PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baguhang singers ng Star Music, sari-saring hugot at pasabog

Baguhang singers, dagdag sigla para sa local music industry
by PEP Troika
Published Jun 18, 2023
Newbie singers Shira Tweg, Christi Tweg, Lian Dyogi, and Struggail
Meet some of the newest singers of Star Music (clockwise) Christi, Shira Tweg, Struggail, and Lian Dyogi.

GORGY RULA

Magkaiba ang personalidad ng dalawang baguhang singers na inilunsad ng Star Music na sina Christi at Shira Tweg.

SHIRA TWEG

Pareho silang nasa Gen Z, pero si Shira ay medyo conservative at mas type niya ang mga old songs.

Shira Tweg

Sa nakaraang launching nito nung nakaraang Linggo, June 11, 2023, na ginanap sa Music Box, Quezon City, kinanta ni Shira ang “Mr. DJ,” na ang buong akala ng iba ay iri-release din niya ang kantang ito ni Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gustung-gustong kantahin talaga ito ni Shira, kaya ginawa niya roon sa Music Box. Pero ang pinu-promote niya ay ang single niyang “Pag-ibig” na nilikha ni Direk Joven Tan.

Sabi ni Shira, honored lang siya dahil ginampanan niya ang role bilang young Sharon Cuneta sa pelikulang Kahit Maputi na Ang Buhok Ko. Kahit paano, nakilala raw siya roon.

Pero ang isa sa excited siya ay ang isa pang pelikulang gagawin niya kung saan gagampanan naman niya ang batang Nora Aunor.

Hindi pa raw sure si Shira kung matutuloy iyun. Wala pa raw sinasabi sa kanya ang kanyang manager.

Pero excited siya rito dahil nagampanan na niya ang batang Sharon Cuneta. Sana matuloy rin daw ang pagiging batang Nora Aunor.

“Siyempre po, I always say it’s a big, big opportunity po sa akin ‘coz mga ganung roles po agad ang nakukuha ko.

“I’m really, really thankful po na ngayon pa lang, as a new artist, marami na ako agad na natatanggap na big opportunities,” pakli ni Shira.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CHRISTI

Samantala, pang-Gen Z naman ang style ng mga kanta ni Christi.

Ilan sa mga nai-record niya ay siya mismo ang nagsulat, at naaliw kami sa isang kanta niyang pinamagatang “Fake.” Para raw yun sa mga "fake friends."

Pero ang pinu-promote niya ay ang ini-record niyang kanta na ang pamagat nito ay “Reyna.”

Ito ang ini-release ng Star Music, at nakakatuwa rin ang music video nito dahil pawang mga drag queens ang mga kasama niya rito. Suportado si Christi ng mga miyembro ng LGBTQIA dahil ally raw siya sa community nito.

Boys pa rin daw ang type niya. Pero malay natin, maging open din si Christi sa posibilidad na ma-link sa isang gay o tomboy.

“I’m not saying na hindi. Kasi, parang… malay natin. Mostly naman, I’m into guys,” napapangiti niyang pahayag.

Christi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang ally ng LGBTQIA, all-out ang suporta ni Christi sa mga ito, lalo na sa kanilang karapatan bilang gay.

Aniya, “Yung mga rights nila. Kasi kahit sabihin natin na accepted sila, ‘no, they’re just tolerated. Iba kasi yung difference sa being tolerated and being accepted.

"So, when you say accepted… For example sa CR, until now, nagiging battle pa rin yun. And ipinaglalaban lang naman ng community is for them to be safe.

“And of course, yung bashing online, na parang ngayon ginagamit pa rin yung word na gay as offensive, pero hindi dapat.

Paliwanag pa ni Christi, "So, I really do hope na one day na maging normal na sa atin yun na i-accept na ng mga tao na sana huwag nilang tingnan na iba.

“To be honest, hindi naman iba, e. And ako personally, mas marami akong mga loyal friends na part ng community.

“So, hindi naman dapat natin silang tingnan na iba sa atin cause hindi naman talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kantang “Reyna,” ini-record din ni Christi ang kantang “Fake,” “3rd Street” at “Breakthrough” na ini-release ng Manic Media. Kasama rin niyang nagsulat ng mga kanta niya sina MNX at Meq.

