PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao, susubukang tumira ng ilang buwan sa Amerika

Paolo Gumabao, napanood ng amang si Dennis Roldan sa Batang Quiapo.
by PEP Troika
Published Jan 14, 2026
paolo gumabao spring in prague
Paolo Gumabao on staying in the U.S. for about six months: “Parang gusto ko lang i-try and see what’s going on there. Gusto ko lang makita kung ano yung mga opportunities there. Kung may puwede ba akong gawin dun na hindi ko puwedeng gawin dito.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Pabulong na nag-“I love you” sa isa’t isa sina Paolo Gumabao at Atty. Ferdie Topacio sa media conference ng pelikula nilang Spring in Prague noong Enero 12, 2026, Lunes, sa La Colina function room ng Valle Verde Country Club, Pasig City.

Nagpasalamat si Paolo sa magagandang proyektong ibinigay sa kanya ng producer ng Borracho Films.

Bukod sa nakagawa siya ng stageplay na Walong Libong Piso, kino-consider din ni Paolo na isa sa magagandang achievements niya sa 2025 itong Spring in Prague.

Read: BLIND ITEM: Actress, ilang beses na-two-time ng ex-boyfriend

Aniya: “Itong Spring of Prague, isa ito sa pangarap ko. At siyempre, yung Mamasapano na binigay sa akin ni Attorney.

“So, lagi akong nagti-thank you kay Attorney. Kasi, lahat ng mga binibigay sa akin na roles, lahat ng binibigay sa aking mga projects, talagang nakapalaking bagay, dream come true lagi para sa akin.

'“So, Atty, I love you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabulong namang sagot sa kanya ni Atty. Topacio, “I love you, too.”

PAOLO GUMABAO PLANS TO TAKE A VACATION IN THE U.S.

Isa sa plano ni Paolo ngayong taon ay magbakasyon muna sa USA, at medyo magtatagal daw siya sa kapatid niyang nasa California.

Lahad ni Paolo: “Kasi balak kong mag-U.S. this coming March. Dun kasi nagtatrabaho ang kapatid ko. Siguro I’ll stay there five or six months.

“So, yeah! Mag-stay muna ako sa US. Gusto ko lang mag-explore muna dun. Gusto ko lang i-feel of how it is to live there.”

Balak na rin ba niyang doon na manirahan?

“Parang gusto ko lang i-try abd see what’s going on there. Gusto ko lang makita kung ano yung mga opportunities there.

“Kung may puwede ba akong gawin dun na hindi ko puwedeng gawin dito.”

Sinundan namin ng tanong kung posible kayang subukan niyang mag-audition at baka suwertehin siyang magka-project sa Hollywood.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tugon ni Paolo: “If ever na makarinig ako ng isang audition na kung saan kailangan nila ng isang Latino guy, e, di… kasi ano naman, e.

“Nung last na punta ko sa U.S., ang tingin sa akin ng mga tao, ano ako, Mexican ako e.

“Kasi meron silang sterotype na mga Pinoy dun sa U.S. So, for Americans, I don’t look Filipino. I look more Latino.

“So, hindi ko alam. Ayokong magsabi o magkuwento nang patapos.

“Pero mag-stay ako dun for six months muna. Siguro magbabakasyon muna.”

Read: Bidang aktres, nag-abono sa reshoot ng eksena sa teleserye

PAOLO ON HIS BAD HABITS

Ayaw naman i-share ni Paolo kung ano ang kanyang habits na gusto na raw niyang tigilan. Ito pa raw sana ang gusto niyang ma-achieve ngayong 2026.

“Siguro cutting out some habits. Kailangan kong ayusin yun," sabi niya.

"Hindi naman ako perpektong tao. Lahat naman tayo, meron naman tayong mga habits na… hindi lang habits. Mga parte tayo sa ugali natin na gusto nating i-correct or tanggalin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa proseso na raw siya ngayon na matanggal itong habits na ayaw niyang sabihin.

“Secret ko na lang yun,” napangiti niyang sambit.

“Parang 2025 para sa akin, parang ang dami kong revelations tungkol sa sarili ko, e.

“Ahhh, sa ugali… in the process. I don’t want to say na na-achieve ko na, pero all I can say is in the process of achieving.”

NOEL FERRER

Last year ay nadalaw ni Paolo Gumabao ang kanyang amang si Dennis Roldan na nakapiit pa rin sa Muntinlupa matapos mahatulang guilty sa kasong kidnapping noong 2014.

