PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lumang naughty interview ni Kelvin Miranda, paulit-ulit nabubuhay

Kelvin Miranda, mahal din daw ang mga miyembro ng LGBTQIA community.
by PEP Troika
Published Jan 9, 2026
kelvin miranda birthday
Kelvin Miranda, who turned 27 on January 2, 2026, wishes to have more projects: “Ang wish ko lang, sana ay ma-accommodate po lahat. Para siyempre, magkaroon tayo ng opportunity to explore.”
PHOTO/S: TiktoClock Facebook

GORGY RULA

Natawa na lang si Kelvin Miranda dahil hanggang ngayon ay lumalabas pa rin sa social media ang podcast interview sa kanya ni Mr. Fu noong 2019, kung saan medyo sexy at naughty ang mga ipinasagot sa kanya.

Saad ng Kapuso hunk: “Ahh, yun naman, para sa akin, yung interview ko na yun kay Mr. Fu, ginawa ko siya parang ilang taon pa nakalipas. Parang bumabalik-balik lang talaga siya, e.

“Hindi ko nga alam kung sino pa ba ang nagpo-post nun o si Mr. Fu pa ba. Parang hindi naman, kasi naka-upload lang yun sa channel niya sa YouTube, e.”

Read: WillCa fans take a "pause"; DustBia spotted in Thailand

KELVIN MIRANDA DOES NOT REGRET DOING THE INTERVIEW

Aminado si Kelvin na uncomfortable sa kanya kapag lumalabas pa rin ang dating interview at marami pa ring nagko-comment, lalo na ang sangkabadingan na nagnanasa sa kanya.

“Minsan parang medyo… siyempre parang may cringe sa sarili ko na, 'Okay yun, no? Bakit parang medyo awkward sa akin ngayon?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siyempre, since nagawa ko na siya, wala na akong dapat pagsisihan pa. Kumbaga, kailangan ko na lang din as positive.

“Sa akin kasi, hindi na ako yung nagse-set ng ganung imahe sa sarili ko.

“Kumbaga, as an actor meron talaga tayong, alam mo yun… parang gagawin mo talaga yung mga bagay minsan kahit hindi inappropriate na siya, e.

“Kumbaga, for the sake of art, for the sake of the role, kailangan mo talagang isantabi yung pansarili mong ano, e…” sabi pa ni Kelvin.

Read: Top 10 Most-Watched VMX Movies of 2025

JERRY OLEA

Ang laging nakikita naming interview ni Mr. Fu kay Kelvin Miranda ay iyung tanong kung marami ba siyang natatanggap na indecent proposals.

Aware ang Kapuso actor na maraming kabadingan ang nagnanasa at nagmamahal sa kanya, at mahal naman daw niya ang kabadingan.

Sa katunayan, para nga raw sa LGBTQIA community ang style ng hand gestures niya sa Sang’gre, bilang si Adamus, kapag ipinapakitang siya ang tagapangalagang brilyante ng tubig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag ni Kelvin: “Mahal ko din naman silang lahat. Isa rin sa reasons kung bakit ako nag-imbento ng hand gestures sa aking character. For the sake of LGBT talaga.

“Fluidity lang ba! Alam ko, maraming makaka-relate sa atin sa Encantadia, since marami siyang fans… to serve them, to acknowledge din.

“Para sa akin, it’s for them, for everyone.”

Tuluy-tuloy pa rin ang taping nina Kelvin ng Sang’gre, lalo’t paganda nang paganda na raw ang takbo ng kuwento.

“Naghahabol po kami ngayon kasi nag-e-air pa yung show namin. So, late na rin kaming nag-break nung December.”

Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue

NOEL FERRER

Happy birthday kay Kelvin Miranda na nagdiwangng kanyang 27th birthday kahapon, January 8. Wala naman daw siyang bonggang celebration.

Guest din siya sa TiktoClock kahapon para doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Ang wish lang naman daw niya, bukod sa magandang kalusugan, ay more projects pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magaganda ang nagawa ni Kelvin noong 2025, at may mga naka-lineup naman daw siya para sa taong 2026.

Aniya: “Pero as long as hindi pa sa atin ang kontrata, or hindi pa talaga sarado dahil sa mga ginagawa natin. Puwede pa magkaroon ng conflict, e.

“Pero meron naman po tayong naka-lineup na projects for 2026.

“Ang wish ko lang, sana ay ma-accommodate po lahat. Para siyempre, magkaroon tayo ng opportunity to explore.”

Read: MMFF 2025 extended ng isang linggo; box-office figures na lumalabas hindi accurate

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda, who turned 27 on January 2, 2026, wishes to have more projects: “Ang wish ko lang, sana ay ma-accommodate po lahat. Para siyempre, magkaroon tayo ng opportunity to explore.”
PHOTO/S: TiktoClock Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results