JERRY OLEA

Marami pang bagong mang-aawit at kanta na dapat nating suportahan upang lalong sumigla ang local music industry.

Interesting ang mga kuwento ng mga awiting ito.

DREI SUGAY

Matamis na mensahe ng pag-ibig ang hatid ni dating Idol Philippines season 2 contestant na si Drei Sugay sa kanyang bagong single na "Aking Tangi.”

"'Aking Tangi' is about finding pure, passionate love after so many heartbreaks and disappointments,” pahayag ni Drei.

"It's about finally discovering that perfect fit, and it feels like a reunion as if you have had that connection for a long time. It's new, yet familiar, and it's fate in motion."

Hango sa iba’t ibang istorya ng pag-ibig ang isinulat niyang kanta mula sa Star Pop label.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Drei, "Love stories inspired me to write ‘Aking Tangi.’ They're everywhere—in movies, books, and songs. Everybody loves a good love story.

“So, I wanted to create my own love story in song form."

Itinuturing niyang passionate at intense ang “Aking Tangi” kumpara sa kanyang debut single na “Ganun Talaga.”

Paliwanag ni Drei, “It is passionate and intense, in contrast to the carefree and chill vibes of ‘Ganun Talaga.’ ‘Aking Tangi’ is a new experience.

“It shows a different, vulnerable side of me, and I'm excited to share that feeling and experience it with everyone.”

Unang nakilala si Drei nang sumali siya sa The Voice Teens season 1 kung saan naging coach niya ang Fil-Am singer na si apl.de.ap noong 2017.

Naging bahagi rin siya ng ikalawang season ng Idol Philippines at nakasama sa top 12 contestants nito.

Ilan sa kanyang itinuturing na musical influences ang Coldplay, Radiohead, Ben&Ben, John Mayer, Daniel Caesar, at Jacob Collier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STRUGGAIL

Ibinahagi ng Star Music artist na si Struggail o Gail Banawis ang karanasan niya sa nawalang pagkakaibigan sa bagong single na "Next 2 Me."

Struggail

Ang "Next 2 Me" ay isang jazz track tungkol sa unti-unting pagkahiwalay ng pagkakaibigan at ang iba't ibang emosyon na dala nito.

Isinulat ni Struggail ang awitin habang iprinodyus ito ng singer-songwriter na si Lian Dyogi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This song reaches out to anyone who has experienced an unexpected gradual falling out with a friend, a relative, or even a lover,” pahayag ni Struggail.

“To anyone who ever questioned if there was anything you could've done to salvage it, you're not alone.”

Struggail

Nagsimula ang musical journey ni Struggail sa pagku-cover ng iba't ibang awitin tulad ng ballads, rap, at musical theater. Inilabas niya ang kanyang unang single na "Make U Smile" noong 2019 na umani ng mahigit 400,000 streams sa Spotify.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta, nais niyang ibuhos ang karanasan sa mga awitin na makakapagbibigay pag-asa sa mga tao.

LIAN DYOGI

Hatid ni Lian Dyogi ang ligaya na mahanap ang “the one” sa kabila ng kawalan ng kasiguruhan sa mundo sa bago niyang kanta na “Only Have Today.”

“Inspired by long-distance love in the pandemic, this electro-pop track is a call to be brave in each imperfect fleeting moment,” paliwanag ni Lian.

Si Lian mismo ang sumulat ng kanta katulong ang Grammy-nominated producer na si Lugo Gonzalez at Grammy-nominated artist na si Alih Jey.

Unang nakilala sa kanyang dating stage name na Lian Kyla, hindi niya naisip na makakasama siya sa industriya kung saan kinikilala rin ang kanyang ama at Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

Lian Dyogi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2018 nagsimula ang kanyang career sa music industry nang napanood ng record producer na si Jonathan Manalo ang kayang cover na ibinahagi ni Direk Lauren sa Facebook.

Bukod sa pagiging mang-aawit, isang songwriter-producer din si Lian. Nais ihatid ng Star Magic artist ang mensahe ng self-empowerment sa pamamagitan ng sariling musika.

Bukod sa pag-ibig na ipinaglalaban, tampok din sa kanta niyang “Only Have Today” ang paalala na piliing gawin ang nasa puso habang may oras pa.

“Over the past three years, the outbreak taught me that life is short and fleeting. We cannot change that. But as Gandalf said, ‘all we have to decide is what to do with the time that is given us,’” ani Lian.

