PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Angelica Cervantes, aminadong nakaranas ng pambabastos

Angelica Cervantes, hindi lang paghuhubad ang kayang gawin.
by PEP Troika
Published Mar 15, 2026
angelica cervantes
VMX star Angelica Cervantes on being more than a sexy star: “Para sa mga tao na dyine-generalize and ini-stereotype ang mga VMX stars ahhhmm… hindi porke’t naghuhubad, hubad lang ang kaya. Ayan, sina Mercedes Cabral, grabe, ang gagaling umarte. Pero hindi niyo na mapapansin na dati silang naghubad dahil sobrang galing nilang umarte ngayon, di ba?
PHOTO/S: Jerry Olea / VMX Philippines

JERRY OLEA

Nakaranas si Angelica Cervantes ng pambabastos sa paglabas niya sa streaming platform na VMX (dating Vivamax).

“Pinoprotektahan naman po ako ng management,” pagtatapat ni Angelica sa mediacon ng pelikulang All About Her noong Marso 12, 2026, Huwebes, sa Quezon City Sports Club, E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

“Moreso, meron naman po akong restrictions and such, and if may nangyari po, siyempre isusumbong ko agad.

“Kung kaya namang iwasan, ganyan-ganyan, pababayaan na lang. Pero pag nangyari na yung isang bagay na alam mo kung paano iwasan, as much as possible, mas nadadagdagan yung restrictions ko, namin, ewan ko lang po sa iba…

“Parang as much as possible, if kaya mong pigilan yung isang bagay na alam mong kaya mo namang gawin, parang you’ll do anything for it not to happen again.

“Hindi porke’t VMX, may karapatan na yung co-actors or ibang tao in public na, ‘Ahh VMX naman ito, dapat bastusin ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po ganun. We are also actors and we’re just working. Hindi porke ganun ang pinasok naming industry, puwede nyo na kaming bastusin nang ganun-ganun na lang.

“So as much as possible po, like sa mga ganitong interviews, nagbo-voice out po ako. Kasi, magkaiba po yung work sa personal life.

“Magkaiba po yung movie sa ipinapakita namin ngayon.”

Read: Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang

ANGELICA CERVANTES' VMX MOVIES

Kabilang sa VMX projects ni Angelica ang Silab (2021), Eva (2021), Wag Mong Agawin Ang Akin (2022), Biyak (2022), An Affair To Forget (2022), Kaliwaan (2022), Home Service (2023), Haslers (2023), Kaskasero (2024), at Obsesyon (2025).

Ang pelikulang All About Her ay sumasalamin sa mga kaganapan sa mundo ng beauty pageant.

Bida rito sina Yuki Sonoda, Kelley Day, at Tony Labrusca, kasama sina Angelica Cervantes, Pancho Magno, Jim Pebanco, Itan Rosales, at Marco Gomez, sa direksyon ni Joel Lamangan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa ito sa anim na full-length films sa 8th Sinag Maynila filmfest na gaganapin sa Marso 23-29, 2026. Ang gala premiere ng All About Her ay sa Marso 23, Lunes ng 5:00 P.M. sa Gateway Cinema 17, Cubao, Quezon City.

NOEL FERRER

Dahil sa pagvi-VMX ni Angelica Cervantes, naging iba raw ang impression sa kanya ng mga tao.

“Hindi lang po sa akin. Sa mga VMX stars in general po,” hinaing ni Angelica.

“Marami naman pong naging issues. Kunwari, may mga sumikat na VMX stars na tumawid sa mainstream. Yan, katulad po nina Robb Guinto, Angeli Khang.

“Parang every time, kunwari may sabihin pong post na ganito, ganyan. ‘Ayan, hala!’ May mga comments yan for sure.

“Na kahit ako po mismo, nakikita ko na parang ang sinasabi din na, ‘Uy! Di ba, ikaw yung nasa ano?’ Why are you even stating the obvious?

“Bakit yung mga ibang sexy stars dati, like yung mga kapanahunan pa ng nanay ko na artista ngayon, magagaling naman. Nakatawid naman sila nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bakit? Ano ang ipinagkaiba ng mga sexy stars dati sa ngayon? So, parang ang napapansin ko lang po, parang iyung mindset po talaga ng tao nagkakatalo.

“Hindi ko lang po maintindihan. Bakit big deal? Bakit sa ibang bansa, OK lang? Bakit kapag sa atin…?

“Tapos yung mga nagsasabi pa po ng ganun, sila po mismo ang palihim na nanonood.”

ANGELICA ON ALLEGED FLESH TRADE IN SHOWBIZ

Aware ba siya na may mga artista, lalaki man o babae — bago pa nauso ang VMX — na walker, pa-booking, o ibinebenta ang katawan? Ginagamit na stepping stone ang pag-aartista para tumaas ang presyo sa flesh trade…

“May mga narinig po ako pero I can’t speak for them,” sabi ni Angelica.

