GORGY RULA
Tawa nang tawa si Gladys Reyes nang kinantiyawan kong magbibida siya uli sa isang pelikula, at ibang-iba ito sa mga nagawa niya.
“Magkalinawan tayo, hindi ako basta bida lang sa isang pelikula. Ito ay musical!” bulalas ni Gladys nang nakapanayam ng PEP Troika sa Pino Restaurant noong Sabado, May 31, 2025.
Pumirma ang premyadong aktres sa Utmost Creatives Motion Pictures para sa pelikulang The Heart of Music na isinulat at ididirek ni Gat Alaman.
Mapapasabak si Gladys sa kantahan, lalo na’t magagaling na mang-aawit ang madalas na makakaeksena niya rito, kagaya ng mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez.
Kabilang din sa cast sina Angel Guardian, Kristoffer Martin, Sean Lucas, Elijah Alejo, Rey PJ Abellana, at ang mag-asawang Joshua Zamora at Jopay Paguia.
Read: Gladys Reyes, pinasalamatan pa ng baguhang sinampal niya

GLADYS REYES IN HER MUSICAL-ACTRESS ERA
Para kay Gladys, dream come true ang The Heart of Music dahil hindi pa siya nakakagawa ng isang musical.
Saad ni Gladys: “Natupad din ang pangarap na…. actually, hindi lang naging bida sa musical kundi pangarap ko talaga makagawa ng musical, even stage nga, e.
“Di ba, mahilig ako kumanta? Hindi nga lang ako professional singer.
"Mahilig ako mag-videoke. Basta mahilig lang talaga ako kumanta.
"Pero para maging parang bida ng isang musical at full-length movie, aba, napakalaking blessing!”
Isa raw kasi talaga sa gusto niyang gawin ay stage musical lalo't hilig niyang manood ng stage plays.
“It’s a dream come true," sambit ng aktres.
"Di ba, mahilig ako manood ng mga stageplay? Lately, I watched Delia D, at nag-enjoy ako.
“Siyempre, parang someday nangangarap din akong maging part ng isang musical, because hindi pa ako nagta-teatro ever!
"Isa yun sa nasa bucket list ko. Hindi ko pa na-experience mag-teatro, kahit hindi musical.
"E, lalo na ano pa kaya yung musical na stage play, di ba?
“Kaya nung ako ay napili nila nitong The Heart of Music, and sila din yung same people behind Unspoken Letters, di ba?
“Ang director, Direk Mario [Gat Alaman], and of course the rest of the production staff.
"Natutuwa ako kasi reunion movie namin ito at napakasarap nilang katrabaho, ang sarap nilang mag-alaga.”
Read: Delia D. musical, nangangagat at nanunuot sa puso at diwa
JERRY OLEA
Ipinaliwanag ni Gladys Reyes kung ano ang role niya sa The Heart of Music.
Lahad niya: “Ako dito si Madonna, pero hindi katulad ni Madonna talaga!
“Bago ito, may konting transformation tayo dito bilang ako si Yaya Madonna dito, ganyan.
“Alam mo kasi, fan ako before na... naalala niyo yung Sound of Music? So, di ba, may pagkaganun si Julie Andrews sa kanyang mga alaga, di ba?
“Siyempre, may eksena kami dito, dahil musical, hindi mawawala yung pagkanta.”
Natawa uli si Gladys sa sinabi niyang mala-Julie Andrews ang dating niya sa pelikulang ito.
PREPARING FOR HER ROLE
Kakarerin daw ni Gladys ang pelikulang ito, dahil ayaw niyang basta na lang siya kakanta. Pag-aaralan daw niya pati ang pagtugtog ng piano.
“Ang gusto ko bago ko gawin itong movie, meron naman akong konting paghahanda. Nakakahiya naman kay Mr. Robert Seña at Isay Alvarez, bilang sila din ang mga lead dito.
