PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

My Father's Wife, nagtapos na nangunguna sa ratings

Sang'gre, nangunguna pa rin sa primetime.
by PEP Troika
Published Oct 13, 2025
my father's wife finale
My Father’s Wife, starring (from left) Kazel Kinouchi, Gabby Concepcion, Kylie Padilla, and Jak Roberto, ended on a high note as it topped afternoon drama ratings on October 10 and 11, 2025.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Maganda ang rating ng pagtatapos ng afternoon drama series na My Father’s Wife noong Sabado, October 11, 2025.

Pinagbidahan nina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, Kazel Kinouchi, at Jak Roberto, ang serye ay naka-7.9% sa huling episode nito.

Noong Biyernes ay ito rin ang may pinakamataas na rating sa mga afternoon drama ng GMA-7.

Naka-7.6% ang My Father’s Wife; 7.2% ang Cruz vs. Cruz; at 6.8% naman ang Akusada.

Noong araw na iyon ay mataas din ang rating ng game show ni Dingdong Dantes na Family Feud, kung saan ay naglaro ang cast ng bagong afternoon drama na Hating Kapatid na pinangunahan ng kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Nakapagtala ito ng 10.4% na rating.

Read: Cinemalaya 2025 Awards Night: Highlights and sidelights

HATING KAPATID REPLACES MY FATHER'S WIFE

Ang Hating Kapatid ang ipinalit sa timeslot ng My Father’s Wife na nagsimula na ngayong Lunes, Oktubre 13.

Ang Hating Kapatid ay kuwento tungkol sa baby switching, kaya na-curious tuloy kami kung paano magtatagpo ang karakter ng kambal na sina Cassy at Mavy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagamit na naman sa Hating Kapatid ang Atok, Benguet, na madalas ding napapanood sa iba pang teleserye.

hating kapatid

OCTOBER 10 RATINGS

Narito ang rating ng ibang mga programa noong Biyernes, October 10:

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.6%; ang One Ordinary Day ay 3.9%.

Ang 24 Oras ay naka-15.8%; ang TV Patrol ay 3%, at ang Totoy Bato sa TV5 ay 2.4%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang Sang’gre na naka-11.6%; at nangunyapit ang FPJ's Batang Quiapo na 10.1%.

Ang Sanggang Dikit ay 8.3%, at ang It’s Okay To Not Be Okay ay 4.5%.

Ang Amazing Earth ay 4.2%, at ang Sins Of The Father ay 2.5%.

Read: Architect explains why jalousie windows are more practical

NOEL FERRER

Noong Sabado, October 11 ay so-so lang ang rating ng It’s Showtime na 5.3%, at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.

Pagkatapos ng finale episode ng My Father’s Wife, na naka-7.9%, ay ang Tadhana na naka-6.2%.

Ang Wish Ko Lang! ay 5.5%, at ang sumunod na MAKA Lovestream ay 4.8%.

Sa primetime, naka-8.3% ang 24 Oras Weekend, at ang katapat nitong TV Patrol Weekend ay 1.1%.

Okay rin ang rating ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento na 8.5%. Ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 2.1%.

Malapit na ang finals ng Stars On The Floor at consistent pa ring okay ang rating nito na 8.4%; at ang katapat nitong Your Face Sounds Familiar, na nag-viral dahil kay Rufa Mae Quinto, ay 4.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Magpakailanman na 7.7%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 1.7%.

Bongga pa rin ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-5.6%.

Read: Oscar-winning actress Diane Keaton dies at 79

JERRY OLEA

Medyo mababa ang viewership noong Linggo, October 12.

Pero medyo tumaas ang All-Out Sundays na naka-3.6%, at ang ASAP Natin ‘To ay 1.9%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na 3.1%.

Ang Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso ay 3%, at ang FPJ sa GMA ay 4.2%.

Sa primetime ay naka-7% ang 24 Oras Weekend, at ang TV Patrol Weekend ay 1%.

Umabot pa ito sa pagsisimula ng Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo na 1.9%.

Tumuloy sa Rainbow Rumble na 2.2%, na ang nakatapat na nito ay ang Bubble Gang na naka-7.3%.

Medyo bumaba rin ang The Voice Kids na 10.5%.

Ang sumunod na Kapuso Mo Jessica Soho ay 14.1%; ang nakatapat nitong Your Face Sounds Familiar ay 3.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Boobay and Tekla Show ay 3.6%.

Read: Paolo Contis, baon ang "pagpapatawad" mula sa pagbisita sa Cebu

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
My Father’s Wife, starring (from left) Kazel Kinouchi, Gabby Concepcion, Kylie Padilla, and Jak Roberto, ended on a high note as it topped afternoon drama ratings on October 10 and 11, 2025.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results