“Kasi, hindi ko naman po alam, magkakaiba naman po tayo ng mga sabihin nating teknik, although may narinig po akong ganyan.

“Pero sa lawak po ng mundo natin, sa lawak ng industries, hindi po natin alam ang mga kayang gawin ng mga tao para maabot iyung dreams nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magle-lay low na raw si Angelica sa VMX. Inaasam niyang makatawid na sa mainstream.

Nais din ni Angelica na matuloy ang kanyang singing career.

“Ano lang po siguro, process siya. Kumbaga lay low muna… wala nang hubad,” pakli ni Angelica.

Read: Netizens weigh in on It's Showtime player's Malacañang slip-up

GORGY RULA

Si Quinn Carrillo ang scriptwriter ng All About Her. Nag-VMX din si Quinn.

Sinipa raw niya ang isang aktor na abusado sa intimate scene.

“Siguro, nasanay siya na yung co-actors niya, hindi lumalaban. And then he was doing that to me. Sinipa ko siya! On set!” pagtatapat ni Quinn.

“Tapos sinabihan ko, ‘Huwag kang ganyan!’ Masuwerte siya, hindi ko siya isinumbong kay Direk that time.”

ANGELICA'S TRAUMATIC EXPERIENCE

May similar experience ba si Angelica Cervantes sa lalaking kaeksena sa VMX?

“Opo! Trauma ko dati. Simula nung nangyari yun, dun na po talaga ako nag-stand sa ground ko na eto yung restrictions ko. If hindi puwede, OK, hindi ko na po tatanggapin,” pagsisiwalat ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, pumalag din siya like Quinn?

“Hindi naman po siya totally palag. Sabihin na nating naiwas po,” sambit ni Angelica.

“Kasi, sinabi ko na yung restrictions ko and all. ‘Dito lang ako!’ Bawal na bawal akong magpahawak sa dibdib. Bawal yung sinasabi nilang hahalikan mo yung dibdib ko, ganun.”

Yung ibang babae, nagpapaubayang pahipuan o higit pa ang kanilang dibdib, hindi lang sa VMX kundi maging sa ibang streaming platforms na may mga erotic na palabas.

Natawa si Angelica: “Feel na feel, e. Breastfeed?! Tulad nga po ng sinabi ko, kanya-kanya po kami ng restrictions. Pero ako po kasi, ano na ang ititira ko sa sarili ko?

“Ano na ang ititira ko sa sabihin nating partner ko? Ano na ang ititira ko sa dignidad ko?

“Kung sabihin na nating movie, papanindigan natin na movie. Hindi mo naman kailangang ibigay lahat as long as naipakita mo na kung ano iyong dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag naibigay mo na yung message na gusto mong iparating, hindi mo na kailangang ipahawak lahat iyon.”

NO REGRETS

May regrets ba siya sa pagvi-VMX niya?

“Wala po. Kasi, if not for VMX, I wouldn’t be where I am now,” malumanay na tugon ni Angelica.

“So tulad po ng sinabi ko before, mga sexy stars, grabe, ang gagaling umarte!

“Para sa mga tao na dyine-generalize and ini-stereotype ang mga VMX stars ahhhmm… hindi porke’t naghuhubad, hubad lang ang kaya.

“Ayan, sina Mercedes Cabral, grabe, ang gagaling umarte. Pero hindi niyo na mapapansin na dati silang naghubad dahil sobrang galing nilang umarte ngayon, di ba?

“So, ayun po ang one of my goals na hindi naman totally mabura yung nagsabi ngang nag-VMX ako.

“Pero ang mas gusto ko pong mangyari is mas mangibabaw na, ‘Ahh, magaling itong artistang ito, e. Naghubad yan dati pero OK lang, magaling naman siya.’

“Parang ganun yung gusto kong marating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inspirasyon ni Angelica si Mercedes.

Memorable kay Angelica ang pagganap ni Mercedes sa Cinemalaya 2011 romantic-sex comedy film na Ligo Na U, Lapit Na Me.

Siyangapala, kasama si Mercedes sa cast ng Sinag Maynila 2026 full-length films na Ang Bangkay at Desperada.

Read: Ismarteng Aktor at Madiskarteng Aktres, sweet in public pero di talo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX star Angelica Cervantes on being more than a sexy star: “Para sa mga tao na dyine-generalize and ini-stereotype ang mga VMX stars ahhhmm… hindi porke’t naghuhubad, hubad lang ang kaya. Ayan, sina Mercedes Cabral, grabe, ang gagaling umarte. Pero hindi niyo na mapapansin na dati silang naghubad dahil sobrang galing nilang umarte ngayon, di ba?
PHOTO/S: Jerry Olea / VMX Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results