PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kobe Paras at Kyline Alcantara, di totoong hiwalay na — Benjie

Benjie Paras, nagpatunay na magkarelasyon pa rin sina Kobe at Kyline.
by PEP Troika
Published Apr 13, 2025
Kobe Paras and Kyline Alcantara have not broken up, says Benjie Paras.
Benjie Paras (not in photo) on relationship status of Kobe Paras and Kyline Alcantara: "Sila pa rin."
PHOTO/S: @_kokoparas Instagram

GORGY RULA:

Si Benjie Paras, ang ama ni Kobe Paras, ang una naming kinontak nang kumalat ang balitang break na ba ang anak niya kay Kyline Alcantara.

Read: Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?

Nagpadala ako ng mensahe sa Viber ni Benjie noong Biyernes, April 11, 2025 ng gabi para tanungin kung totoo ba ang intriga.

Ngayong umaga ng Sabado lang siya nakasagot dahil nasa event daw sila ni Kobe kagabi.

Pinabulaanan ni Benjie ang isyung break na sina Kobe at Kyline.

“Sila pa rin,” Viber message sa akin ni Benjie kalakip ng smile emoji.

Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?
Kyline and Kobe were all smiles as they watched a Lakers Game in January.
Photo/s: Kapuso PR Girl on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KOBE PARAS AND KYLINE ALCANTARA DELETED PHOTOS

Tinanong ko pa siya bakit nagtanggal sina Kobe at Kyline ng pictures sa kanilang Instagram account.

"Hehehe. Ewan ko sa kanila. Magkasama lang kami, nag-inuman pa, e,” message uli sa akin ni Benjie.

Ipinaalam ko kay Benjie kung okay lang na isulat itong palitan namin ng Viber message, at umokey naman siya.

May isa pa akong tinext mula sa kampo ni Kyline at ganundin ang sagot sa akin.

Okay naman daw ang dalawa, kaya nagtataka raw sila, bakit may mga ganoong isyung tila pilit silang pinaghihiwalay.

Si Kobe ay 27, habang si Kyline ay 22 taong gulang.

Read: Kyline Alcantara and Kobe Paras redefine couple fashion

JERRY OLEA:

Karaniwan sa couples na naghiwalay na dine-delete ang pictures nila together online kapag hiwalay na sila.

Dahil nagtanggal sina Kobe Paras at Kyline Alcantara ng pictures nila sa Instagram, natural na may netizens na nag-usisa kung break na ba sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong nilinaw ni Benjie Paras na sina Kobe at Kyline pa rin, iyon na iyon. Amen!!!

Read: Kyline Alcantara, Kobe Paras to celebrate Christmas together

NOEL FERRER:

Sino ba ang makakapagpahiwalay sa mga tao kundi sila rin?

E, kung sina Kobe at Kyline pa rin, e, sana magtagal pa sila at mauwi na sa kasalan.

Sana, makatulong sila sa ikabubuti ng kani-kanyang career.

Let’s just wish them the best. Na sana mapatunayan nila na ito ang kanilang relasyon na magpapatunay na swak talaga sila sa isa’t isa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjie Paras (not in photo) on relationship status of Kobe Paras and Kyline Alcantara: "Sila pa rin."
PHOTO/S: @_kokoparas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results