PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay, paghihiwalayin muna?

Huwag Kang Titingin premiere, suportado ng PBB housemates.
by PEP Troika
Published 2 days ago
socia pablo allen ansay loveteam
Allen Ansay on Sofia Pablo being paired with another leading man: "Kahit before pa siya pumasok ng PBB talaga… actually, sinabi ko pa nga sa kanya yun na kahit na magka-loveteam siya sa loob, may magustuhan siyang iba, maiintindihan ko yun... And part naman talaga ng trabaho namin na may maka-loveteam na iba, may maka-partner na iba.”
PHOTO/S: Mark Angelo Ching

GORGY RULA

Suportado ng PBB housemates ang premiere night ng pelikulang Huwag Kang Titingin noong Abril 13, 2026, Lunes, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Taga-PBB kasi ang karamihan sa cast na kinabibilangan nina Sofia Pablo, Charlie Fleming, Michael Sager, Marco Masa, Kira Balinger, Josh Ford, at Shuvee Etrata.

Kabilang din sa Huwag Kang Titingin sina Allen Ansay, Anthony Constantino, Sherilyn Reyes, Alchris Galura, at Michael Flores.

Ilan sa PBB Celebrity Collab 2.0 housemates na namataan naming dumalo ay sina Lee Victor, Waynona Collings, Eliza Borromeo, Fred Moser, Princess Aliyah, at John Clifford.

Nandoon din si Royce Cabrera, at si Beauty Gonzalez kasama ang kanyang asawang si Norman Crisologo.

huwag kang titingin premiere
The cast of Huwag Kang Titingin with special guests at the film's premiere night.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALLEN AND SOFIA THANK ALFIA FANS FOR PROMOTING HUWAG KANG TITINGIN

Dinagsa rin ng fans ng AlFia loveteam nina Allen at Sofia ang premiere night, at sa simula pa lang ng pelikula ay nagtitilian na sila.

Nagpasalamat ang mga bidang sina Sofia at Allen dahil talagang nag-e-effort daw ang fans nilang i-promote ang Huwag Kang Titingin, na magso-showing na sa mga sinehan bukas, April 15.

Ani Allen, “Nagulat nga po kami, kasi may mga pa-sintra na sila. Sobrang excited na nga po kami. Finally, mapapanood na ito ng mga Kapuso natin.”

Nangako rin daw ang fans nila na magpapa-block screening sila. Kaya talagang gagastos sila para maging successful ang first film nina Sofia at Allen.

Sabi pa ni Allen, “Meron nga po kami sa [April] 18, meron pang mga titas na magpapa-block screening na puntahan namin. Thank you so much.”

Mensahe naman ni Sofia: “Siyempre, sa mga Kapuso at sa lahat na mga gustong manood ng Huwag Kang Titingin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam ko may gas crisis ngayon, pero if may extra kayo na kahit konti, I hope na panoorin niyo ang Huwag Kang Titingin, kasi lahat kami binuhos namin yung best namin dito.

“Sana suportahan natin yung pelikulang Pinoy, kasi at the end of the day, we’re all Pinoy. Dapat suportahan natin ang gawang Pilipino.”

Read: Alfred Vargas, wife Yasmine file complaint vs parents of son's alleged bully

huwag kang titingin poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Pagkatapos ng Huwag Kang Titingin, may narinig kaming magkakaroon daw ng kani-kanyang project sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Napangiti lang si Allen nang tinanong kung totoo bang kasali siya sa isang malaking drama series, pero wala si Sofia.

Ipapahinga ba muna ang kanilang tambalan?

Sagot ni Allen: “Actually, meron kaming mga pasabog ni Sofia ngayong taon.

"Hindi pa po namin puwedeng i-reveal. Abangan niyo yan.”

Sabi naman ni Sofia: “Hindi po ako sure if I can talk about it.

“Pero abangan niyo na lang, because may plan yung management. So, abangan niyo na lang.

“May pinaghahandaan po kami individually.”

Dagdag ni Allen: “Kami naman talaga ni Sofie ever since… kahit before pa siya pumasok ng PBB talaga… actually, sinabi ko pa nga sa kanya yun na kahit na magka-loveteam siya sa loob, may magustuhan siyang iba, maiintindihan ko yun.

“And ngayon naman kasi, kumbaga yung friendship namin, hindi naman talaga mawawala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And part naman talaga ng trabaho namin na may maka-loveteam na iba, may maka-partner na iba.”

SHUVEE "BEHAVED" NA SA DONBELLE ISSUE

Samantala, gusto sana ng PEP Troika tsikahin pa si Shuvee Etrata tungkol sa isyu pa rin nito sa DonBelle, pero tila iniiwasan na niya itong pag-usapan.

Maingat na ba siya ngayon sa mga sasabihin niya?

“Sobrang behaved,” napangiting sagot ni Shuvee.

May reaksiyon siya sa mga inilabas na statement nina Donny Pangilinan at Belle Mariano?

