GORGY RULA
Nagsimula na ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0 kung saan ipinakilala ang bagong 20 teen housemates.
Okay naman ang rating ng pilot episode nito noong Sabado, October 25, 2025. Naka-8% ito.
Pero top trending topic ito sa social media na ang ibig sabihin ay marami ang tumututok dito online.
Read: PBB Celebrity Collab Edition 2.0: Meet the 20 housemates
Ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 2.1%, at ang Frontline Weekend ay 1.7%.
Nagkatapat ang dalawang shows ni Luis Manzano.
Nagbabalik siya bilang host ng PBB, na live noong Sabado, at siya rin ang host ng Rainbow Rumble na taped episode naman.

Read: PBB Celebrity Collab 2.0: Luis Manzano back as host; 20 PBB teen housemates revealed
RATINGS OF OTHER SHOWS
Tumaas ang Pepito Manaloto na naka-9.3%, at ang Your Face Sounds Familiar ay 4.5%.
Ang Magpakailanman naman ay 7.8%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 1.6%.
Maganda pa rin ang rating ng Daig Kayo Ng Lola Ko na naka-5.5%.
Halos ganun pa rin ang viewership noong araw na yun.
Naka-5.3% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.2%.
Sumunod ang Hating Kapatid na 5.3%.
Ang Tadhana naman ay 5%, ang Wish Ko Lang! ay 4.7%, at ang Maka Lovestream ay 3.8%.
Ang 24 Oras Weekend ay 5.8%.
JERRY OLEA
Noong Linggo, October 26, ay mababa pa ang viewership sa araw, pero medyo tumaas pagdating ng gabi.
Halos ganoon pa rin ang viewership ng PBB Celebrity Collab 2.0,. na pumalit sa timeslot ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Nag-season break lang daw ang TBATS para magbigay-daan muna sa PBB Celebrity Collab 2.0. Pero sure daw na babalik ito.
OCTOBER 26 RATINGS
Simulan muna natin sa All-Out Sundays na naka-2.8%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2.2%.
Ang Regal Studio Presents ay 3.1%, at ang sumusunod na Resibo ay 3.2%.
May viewers talaga sa FPJ movies kaya tumaas at naging 4.1% ang FPJ Sa GMA.
Sa primetime ay naka-9.1% ang 24 Oras Weekend; ang TV Patrol Weekend ay 1.5%, at ang Kapatid Mo Idol Raffy Tulfo ay 1.6%.
Ang second part ng anniversary episode ng Bubble Gang, kung saan guest si Vice Ganda, ay 9.3%.
Trending ang "puksaan" ni Vice at ni Mr. Assimo na si Michael V sa kanilang skit.
2.5% ang katapat nitong Rainbow Rumble.

Medyo tumaas pagdating sa The Voice Kids na 11.7%.
Ganundin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 15.1%.
Okay na ring naka-4% ang PBB Celebrity Collab 2.0 na dating timeslot ng TBATS.
Pero tiyak na mas maraming nanood online sa PBB dahil trending ulit ito.
Read: Netizens ask: Is Vice Ganda throwing shade at Heart Evangelista?
NOEL FERRER
Noong Biyernes, October 24, ay tumaas ang It’s Showtime na naka-6.1%, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.
Ang Hating Kapatid ay unti-unti nang tumataas pero pumapangatlo pa rin ito sa mga afternoon drama ng GMA-7. Naka-6% ito.
Ang sumunod na Cruz vs. Cruz ay 6.9%.
Ang Akusada na magtatapos na ay 6.8%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.2%, at ang sumusunod na You Are My Make Up Artist ay 2.8%.
Ang Family Feud ay 8.6%.
Sa primetime ay naka-13.3% ang 24 Oras, at ang TV Patrol ay 2.9%.
Ang Totoy Bato naman ay 2.7%.
Mataas pa rin ang Sang’gre na 11.4%, at ang FPJ's Batang Quiapo ay 10.9%.
Ang Sanggang Dikit ay 8.8%, at ang katapat na What Lies Beneath ay 4.7%.
Ang Amazing Earth ay 4.1%, at ang Sins Of The Father naman ay 2.8%.
Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations
