NOEL FERRER
Mga lalaking taung-tao, kita ang mga kapangyarihan, pero hindi itinatago ang kahinaan.
Mga karakter na kadalasa’y kinamumuhian o kinaaawaan. Ngunit ang mahalaga’y kinakitaan ng husay at lalim ng pagkatao.
Read: PEP Troika’s Choice: Most Noteworthy Films of 2025
MOST NOTEWORTHY PERFORMANCES OF ACTORS IN SUPPORTING ROLES OF 2025
Mula sa dalawampu’t pitong (27) na ikinunsidera, lima ang umangat na PEP Troika’s Choices para sa BEST SUPPORTING ACTOR ng 2025.
Ang mga ito ay sina Richard Quan ng How To Get Away from My Toxic Family, Will Ashley ng Bar Boys: After School, Mon Confiado ng Quezon, Tom Rodriguez ng UnMarry, at Cris Villanueva ng Quezon.
Dark horses sina Rico Blanco ng Manila’s Finest, Lucas Andalio ng Call Me Mother, at Zac Sibug ng UnMarry.

GORGY RULA
Hindi lang sila basta-basta suporta, may sarili silang kalakasan — sa isip man o sa puso. Karamihan sa kanila, hinuhugot ang kakaibang karunungan o prinsipyo habang patuloy nilang pinagsisikapang mapabuti ang kani-kanyang buhay.
MOST NOTEWORTHY PERFORMANCES OF ACTRESSES IN SUPPORTING ROLES OF 2025
Mula sa dalawampu’t siyam (29) na ikinunsidera, apat ang namukod-tangi na PEP Troika’s Choices para sa BEST SUPPORTING ACTRESS ng 2025.
Ang mga ito ay sina Susan Africa ng How To Get Away from My Toxic Family, Odette Khan ng Bar Boys: After School, Jennica Garcia ng Sunshine, at Eugene Domingo ng UnMarry.
Lima ang dark horses na puwedeng makasilat.
Ito ay sina Belle Mariano ng Meet, Greet & Bye, Shamaine Centenera-Buencamino ng UnMarry, Rochelle Pangilinan-Solinap ng Child No. 82: Anak ni Boy Kana, Irma Adlawan ng Child No. 82: Anak ni Boy Kana, at Jackie Lou Blanco ng P77.
Read: PEP Troika's Choice: Most Noteworthy Lead Performances of 2025

JERRY OLEA
What if sa isang award-giving body ay tanghaling best actress si Maris Racal para sa Sunshine, at ang best supporting actor ay si Rico Blanco para sa Manila’s Finest?
May awit kaya para sa kanila ang Cup of Joe?
Ang MMFF 2025 Gabi ng Parangal ay ginanap noong Disyembre 27 sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.
Itinanghal na best supporting actor si Tom Rodriguez para sa UnMarry. Waley sa awards night si Carla Abellana dahil araw iyon ng kanyang kasal.
OK lang na di um-attend si Carla sa nasabing awards night dahil hindi naman siya nominadong best actress para sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
What if sa isang award-giving body ay parehong nominado sina Carla at Tom?
KONSYERTO PARA SA FILIPINO
Sa Enero 10, 2026, Sabado, na free concert para sa Filipino community sa Middle East, ang Konsyerto para sa Filipino.
Dahil sa higpit ng immigration sa Gitnang Silangan, hindi lahat ng artista ng 51st MMFF ay imbitado roon.
Ang iba ay sa pauga sa Hong Kong inilagay. Inaayos pa iyon.
Ang limang pelikula at mga artista sa Konsyerto para sa Filipino:
Love You So Bad — Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu
UnMarry — Donna Cariaga, Eugene Domingo, at Nico Antonio
Shake, Rattle & Roll: Evil Origins — Dustin Yu
I’m Perfect — Joey Marquez at Sylvia Sanchez
Bar Boys: After School — Will Ashley at Donna Cariaga

Tigdadalawa ng pelikulang ire-represent sina Dustin, Will, at Donna. Take note na kasama rin si Donna sa cast ng Rekonek!!!
Parehong waley sina Tom at Carla sa event sa UAE. Sa payanig sa HK, puwede kaya sila?
Gaya ni Donna ay tatlo ang pelikula ni Soliman Cruz sa 51st MMFF — Manila’s Finest, Rekonek, at Call Me Mother.
Ang huhusay nina Soliman at Donna bilang characters kaya mabenta sila.
