PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta, pumayag kayang ma-cast sa Rey Valera musical?

Best of Rey Valera OPM songs, gagawing musical. Sino ang cast?
by PEP Troika
Published Mar 2, 2022
Rey Valera, Sharon Cuneta, Rey Valera musical
Kung papayag si Sharon Cuneta, hiling ni Rey Valera na maging bahagi ang Megastar ng Rey Valera musical. Si Sharon ang kumanta ng mga sikat na OPM songs ni Rey tulad ng "Mr. DJ" at "Maging Sino Ka Man."
PHOTO/S: Screengrab from Sing-Galing / @reallysharoncuneta Instagram

JERRY OLEA

Ipinagkatiwala ni Rey Valera sa concert producer na si Mhae Sarenas ang pagpoprodyus ng musical base sa kanyang mga awit.

Kung ang Aegis ay may Rak of Aegis, ang Eraserheads ay may Ang Huling El Bimbo, ang APO Hiking Society ay may Eto Na! Musikal nAPO! at pelikulang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila (2012)… exciting ang Rey Valera na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Musical, di ba?!

Ang libretto ay gawa ng multi-awarded scriptwriter na si Eric Ramos, na schoolmate at malapit na kaibigan ni Ms. Mhae sa Malabon.

"Before pandemic, may usapan kami ni Tito Rey na sa akin niya in-award yung Rey Valera musical," kuwento ng 52-anyos na si Ms. Mhae.

Naka-chika namin si Ms. Mhae nitong Marso 1, Martes, sa Bubbli Moo’re restaurant ng Malabon City.

"Magpapa-audition na kami pero hindi natuloy dahil sa pandemic. Kung magtutuluy-tuloy na ang normal talagang sitwasyon, this year ipapalabas ang musical.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ni Tito Rey na mag-appear siya sa musical. Ang balak niya, sa maliit na venue muna gaya ng Teatrino.

"Kasi, sabi niya, 'Mag-expect tayo ng malaki, Solaire o ano, kaso lang, hindi pa natin alam yung crowd.'

"Sabi niyang ganun. 'So, mas maganda, mag-umpisa tayo sa maliit, after nito, pag napuno 'yan… Tuwang-tuwa tayo pag napuno,'" lahad ni Ms. Mhae.

Kung papalarin, nais daw ni Rey na makasama sa musical si Sharon Cuneta.

Lahad pa ni Ms. Mhae: "Siya na yung nagbibigay ng mga idea. Sabi nga niya, yun na yung legacy niya na maiiwan niya sa buong mundo.

"Sabi niya, 'Ako, hangga’t ganito, medyo malakas pa ako, kumakanta pa ako pero gusto ko, may maiwan ako. Inihabilin ko ito sa ‘yo.'

"Alam mo, nakakatuwa yun. Ang sabi pa ni Tito Rey, try lang niya raw kung papayag si Miss Sharon Cuneta na makasama sa musical."

Aba! Sandamukal na Rey Valera songs ang inawit ng Megastar, gaya ng "Mr. DJ," "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," "Maging Sino Ka Man," "Pangako," at "Kung Kailangan Mo Ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinanta rin ni Sharon ang songs ni Rey na "Malayo Pa Ang Umaga," "Kung Tayo’y Magkakalayo," "Tayong Dalawa," "Kahit Wala Ka Na," "Sorry Na, Pwede Ba," at "Walang Kapalit."

Pagpapatuloy ni Ms. Mhae, "Sabi ni Tito Rey, 'Kung papayag si Mega… kung papayag.'

"Sa lalaking cast member, wala pang binabanggit si Tito Rey kung sino. Basta ang nabanggit lang niya before nung nag-meeting kami, gusto niya, Sharon Cuneta.

"Nung una, nung nasa TNT [Tawag Ng Tanghalan] siya, balak naming kumuha ng TNT winners.

"Ngayon, sabi niya, ‘Sa Sing-Galing na tayo!’"

Ang tinutukoy ni Rey na "TNT" ay ang "Tawag ng Tanghalan" segment sa It's Showtime ng Kapamilya Channel, habang ang Sing-Galing ay singing competition sa TV5.

READ: Randy Santiago, Rey Valera explain move to TV5's Sing Galing from ABS-CBN's It's Showtime

NOEL FERRER

Maganda iyang musical based on Rey Valera’s songs.

Pero katulad ng mga nauna nang Rak Of Aegis, Ang Huling El Bimbo, at Eto Na! Musikal nAPO!, nagkaroon ng panibagong buhay ang mga kanta dahil sa konteksto nito na hindi lang the usual love story kundi may isyung panlipunan at pampulitika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

We’ll see how the Rey Valera musical will turn out to be.

GORGY RULA

Kasama ni Rey Valera na judges o JukeBosses ng Sing-Galing sina Ethel Booba at Ronnie Liang.

Sabi ni Rey, ibang-iba ito sa ibang singing competition na puro biritan. Hindi raw ito yung sigawan nang sigawan sa birit kundi yung kinagigiliwan ng mga Pinoy na mag-videoke.

Lahad pa ng 68-anyos na singer-composer, "In real life, hindi naman ganun ang kanta, e, na puro sigawan. Pupunta ka sa videoke, di ba, kakantahin mo ang gusto mong kantahin?"

Siyanga pala, may nasulat nang libro si Rey tungkol sa kanyang life story at malamang na sa Bubbli Moo’re iyon ilunsad.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung papayag si Sharon Cuneta, hiling ni Rey Valera na maging bahagi ang Megastar ng Rey Valera musical. Si Sharon ang kumanta ng mga sikat na OPM songs ni Rey tulad ng "Mr. DJ" at "Maging Sino Ka Man."
PHOTO/S: Screengrab from Sing-Galing / @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results