasquez songs.”
Napa-wow ang audience, at nagpatuloy si Gerald, “Oo, noong bata po ako. Kasi, alam nIyo, kahit male, kapagka bata, talagang pambabae yung boses.
“Kaya ayun, only to wake up one day na hindi ko na po maabot ang mga songs ng mga female singers na favorite ko po.
“One day, gumising na lang ako, nag-puberty, you know. Hindi ko na maabot yung mga songs. “
And nakaka-depress po iyon, iyong time na iyon. And I vividly remember looking for a male artist whom I can idolize and sing his songs.
“And I saw this guy singing this song. From then on, he became my biggest idol. Mr. Martin Nievera.
“And to sing this song for you is a dream come true.”
At kinanta na nga ni Gerald ang "What Kind Of Fool Am I."
Read: It’s Showtime hosts give PHP1M to Laro Laro Pick players affected by calamity
NOEL FERRER
Pagkatapos ng Martin Nievera song, um-exit ng stage si Gerald Santos.
Chance iyon para kumanta muli ang baguhang singers na nag-front act.
Nag-duet sina Kim Hewitt at Failene Malijan ng "Golden" na mula sa animated movie na KPop Demon Hunters.
Afterwards ay sinamahan nina Gerald at Andrea Gutierrez sina Kim at Failene sa pag-awit ng "A Million Dreams."
GERALD SANTOS TRIBUTE TO LATE OPM ICONS
Tumitimo sa puso ang kasunod na segment. Nagpugay si Gerald sa OPM icons na sina Hajji Alejandro, Rico J. Puno, Pilita Corrales, at Freddie Aguilar.
Habang inaawit ni Gerald ang mga awit na identified Hajji, Rico, Pilita at Freddie — "Panakip-Butas," "Kapalaran," "Kapantay Ay Langit," at "Anak" respectively — ay nasa LED screen ang litrato nila.
Ang kasunod na binigyang-pugay ni Gerald ay si Cocoy Laurel sa pamamagitan ng pag-awit ng Tagalog version ng "La Vie en Rose."
Siyempre pa, espesyal ang tribute ni Gerald kay National Artist at Superstar Nora Aunor. May pa-VTR.

At tatlo ang inawit ni Gerald para kay Ate Guy habang ipinapakita sa LED screen ang photos ng Superstar through the years.
Ang tatlong inawit ni Gerald para kay Nora ay "Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko" na theme song ng teleseryeng Sa Ngalan ng Ina sa TV5, "Habang Panahon" na inawit noon ng Noranians sa burol ni Ate Guy, at "Handog."
Present sa concert ang panganay ni Ate Guy na si Ian de Leon.
Napaluha ang ibang Noranians sa segment na ito.
Sabi ni Gerald, kung hindi pumanaw ang Superstar noong nakaraang Miyerkules Santo ay gagawa sana sila ng movie together.
Itatampok daw sana sila sa remake ng pelikulang Stardoom (1971) nina Lolita Rodriguez at Walter Navarro, sa direksiyon ni National Artist Lino Brocka.
Read: Gerald Santos bibigyan ng tribute sina Nora Aunor at Cocoy Laurel
Teka! Kumusta na pala yung krusada ni Gerald laban sa sexual abuse?
Kumusta rin pala ang kanyang pagpapaka-daring at pagpapa-sexy? Sila pa rin ba ng kanyang U.S.-based na girlfriend? Just asking.
GORGY RULA
Another first sa Dreams concert ni Gerald Santos ang pag-awit niya ng "Ako’y Sa ‘Yo," na theme song ng gagawin niyang biopic ni Emilio Jacinto na pinamagatang Liwanag at Dilim.
Afterwards ay nagpasiklab ang Koreanang si Na Young Jeon sa pagkanta ng "Defying Gravity" mula sa Wicked musical, at "I’d Give My Life For You" mula sa musical na Miss Saigon.
Naging magkaibigan sina Gerald at Na Young Jeon sa pagtatanghal ng Miss Saigon kung saan gumanap silang Thuy at Gigi.
Nag-perform sila sa England, Wales, Scotland, Ireland, Germany at Denmark.

Sa Dreams concert ay nag-duet sina ng "Sun and Moon" nina Chris at Kim.
Ang next segment ay pag-awit ni Gerald ng tatlong Broadway hit songs — "As If We Never Said Goodbye" mula sa Sunset Boulevard, "Memory" mula sa Cats, at "Gethsemane (I Only Want To Say)" mula sa Jesus Christ Superstar.
GERALD SANTOS AND JED MADELA DUET
Payanig din ang awit ni Jed Madela, at ang duet nila ni Gerald ng "Impossible Dream." First time din iyon.
Kuwento ni Gerald, nagkasama nila ni Jed noong kapapanalo pa lang nito sa WCOPA.
“Nasa GMA siya noon, at kapapanalo ko pa lang din sa Pinoy Pop Superstar,” saad ni Gerald.
Halos magkasabay silang nagsimula sa music industry.

Pahayag ni Jed: “I’m just so happy. Kanina, we were doing a small chat kanina na, you know, andaming magagaling na mga singers na kasabayan natin but…
“I am just so blessed. We are so blessed na hanggang ngayon, nandito pa rin kami. And it’s all because of you, guys,” sabi ni Jed sa audience na pumalakpak nang masigabo.
Dagdag ni Jed: “And you know, andami naming pinagdaanan. Of course, you know, showbiz is not easy.
“But when you see the smiles of people, and when you hear the stories na yung naidudulot ng boses natin, ng music natin sa kanila.
“It just makes us go on and go on, you know. On and on. Kaya thank you very much, and Ge, congratulations.
“And you are somebody who has brought so much pride sa ating bansa, not just here sa Pilipinas but all over the world kaya you deserve all of this. So, congratulations!”
GERALD AND JONA: PINOY POP SUPERSTAR CHAMPIONS
Ang panghuling panauhin ni Gerald ay si Jona, na todo-todo rin sa pagbirit at paghuni.
Huling nagkasama sila ay sa 2014 concert ni Gerald sa Skydome, SM North EDSA, Quezon City.
“Walang nagbago, hindi pa rin tayo tumangkad!” bulalas ni Jona kay Gerald.
Sabi pa ni Jona: “In fairness talaga, you look so good. Yung performances mo, ang gagaling.
“And I hope and pray na hindi ito yung last time na magkakasama pa ulit tayo in a very beautiful concert.
“So sana, more concerts to come pa for you! And more blessings to come! Kasi alam ko, hindi lang po siya kumakanta kundi nag-venture ka na rin into acting, di ba?
“So, more projects to come! God bless sa iyo, at kung ano pa ang mga goals and dreams mo, Ge, sana makuha mo, matupad mo pa. May God guide you always!
“Imagine, 20 years! Twenty years, nandito pa rin tayo! Thank you, Lord, talaga!”
Nag-duet ang “JoRald” ng isang kantang paborito nila, ang "Come What May" na kinanta nina Nicole Kidman at Ewan McGregor sa 2001 jukebox musical romantic drama film na Moulin Rouge!.

Siyempre, hindi matatapos ang concert na walang Christmas songs.
Nakihalubilo si Gerald sa audience — nakipagkamay, nagpahalik, naki-selfie — habang inaawit ang dalawang Christmas song ni Jose Mari Chan, "A Perfect Christmas" at "Christmas in Our Hearts."
