PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Malou Choa-Fagar, dapat bang kasama sa GMA-7 complaint vs TAPE?

Malou Choa Fagar, wala sa General Information Sheet; Antonio Tuviera, naroon.
by PEP Troika
Published May 25, 2025
malou choa-fagar tape
Kabilang ang pangalan ni TAPE, Inc. president and CEO Malou Choa-Fagar sa reklamong isinampa ng GMA-7 laban sa TAPE, Inc. Pero dapat ba siyang kasama roon?
PHOTO/S: Malou Choa-Fagar Facebook

GORGY RULA

Sa Mayo 29, 2025, Huwebes, magkakaroon muli ng mediation sa pagitan ng GMA-7 at Television And Productions Exponents (TAPE), Inc.

Nakuha namin ang kopya ng subpoena na ipinadala sa TAPE nang sinampahan ito ng reklamong estafa ng GMA-7.

Kaugnay ang reklamo sa akusasyong di pag-remit ng TAPE ng nakolektang advertising revenues mula sa kanilang mga kliyente.

Ayon sa GMA-7, ang pag-remit ay nasa ilalim ng kanilang 2023 Assignment Agreement.

Ang reklamo ay isinampa sa Office of the City Prosecutor (OCP) ng Quezon City.

Read: GMA Network files estafa complaint against network executives

GMA Statement on filing complaint against TAPE Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang statement na inilabas ng GMA Network nung May 22, 2025, Huwebes.
Photo/s: GMA Network

NO FORMAL CASE FILED for now

Nang lumabas ang statement ng GMA-7 nung Mayo 22, kaagad nagpadala ng statement sa PEP Troika ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, para sabihing wala silang alam sa isinampang reklamo.

Kaagad daw niyang tinanong ang kanyang mga kliyente tungkol dito, at ipina-check sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City.

Sa statement ni Atty. Maggie, na may petsang Huwebes, Mayo 22: “I directed one of the alleged respondents in said case to go to the Office of the City Prosecutor of Quezon City to check on the case, but she was informed that no case was filed against them by GMA.”

Wala pa raw silang natatanggap na kopya ng complaint. Maglalabas daw sila ng statement kapag may natanggap na sila.

Pero nang nakausap ko noong Biyernes si Atty. Maggie, ipinaliwanag niya ang proseso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron daw ruling sa Department of Justice na idinadaan muna sa mediation ang isang reklamo bago ito imbestigahan ng Prosecutor’s Office.

Nakasaad sa subpoena na iniimbitahan pa lang sila ng piskalya sa mandatory mediation na naka-schedule sa Mayo 29, tanghali.

Ang unang mediation ay noong Mayo 22, Huwebes, nang lumabas ang statement na iyon ng GMA-7.

Nabanggit din sa subpoena: “Failure to attend the mandatory mediation conferences will serve as a waiver of your right under the said Department Circular, and the conduct of Preliminary Investigation shall proceed accordingly.”

Kapag walang mangyayari sa mediation, magkakaroon na ng formal preliminary investigation at bibigyan ng sapat na araw para makapag-file ng counter affidavit ang panig ng TAPE.

Kaya wala pa talagang kaso sa ngayon, pagpapaliwanag ni Atty. Maggie.

Read: Hosts ng Tahanang Pinakamasaya, di pa nababayaran ang talent fees

NOEL FERRER

Inaasahang maayos ng magkabilang kampo ang isyung ito sa mediation.

Ayon sa ilang nakakausap ng PEP Troika, sa tagal na ng relasyon ng GMA-7 at TAPE, maliit na halaga lang ang humigit-kumulang na PHP38M sa pagkukulang umano ng TAPE sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ng ilang taong involved, isang condo unit lang daw sa Rockwell ay bayad na ang sinisingil ng GMA-7.

Sana mapag-usapan nila ito nang maayos, at ma-settle na ang dapat bayaran.

Kasama na ba roon ang babayaran sa ilang hosts ng Tahanang Pinakamasaya?

WHY IS MALOU CHOA-FAGAR INCLUDED AND NOT TONY TUVIERA?

Samantala, naiparating din sa PEP Troika ang TAPE executives na damay sa reklamo ng GMA-7.

Nakasaad kasi roon ang 2023 Assignment Agreement noong hindi pa presidente si Ms. Malou Choa-Fagar.

Sa katunayan, wala ang pangalan niya sa General Information Sheet (GIS) na naka-attach sa complaint.

Ngunit nasa GIS ang isang pangalan na isa ring board director ng TAPE: si Mr. Antonio "Tony" Tuviera.

Pero sa inilabas na statement ng GMA-7, kasali si Ms. Malou at wala si Mr. Tuviera.

Hindi pa masagot ng kampo ng TAPE ang ganitong technicalities.

Ang hangad lang daw nila ay maayos na ang dapat singilin at magkabayaran na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito sana ang inaasahang mapagkasunduan sa pangalawang mediation na nakatakda sa Mayo 29, Huwebes.

Read: TAPE still operational despite closure of Tahanang Pinakamasaya

JERRY OLEA

Ang usaping ito ay kaugnay sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya na prinodyus ng TAPE, Inc.

Hindi sinabi ng GMA-7 statement ang eksaktong period ng hindi raw pag-remit ng TAPE. Ang tanging binanggit ay mayroon silang 2023 Assignment Agreement na kasunduan ng paghahati sa advertising revenue.

Umere ang Tahanang Pinakamasaya noong Enero 6 - Marso 2, 2024, at nakabuo ito ng 50 episodes.

Sa panahong ito ay wala si Malou Choa-Fagar sa Tahanang Pinakamasaya. Noon pang Enero 1, 2021, inanusiyo ng tv executive na magreretiro na siya sa TAPE at Eat Bulaga matapos ng 41 taon.

Nang mawala ang Tahanang Pinakamasaya sa ere at pinalitan ng It’s Showtime sa timeslot nito, nawala na rin sa eksena ang TAPE.

Setyembre 6, 2024, nang mapabalita online na magbabalik na ang TAPE, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“TAPE Inc. is finally coming back,” sabi ng Facebook post ng Tahanang Pinakamasaya.

Oktubre 3, 2024, nang mapabalita online ang pag-appoint kay Malou Choa-Fagar bilang bagong presidente at CEO ng TAPE.

Hindi naman malinaw kung tinanggap ito ni Ms. Malou at, kung tinanggap, ay kailan ito nagsimulang umupo.

Ibig sabihin, walang kinalaman si Ms. Malou sa isyung singilan ng TAPE at GMA, kaya kataka-takang nadawit siya sa official statement ng Kapuso Network.

Read: Malou Choa-Fagar, bagong president and CEO ng TAPE, Inc.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang pangalan ni TAPE, Inc. president and CEO Malou Choa-Fagar sa reklamong isinampa ng GMA-7 laban sa TAPE, Inc. Pero dapat ba siyang kasama roon?
PHOTO/S: Malou Choa-Fagar Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results