Glaiza de Castro at David Rainey, hindi pa ngayong 2021 magpapakasal

by PEP Troika
Jan 5, 2021
Napagkasunduan daw ni Glaiza de Castro at ng kanyang Irish fiance na si David Rainey na sa susunod na taon na nila planuhin ang kanilang kasal dahil sa kinahaharap pa ring pandemya ng buong mundo.
PHOTO/S: Glaiza de Castro Instagram

GORGY RULA

“Definitely not this year.”

Ito ang sagot sa akin ni Glaiza de Castro nang tinanong ko kung kailan na ang kasal pagkatapos mag-propose sa kanya ng fiancé niyang si David Rainey.

Ang hirap daw mag-prepare ngayon dahil sa hinaharap nating pandemya, kaya napagkasunduan nila ni David na sa susunod na taon na nila ito planuhin.

Nakausap ko si Glaiza via viber noong Lunes, January 4, dahil nasa Ireland pa siya. May pinagkakaabalahan daw siya roon dahil nag-shoot siya ng ilang music video para sa mga kanta niya.

Medyo may kahigpitan nga lang daw dahil nasa Tier 4 na sa Ireland gawa ng pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

Kung hindi raw siya nagkakamali, MECQ sa Pilipinas ang katumbas ng Tier 4 sa Ireland.

Hindi raw sila agad-agad nakakalabas dahil mahigpit ang mga awtoridad doon. Ina-allow raw silang mag-exercise o tumakbo sa labas ng bahay, pero ilang kilometro lang ang layo sa kanilang tinitirhan.

Continue reading below ↓

Puwede raw silang mamili sa grocery stores pero mga essentials lang talaga. Kaya madalas ay nasa bahay lang sila ni David.

Na-check daw ni Glaiza na allowed namang makapasok sa Pilipinas ang mga returning Filipinos kaya tuloy raw ang pag-uwi niya sa January 18.

Pero pinaghandaan na raw niya ang sarili sa 14-day quarantine at mapapasabak siya sa ilang swab tests.

“Pagsakay mo pa lang kasi sa Etihad, i-swab ka muna. 'Tapos, pagdating mo ng Pilipinas, i-swab ka uli.

“Kailangan ko rin talagang gawin yung 14 days na quarantine, 'tapos niyan, i-swab ka uli,” pahayag ni Glaiza.

Kaya magkakaroon daw ng adjustment sa schedule ng taping ng kanyang bagong drama series sa GMA-7, ang Nagbabagang Luha.

Hindi muna itutuloy ang unang dapat na gagawin niya, ang The Seed of Love, dahil maraming bata raw na involved dito. Kaya ito munang Nagbabagang Luha ang uunahin.

NOEL FERRER

Glaiza deserves the best. Sobra rin siyang sumubsob sa pagtatrabaho bago pa man siya umalis ng bansa to be with her boyfriend.

Continue reading below ↓

In fact, during the lockdown, alam kong nakatapos pa sila ng pelikula ng talent kong si Iza Calzado na talagang exercise in multitasking.

Hihintayin natin ang pagbabalik ni Glaiza. Among the Kapuso stars, isa siya sa mga mulat at may sariling huwisyo at may pagnanais makagawa ng relevant films, like yung ginawa niyang Liway para sa Cinemalaya.

Go, go, go Glaiza!

JERRY OLEA

Naiulat natin dito sa PEP Troika noong Abril 29, 2020 na naka-10 taping days na si Ricky Davao bilang direktor ng Kapuso drama series na The Seed of Love.

Tampok dito sina Glaiza de Castro, Valerie Concepcion, Mike Tan, Boy2 Quizon, Alan Paule, at Tina Paner.

“Temporarily shelved muna yung The Seed Of Love, kasi maraming mga bata involved at maraming big outside scenes na hindi pa pwedeng gawin,” text back ni Direk Ricky nitong Enero 4, Lunes, nang usisain ko tungkol sa teledrama ni Glaiza.

Ang Nagbabagang Luha ay 1988 Regal movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, Gabby Concepcion, at Richard Gomez, sa direksiyon ni Ishmael Bernal.

Continue reading below ↓

Ang TV adaptation nito ay naka-line up para sa GMA Afternoon Prime.

Co-stars dito ni Glaiza sina Rayver Cruz, Mike Tan, at ang baguhang si Claire Castro.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napagkasunduan daw ni Glaiza de Castro at ng kanyang Irish fiance na si David Rainey na sa susunod na taon na nila planuhin ang kanilang kasal dahil sa kinahaharap pa ring pandemya ng buong mundo.
PHOTO/S: Glaiza de Castro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results