PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JM Ibarra hindi kasama si Fyang sa first niyang Cinemalaya movie

JM Ibarra, bida sa Cinemalaya movie na Child No. 82.
by PEP Troika
Published Sep 3, 2025
jm ibarra child no. 82
PBB Gen 11 ex-housemate JM Ibarra leads the cast of the Cinemalaya 2025 entry Child No. 82 (Anak Ni Boy Kana).
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Nag-trending si JM Ibarra sa X (dating Twitter) ngayong Miyerkules, September 3, 2025, nang dumalo siya sa presscon ng Cinemalaya 21 sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Si JM ang bida sa Cinemalaya entry na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana) ni Tim Rone Villanueva.

Kasama niya rito ang first-timers din sa Cinemalaya na sina Vhong Navarro at Rochelle Pangilinan, na gumanap bilang parents niya.

Read: Heart Evangelista, nagsenti tungkol sa kalusugan at kamatayan

child no. 82
JM Ibarra co-stars with Vhong Navarro and Rochelle Pangilinan in Child No. 82
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WALA SI FYANG DITO

Hindi kasama ni JM ang ka-loveteam niyang si Fyang Smith sa pelikulang ito.

May pressure kaya ito sa kanya?

“Sa lahat naman po na project, laging may pressure, e. Sinasabi ko lang po sometimes na wala, para pampakalma lang,” napangiting pahayag ni JM.

“Pero malaki pong pressure sa akin, lalo na po na Cinemalaya. Hindi ko na po alam.”

Inaasahan ni JM na susuportahan siya ng fans nila ni Fyang sa Cinemalaya movie niya.

“Sa mga nagdaang project namin ni Fyang together, individually, nasaksihan ko kung gaano kasolido yung suporta nila sa amin,” sabi pa ni JM.

Pagkatapos ng presscon ay iimbitahin daw niya si Fyang na dumalo sa gala night ng Child No. 82.

Ang Cinemalaya 2025 ay idaraos mula October 3 hanggang 12 sa Shangri-La Plaza.

As we write this ay hindi pa masabi ni Direk Laurice Guillen, presidente ng Cinemalaya Foundation, kung ano ang opening film at closing film ng Cinemalaya 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ano ang kinalaman ni Vico Sotto sa paintings ni Pen Medina?

NOEL FERRER

May ideya na raw si JM Ibarra sa Cinemalaya.

Nakapanood na siya ng ilang entries, at naging fan daw siya ng independent film festival.

“Naging fan po ako ng Cinemalaya since 2023,” bulalas ni JM.

“Matagal ko na po naririnig ang Cinemalaya. May dalawang entry na po akong napanood, pero that time, ang hirap po pag indie.

“Siyempre pag independent film, kailangan magaling ka, papanoorin talaga, susuriin ka.

"And nung 2023, dun po ako nag-start na subaybayan… hindi naman po halos lahat napanood ko.

“Pero happy po ako na naging part ako ng Cinemalaya, lalo na pong pag-start ng career ko.”

At happy rin tayo na kahit baguhan pa lang, nae-expose na ang marami sa kakaiba at matatapang na mga pelikulang Pilipino!

JERRY OLEA

Base sa teaser ng Child No. 82 (Anak ni Boy Kana), naalala ko sina Fernando Poe Jr. at Ramon Revilla Sr.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mala-Panday na Flavio ang karakter ni JM. At siyempre, bukas na aklat sa showbiz na maraming supling si Mang Ramon.

child no. 82

Sabi ng writer-director na si Tim Rone Villanueva, ang Child No. 82 (Anak ni Boy Kana) ang kauna-unahang fantasy film sa Cinemalaya.

Ang kuwento nito ay tungkol tungkol sa isang 17 years old na si Max na nangangarap makilala ang kanyang ama na Hari ng Fantasy Action Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan niyang pumila kasama ang daang tao at lakbayin ang iba’t ibang pelikula ng kanyang ama para lang makatagpo ito,” lahad ni Direk Tim Rone.

“At pagdating niya sa unahan ng pila, maaabot ba niya ang hinahangad niyang pagkilala sa kanyang ama?”

Hindi naka-attend si Vhong Navarro sa Cinemalaya 21mediacon dahil nasa It’s Showtime siya.

Nasa cast din ng movie sina Kai Montinola, Irma Adlawan, Dexter Doria, Inah Evans, at Zairene Fernandez.

Read: A nod to Mike de Leon films in Summit Books' cinema opus

child no. 82 cinemalaya(Left to right) Child No. 82 director Tim Rone Villanueva, cast members Zairene Fernandez, Inah Evans, JM Ibarra, and co-producer Johndel Tacata.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Gen 11 ex-housemate JM Ibarra leads the cast of the Cinemalaya 2025 entry Child No. 82 (Anak Ni Boy Kana).
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results