GORGY RULA
Inusisa namin kay Vilma Santos sa PEP Live kahapon, Disyembre 20, 22023, Miyerkules, kung ano ang involvement ng mister niyang si Congressman Ralph Recto sa produksiyon ng Mallari na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.
Ang nakapronta kasing producer ng Mallari na si John Bryan D. Diamante ay tao nila.
Nilinaw ni Ate Vi na hindi si Ralph ang nag-produce ng Mallari.
Read: Vilma Santos and Christopher de Leon's birthday wish: for moviegoers to return to the cinemas
“Nag-share lang siya sa korporasyon. Nagbigay lang siya, pero hindi siya yung 100 percent nag-produce,” sey ni Ate Vi.
“Kasi si Bryan, yung taong yun, siya ang may hawak talaga nung production. Pero it’s a korporasyon, nag-share lang siya, ng Mallari.
“And I don’t mind. I don’t mind because ang Mallari naman ay anak natin,” sambit ng Star for All Seasons, sabay tingin sa katabing si Christopher de Leon.
“Si Piolo Pascual naman yun. You get me, anak namin yun at mahal namin yun, at mahal ko yun.”
Gumanap si Piolo bilang panganay sa limang anak nina Amanda Bartolome (karakter ni Vilma) at Julian Bartolome Sr. (karakter ni Christopher) sa MMFF 2002 entry na Dekada ‘70, sa direksiyon ni Chito S. Roño.
Si Direk Chito ang chairman ng board of jurors ng MMFF 2023, kung saan kabilang sa sampung official entries ang Mallari ni Piolo, at ang When I Met You In Tokyo nina Vilma at Christopher.
Read: Vi at Boyet sa Eat Bulaga!, wagi sa Friday ratings; E.A.T. panalo sa Saturday ratings
JERRY OLEA
Mahal sina Vilma at Christopher nina Eugene Domingo at Pokwang, na mga bida naman sa MMFF 2023 entry na Becky & Badette.
May tribute sina Uge at Pokie kina Vi at Boyet sa movie. Ni-reenact nina Uge at Pokie ang “Emil! Emil!” scene nina Vi at Boyet sa Regal movie na Relasyon (1982).
Sa inauguration ng MMFF Auditorium noong Disyembre 14, Huwebes, sa New MMDA Building sa Pasig City, ni-reenact nina Eugene at Christopher ang nasabing eksena.
Naghandusay at naglupasay sa sahig si Christopher.
Read: Christopher de Leon at Eugene Domingo, may agaw-eksenang paandar kahit magkalaban sa MMFF 2023
Bulalas ni Ate Vi, “Napanood ko sa Facebook! Sa Facebook, Yet, grabe ka!”
“Nahiga na lang ako!” natatawang sambot ni Boyet.
Pagpapatuloy ni Vilma, “Yet, nahiga ka pa?! Ano ka ba?! Tapos si Uge, ‘Emil! Emil!’ Ginugulo pa ni Uge yung buhok mo.”
Flattering para kina Vilma at Christopher ang ganoong pagpupugay sa kanila.
Pagmamatuwid ng Drama King of Philippine Movies, “It’s an honor for us na… ma-spoof yung mga ginagawa natin.
“Why not, you know. Tumatak talaga sa tao yung mga eksena na yon. So, ginagawa nila.”
Dagdag ni Ate Vi, “Sa akin kasi, ka-text ko yung dalawa, e, si Uge at saka si Pokie. Hanggang ngayon, gine-‘get well soon’ nila ako.
“And then nagpunta sila sa Manaoag, nag-Facetime sila sa akin na, ‘We’re praying for you to get well.’
“Ganun ko sila kamahal, si Pokie at saka si Uge. And then sinabi nga nila na laging ako yung peg nila.
“Kasi remember, D’ Lucky Ones, yung movie nila? Na mga diehard Vilmanians sila, remember?
“D’ Lucky Ones, lahat lucky. Lahat ng pelikula nilagay nila dun, and eto na naman, naging peg na naman kami ni Boyet sa Relasyon.”
Nagpasalamat si Vilma kina Eugene at Pokie, at ipinagdiinang mahal niya pareho ang dalawang comedienne.
Sabi pa ni Ate Vi, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na bida sa MMFF 2023 movie na Rewind, ay inaanak niya sa kasal.
Si Sharon Cuneta na bida naman sa Family Of Two (A Mother and Son Story) ay parang sister niya.
Lahad ni Ate Vi: “Si Sharon Cuneta, like a sister to me. And I love these people na kasama lahat. Piolo is like our son.
“And I love Piolo so much, na Mallari. And itong Becky & Badette, it’s not even a competition for us.
“Hindi ito laban. Suportahan. And what we want to do is talagang hakutin lang muli ang tao sa sine!
“Ibalik niyo lang uli ang sigla ng aming movie industry sa pamamagitan po ng sine.”
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
NOEL FERRER
Ang saya-saya lang ng PEP Live natin kina Papa Bo at Ate Vi at kita mong komportable talaga sila.
Sinagot nila ang bawat tanong natin tulad ng hiwalayan trend ng malalapit sa kanila na sila Kathryn at Daniel, Kim at Xian, pati na sina Cherry Pie at Edu.
Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups
Excited ako sa mga gusto nilang gawing susunod na projects lalo pa’t we are on our road to the MMFF 50th anniversary next year.
Si Papa Bo, hoping and praying na makakapagdirek siya ng isang major film na sana for the MMFF next year.
Si Ate Vi naman, may dalawang movie offers — isang action from Direk Erik Matti, at isa namang comedy from Star Cinema with a comedy icon, too.
Sana rin, pang-MMFF itong dalawang pelikulang ito.
But for now, talagang all eyes on this year’s MMFF for the ever-durable love team of Vi and Boyet with When I Met You In Tokyo.