VIVOREE

Masakit na pamamaalam sa isang relasyon ang hatid ni Vivoree sa kanyang bagong single na "Dalawang Isip."

Vivoree

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinuhos niya sa awitin ang kanyang damdamin para sa isang espesyal na tao habang pinapalaya niya ito mula sa kanilang relasyon.

Isinulat ito ng Himig Handog 2020 winner na si Danielle Balagtas at iprinodyus ni Ashley Aunor.

Nakatakda rin niyang ilabas ang kanyang debut EP ngayon taon na binubuo niya kasama ang ilan sa mahuhusay na female songwriters at producers sa industriya.

“Gusto ko sana na all-female yung songwriters pati producers ng EP because I want it to be about courage and women empowerment at the same time,” saad ni Vivoree.

Nitong Pebrero, inilabas ni Vivoree ang awitin na "Matapang" na nagsilbing unang patikim niya sa kanyang ilulunsad na EP.

Nakasama ni Vivoree sa music video ng kanta ang kapwa Kapamilya artist na si Brent Manalo.

Vivoree

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA

Siksik, liglig at nag-uumapaw sa kumpiyansa at karisma si Vice Ganda sa music video ng kanyang bagong single na "Rampa."

Ibinida ng Unkabogable Star sa “Rampa” ang kahalagahan ng pagiging empowered ano man ang kasarian o lahi.

Isinulat ito ni Vice kasama sina ABS-CBN creative director Jonathan Manalo, Star Pop label head Rox Santos, EJ Bollano, Loriebelle Aira Darunday, at Justin Catalan na nag-produce at areglo ng awitin.

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa music video sina Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Samantha Bernardo, at SLAY Model Search Asia 2023 runner-up Abby Eclanir at Sauce Chulalakkul.

Unang ipinerform ni Vice ang kanyang awitin sa coronation night ng Binibining Pilipinas noong Mayo 28 sa Araneta Coliseum.

"Quick fact: I wrote that song for Binibining Pilipinas. I was thinking of Binibining Pilipinas when I wrote that song. Now, I am just so happy na nandito na ako, finally performing that song sa swimsuit competition," saad ni Vice.

Bukod sa kanyang blockbuster movies at pagiging It's Showtime host, kilala rin si Vice sa kanyang viral songs tulad ng "Karakaraka," "Boom Panes," at "Wag Kang Pabebe."

Available ang bagong single ni Vice Ganda na "Rampa" sa iba't ibang streaming platforms. Mapapanood ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.

Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Vice Ganda Rampa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Samantala, kasama ang ABS-CBN Music sa pagdiriwang ng Fete de la Musique PH ngayong taon sa Hunyo 21, Miyerkules, mula 12:00 noon to 12:00 midnight sa Santa Fe, Siargao.

Makikisaya ang Kapamilya artists na sina CESCA, Maki, at Zion Aguirre sa selebrasyong nagmula sa France na ang ibig sabihin ay “music day” at ngayon ay ipinagdiriwang na sa iba’t ibang bahagi ng mundo tuwing Hunyo 21.

Aawitin ni CESCA ang ilan sa mga kanta niya mula sa kanyang debut EP na “Travel.”

R&B hits ang hatid ni Maki kabilang na ang kanyang latest song na “Saan?”

Hindi mawawala ang tunog electro-pop sa festival na hatid ni Zion na aawitin ang kanyang mga kanta kasama ang “in another life.”

Bukod sa ABS-CBN Music talents na nabanggit, maghahatid din ng iba’t ibang performances ang Shades Of Native, DJ Love, Anima Terra, Unsamani, Free the Robots, Tiger Pussy, La Crema, Thirst Kid, Baybayin Library, Pasal, Jahnerals, Honey Bandits, DJ Ericnem, Salamangka, Mahal, Iris, at si Cerise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangungunahan ng Lokal Lab ang Fete de la Musique sa Siargao na naglalayong maging pinakamalaking Fete de la Musique sa isang island community.

Handog nito ang iba’t ibang tunog para maranasan ng lokal na komunidad pati na rin ng mga turista ang talento sa musika ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, lalo na sa Visayas at Mindanao.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet some of the newest singers of Star Music (clockwise) Christi, Shira Tweg, Struggail, and Lian Dyogi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results