“Okay na po,” pag-iwas na ni Shuvee,

Read: Shuvee Etrata, nag-apologize sa DonBelle fans

JERRY OLEA

Maraming pelikulang ipinapalabas every week sa local cinemas, karamihan ay banyaga.

Noong Enero ay isang local film lang ang nag-showing sa mga sinehan, ang A Werewolf Boy noong Enero 14.

Meet Rabin Angeles, the Filipino actor taking on the human-wolf figure in
Photo/s: Screengrab from Facebook | Rabin Angeles
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Pebrero, limang pelikulang Pilipino ang nag-theatrical release.

Ang mga ito ay Spring in Prague noong Pebrero 4; The Loved One noong Pebrero 11; The Lotto Winner at Batang Paco noong Pebrero 18; at Until She Remembers noong Pebrero 25.

the loved one poster

Noong Marso, marami-rami ang Pinoy movies na ipinalabas sa ating mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan ang Sisa noong Marso 4; A Special Memory noong Marso 11; Songs for Selina at Graduation Day noong Marso 18; at Pater Noster noong Marso 25.

a special memory

Anim ang full-length films sa Sinag Maynila filmfest na ipinalabas umpisa Marso 23, at na-extend hanggang Abril 1, Miyerkules Santo.

Ang mga ito ay Ang Bangkay, Desperada, Pinikas, Lanaya, All About Her, at Sweet Escape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Desperada, The Embalmer, and All About Her are part of Sinag Maynila 2026
Photo/s: courtesy of Sinag Maynila 2026

Umpisa Marso 25 ay balik-sinehan ang tatlong pelikula sa Bayaniverse ni Direk Jerrold Tarog — Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, at Quezon.

Napanood ang mga ito sa halagang PHP83 o PHP150, depende sa sinehan.

bayaniverse
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Abril 4, Sabado de Gloria, ay nag-open sa mga sinehan ang Wonderful Nightmare, at ang GL movie na I Fell, It’s Fine.

UPCOMING TAGALOG MOVIES

Bukas, Abril 15, kasabay ng Huwag Kang Titingin ang opening day ng Umbag na bida sina Marie D., LJ Ramos, at Miguel Ramirez, sa panulat at direksyon ni John Ad Castillo.

Nasa cast din ng Umbag sina Pia Moran, Ricardo Cepeda, Archi Adamos, Pen Soloria, Zyruz Imperial, Carleans Chay, Eiven Gatdula, at Eduardo Ngo.

umbag poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Abril 22 ay tatlong Pinoy movies ang nakatakdang ipalabas — 3 Words, Rosario, at Neophyte 26.

Sa Abril 29 na ang showing ng She Who Must Not Be Named na nida sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Nagtatanong ang ibang FranSeth fans kung bakit hindi pa rumaratsada ang promo nito. Kasabay pa naman nito ang showing ng The Devil Wears Prada 2.

she who must not be named
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna pang magpa-presscon ang Regal last Sunday, April 12, para sa Almost Us na bida sina JM Ibarra at Fyang Smith, sa direksiyon ni Dan Villegas.

Base sa trailer, nakaka-excite panoorin ito sa mga sinehan umpisa Mayo 6.

Must watch, Bobby Ferrer!

almost us poster

Nasa May 13 playdate naman ang pokpok movie na Midnight Girls, starring Jodi Sta. Maria, Sanya Lopez, Loisa Andalio, and Jane Oineza, sa direksyon ni Irene Emma Villamor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Mayo 27 naman ang showing ng Tayo Sa Wakas nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

DONBELLE SUMMER FOR REEL

Ultimate summer love experience ang handog ng DonBelle sa poster launch ng upcoming film nila na gaganapin sa grand outdoor party na “Summer For Reel” sa Abril 18, Sabado ng 5:00 P.M. sa Red Coconut Beach Front, Station 2, Boracay.

Bukod sa poster reveal, tampok din dito ang special screening ng pelikula nilang An Inconvenient Love (2022).

Handog ng Cinema One at ABS-CBN Events ang "Summer for Reel" na magtatampok sa musical performances mula kina Angela Ken at Jarren Garcia.

Hosts dito sina Emilio Daez at Aiyana Perlas.

Asahan din ang iba’t ibang kasiyahan tulad ng volleyball match, interactive booths, at on-stage games.

Libre ang admission at open sa publiko ang event sa first-come, first-served basis.

donbelle summer reel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Enchong Dee, naglitanya sa hindi magandang karanasan sa Air France

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Ansay on Sofia Pablo being paired with another leading man: "Kahit before pa siya pumasok ng PBB talaga… actually, sinabi ko pa nga sa kanya yun na kahit na magka-loveteam siya sa loob, may magustuhan siyang iba, maiintindihan ko yun... And part naman talaga ng trabaho namin na may maka-loveteam na iba, may maka-partner na iba.”
PHOTO/S: Mark Angelo Ching
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results