Lahad ng hunky actor: “Ako, hindi lang ako nakabisita for Christmas. Pero last year naman, nung 2025 nung kalagitnaan, nakabisita din naman.

“Nag-usap kami about career. Minsan kasi, ang napanood niya sa akin… siyempre pag pelikula, hirap siyang makapanood kasi hindi naman lahat ng pelikula ko, napapalabas sa TV, e.

“So, ang pinakanapanood niya sa akin is Batang Quiapo, ganun. Kasi may TV naman sa loob ng kulungan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nakikita niya yung eksena ko sa Batang Quiapo, ina-advise-an niya ako na, 'Oo nga ganyan.' Yung pagiging kontrabida, dun ako nalilinya.

"Tapos, sana daw makahanap ako ng way na huwag lang mag-stick sa pagiging kontrabida. Mag-try din ng ibang roles,”

Read: Paolo Gumabao "very dramatic" first meeting with Dennis Roldan

Maliban sa Walong Libong Piso, ang iba pang movies ni Paolo na ipinalabas last year sa mga sinehan ay Isla Babuyan, Unconditional, at Beyond The Call of Duty.

paolo gumabao walong libong piso
Paolo Gumabao in Walong Libong Piso
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ang Spring in Prague ay love story ng Pinoy resort owner na si Alfonso "Alfie" Mucho (Paolo Gumabao) at ng turistang Czech na si Maruska "Marie" Ruzicka (Sara Sandeva).

Kinunan ni Direk Lester Dimaranan ang pelikula sa Oriental Mindoro, at sa Czech Republic.

paolo gumabao sara sandeva spring in prague
Sara Sandeva and Paolo Gumabao during their shoot in Oriental Mindoro for Spring in Prague.
Photo/s: Borracho Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Paolo: “Siguro isa sa part na na-challenge kami sa pelikula na ito is we had to show the differences in culture sa dalawang karakter — kay Alfonso at saka kay Maruska.

“So, nag-try kaming mag-isip ng mga iba’t ibang paraan. Parang isipin niyo, di ba, tayong mga Pinoy, minsan pinaghahalo natin yung ketchup saka toyo. Di ba?

“Parang different cultural habits, kumbaga. Doon kami na-challenge, na maghanap ng specific traits ng each of the characters para ma-highlight doon sa film.

“And you know, despite of all these differences in habits or in culture, nagsama pa rin yung dalawang character at nagklik pa rin sila.”

Bilang aktor, ano ang natutunan niya sa paggawa ng Spring in Prague?

“Lahat ng mga projects ko before this film, lahat sexy, e. Kung hindi sexy, kontrabida,” pagtatapat ni Paolo.

“Kung hindi kontrabida, may maling binabalak yung character ko. So, first time kong gumawa ng isang pelikula kung saan genuinely mabait talaga iyong karakter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time kong gumawa ng pelikula na lover boy talaga yung karakter, at walang hinahabol na masama sa partner niya.

“So, I guess, ang isa sa natutunan ko dito, ang isa sa mga naging challenge ng pelikulang ito para sa akin, is how to work my way around being a leading man.

“Alam mo yun. Kasi hindi naman ako sanay sa mga ngiti-ngitian sa eksena. Sanay ako sa nakasimangot ako.

“Sanay ako sa alam mo yung nang-aakit na hitsura, ganun kasi ang mga ginawa kong film before.

“Since itong pelikulang ito, bida pa, inaral ko talaga kung paano maging cinematic.

“Kasi kahit anong sabihin natin — dapat natural yung acting natin — hindi pa rin talaga puwedeng mawala na, yes, dapat natural yung acting natin but you still have to do it in a cinematic way.

“So there’s a cinematic way of acting naturally. So I guess yun ang naging challenge sa akin, how to act cinematically and naturally habang nagiging lover boy. Parang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din ng Spring in Prague sina Elena Koslova, Marco Gomez, at Ynah Zimmerman.

Ang premiere screening ng pelikula ay sa Enero 19, Lunes ng 4:00 P.M. sa Cinema 12 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Magso-showing ito sa mga sinehan sa February 4.

Read: Golden Globes 2026: One Battle After Another, Adolescence win big

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on staying in the U.S. for about six months: “Parang gusto ko lang i-try and see what’s going on there. Gusto ko lang makita kung ano yung mga opportunities there. Kung may puwede ba akong gawin dun na hindi ko puwedeng gawin dito.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results