“Siyempre, alam natin kung gaano sila kahuhusay, di ba? Hindi lamang basta kumakanta, dahil siyempre pagdating sa larangan talaga ng pag-awit at musika, kilalang-kilala silang mag-asawa.
“Kaya nga sabi ko, hindi lang enough na gawin ko itong pelikulang ito na magpo-portray ka lang, kailangan handa ka rin vocally, wow!
“At hindi lang yun, mag-crash course din ako sa piano lessons. Kasi may eksena talagang ganun.
"Ayoko naman na alam mo yun, na magpa-double lang na ano na parang kunwa-kunwari lang. Hangga’t maari, kung kaya naman, di ba?
"Meron din namang vocal coach si Christophe na kung saan siya na from UP, siya rin yung aking magiging vocal coach and piano lesson na coach,” saad ni Gladys.
Ang tinutukoy na "Christophe" ni Gladys ay ang panganay nilang anak ng asawang si Christopher Roxas.
Read: Gladys Reyes on late Jaclyn Jose: "Gusto niya ng heart-to-heart talk."
NOEL FERRER
Kumportable si Gladys Reyes sa The Heart of Music dahil nakatrabaho na niya ang karamihan sa co-stars niya rito.
Lahad niya: “Ang nakakatuwa pa rito, first time ko to work with Robert Seña and Ms. Isay Alvarez, pero makaka-work ko ulit…
"Lasi nakasama ko na sa soap [Cruz vs. Cruz] si Kristoffer Martin, mga Kapuso natin.
"Nandito rin si Elijah Alejo, and Angel Guardian naman na naka-work ko sa Pepito Manaloto.
“So, nakakatuwa na magkakasama-sama kami ulit dito.”
FIRST TIME WORKING WITH VINA
Nagte-taping pa si Gladys ng drama series niya sa GMA-7, ang Cruz vs. Cruz, na ipapalit sa timeslot ng Mommy Dearest.
Makakasama niya rito si Vina Morales na first time niyang makakatrabaho.
Kuwento ni Gladys: “Yung Cruz vs. Cruz, malapit na ring ipalabas yan. Ang ano po… ang ganda ng dynamics namin sa set.
“Every time na magkasama kami ni Ate Vina… nakunan namin yung ibang medyo madugong eksena, di ba? Kaya nga Cruz vs. Cruz, siyempre alam niyo na, di ba?
“Sabi ko nga lagi, talagang makakaasa sila ng puksaan, timbugan. Hindi lang sa aktingan, aba, meron na ring pisikalan, na actually it happens talaga in real life.
“Pero ang kaibahan nito, hindi naman ito basta kabit lang. Kasi, kumbaga, parehong nag-aagawan sa karapatan yung dalawang babae.
"Kasi yung isa is common-law wife. Yung isa naman is yung legal wife.
“First time ko pa to work with Ate Vina. Magkasama lang kami before sa That’s Entertainment, pareho kaming Thursday group.”
Read: Vina Morales on GMA-7 comeback: “Excited ako.”
GLADYS REYES JOINS MAKA CAST
Magiging bahagi na rin si Gladys ng youth-oriented series ng GMA-7 na Maka.
Natutuwa ang seasoned actress sa mga kabataang Sparkle talents.
Masaya raw katrabaho ang mga ito sa set at magagalang lahat, lalo na si Josh Ford na sinubaybayan pa niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab.
“Nakakatuwa rito sa Maka, ang mga bata marespeto sila.
"Sa first day ko na nag-work dun, sila talaga yung lalapit, nagpapakilala. Tapos, na-appreciate ko talaga yung gesture nilang yun.
“Ang sweet nila and masaya na, feeling mo, nakaka-bagets being with them sa set.
"At saka, may time na feeling ko nate-tension sila, ganun. Na-stress sila sa scene, di ba?
“Pero siyempre nandun naman tayo para ipaalala sa kanila na okay lang yan, na walang reason para ma-stress.
"Basta masaya silang katrabaho, masarap katrabaho, at saka mababait yung mga bata,” saad ni Gladys.
