Pagkamatay ni MMDA Chairman Danny Lim, isang paalala na nandito pa rin ang banta ng COVID-19

by PEP Troika
Jan 6, 2021
Noong Disyembre 29, Martes ng gabi, ipinost ni Chairman Danilo "Danny" Lim sa Facebook na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos magpa-swab test. Pagkalipas ng walong araw ay sumakabilang buhay na siya.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Pinangunahan nina MMDA Chairman Danilo Delapuz Lim at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang virtual Parade of Stars ng 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 23, Miyerkules ng hapon.

“This Parade of Stars officially marks the start of the 2020 Metro Manila Film Festival,” bahagi ng mensahe ni Chairman Danilo Lim.

“At alam kong marami sa atin ang hindi na makapaghintay mapanood ang mga mahuhusay na short films at sampung tampok na pelikula ngayong taon.

“Virtual ang ating set-up ngayon ng Parade of Stars dahil gusto nating ituloy pa rin ito habang safe tayong lahat.

“Hindi natin palalagpasin ang pagkakataon na makita ng ating mga manonood ang kanilang mga paborito at hinahangaang artista kahit man lang online.

“Talaga namang pinaghandaang maigi ng mga cast ng bawat pelikula ng taong ito kahit iba ang set-up natin sa nakasanayan...”

Ipinagmalaki ni Chairman Danny Lim isa-isa ang sampung official entries ng MMFF 2020.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Naging challenging ang taon na ito para sa ating lahat, ngunit hindi ito hadlang para hindi matuloy ang Paskong Pilipino kasama ang MMFF.

“Sa loob ng 46 years, bahagi na ng December tradition natin ang MMFF at ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon ay online na ipapalabas ang MMFF...

“Hangad ko na magkaroon tayong lahat ng isang masaya at pinagpalang Pasko kasama ang ating mga mahal sa buhay...”

Sabay na nagpatunog ng ceremonial gong sina Chairman Danilo Lim at QC Mayor Joy Belmonte bilang hudyat ng Parada ng mga Bituin. Disyembre 27, Linggo ng gabi, wala si Chairman Danilo Lim sa virtual Gabi ng Parangal ng MMFF 2020.

Sa halip, ang kinatawan ng MMDA na nagbigay ng mensahe ay si MMDA General Manager Jojo Garcia.

Disyembre 29, Martes ng gabi, ipinost ni Chairman Danilo Lim sa Facebook na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos magpa-swab test.

Aniya, “Magmula noong ECQ ay regular pa ring pumapasok ang inyong lingkod dahil hindi pwedeng maantala ang serbisyo na binibigay ng MMDA sa kalakhang Maynila.

Continue reading below ↓

“Isa din ang ating ahensiya sa mga frontliners sa ating laban sa COVID-19.

“Kagabi, matapos kong sumailalim sa routine swab test, nakuha ko na ang results at lumabas na positive ako sa COVID-19 sa kabila ng palaging pag-iingat at pagsunod nang maigi sa mga health protocols sa lahat ng pagkakataon.

“Pinapakita lang nito kung gaano katindi ang COVID-19 at lahat ay pwedeng tamaan.

“Nagpapasalamat ako nang lubos dahil ang aking maybahay at anak ay negative sa test. Bunga ito ng mahigpit din na pag-observe namin ng health protocols kahit sa bahay.

“Nananatiling mild ang aking mga sintomas at sinusunod ko ang payo ng aming doktor para maalagaan ko ang aking kalusugan ngayon. I will continue to self-isolate for now.

“Agad ko rin sinabihan ang lahat ng mga taong may close contact sa akin nitong nakaraang linggo na i-monitor ang kanilang mga sarili at mag self-isolate na nang 14 days.

“Sa kabila nito, tulad ng ginagawa ko ngayong araw, patuloy akong magtratrabaho remotely at magsasagawa ng mga meetings via teleconference para masigurong hindi maaantala ang anumang mga operasyon sa opisina na kailangan sa panahon ngayon.

Continue reading below ↓

“Patuloy na mag-ingat ang lahat at bigyang prayoridad ang inyong kalusugan. Sumunod tayo palagi sa health protocols para mapangalagaan ang ating mga sarili pati ang mga nasa paligid natin.”

Enero 6, Miyerkules ng umaga, nabalitaan nating pumanaw na si Chairman Danny Lim.

Ang nag-announce ay si Presidential Spokesperson Harry Roque, “The Palace expresses its deep condolences to the family, loved ones and colleagues of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim who died before 8AM this morning at the age of 65.

“MMDA Chair Lim served the Duterte Administration with professionalism, competence and integrity. He would be dearly missed.

“May the perpetual light shine upon him, and may his soul, through the mercy of the Almighty, rest in eternal peace.”

NOEL FERRER

Life and Death. Habang January 6 ang pagdiriwang ng kaarawan ng mahal nating Megastar Sharon Cuneta, heto naman ang bumulagang balita ngayong umaga.

Nakakalungkot dahil tama yung lumabas na tribute sa kanya ng MMDA, he served the organization with much dignity and integrity. Matapang, decisive at may prinsipyo. Bihira iyan sa mga kakilala nating lider ngayon.

Continue reading below ↓

We were still texting before the New Year. He was appreciative of all our efforts sa MMFF.

He said he was feeling better na (dahil napabalita ngang may COVID). On and off daw ang fever niya at sumasakit ang ulo. Other than that, okay raw ang pakiramdam niya.

I thanked him for his Christmas gift. Sabi niya, kulang pa yun sa efforts daw namin na nagtatrabaho during the Holidays.

Nagtapos kami sa bilin niyang alagaan ang health! Iyan ang pinakamahalaga ngayon!

Sa pagtatapos ng Online MMFF 2020 bukas, inaalala natin at pinahahalagahan ang kontribusyon ni Chairman Danilo Lim hindi lang sa ating industriya kundi sa ating bansa.

Pakikiramay po sa kanyang pamilya at mga naiwang kaibigan at kapaninindigan!

GORGY RULA

Mula noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay nanunungkulan na sa gobyerno si Chairman Danny Lim.

Napakamalumanay niyang kausap kapag nakakapanayam namin noon sa events ng MMFF.

Naalala ko pa nang nagkaisyu sila noon ni FDCP Chairpeson Liza Diño, maayos pa rin ang kanyang pahayag, at ang pagkakaalam ko ay nagkapaliwanagan na rin sila.

Continue reading below ↓

Lalo lang nakakapangamba dahil nandiyan pa rin ang COVID-19. Lalo pa tayong mag-ingat.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong Disyembre 29, Martes ng gabi, ipinost ni Chairman Danilo "Danny" Lim sa Facebook na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos magpa-swab test. Pagkalipas ng walong araw ay sumakabilang buhay na siya.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results