PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Whispers From Heaven prod team clarifies Bea Alonzo’s taping sked

Will Vincent fight for his love for Bea amid the challenges they are facing?
by PEP Troika
Published 2 days ago
bea alonzo taping
The production team of Whispers From Heaven clarifies that Bea Alonzo informed them ahead of time about dates she would miss for an out-of-country trip, amid ongoing speculation surrounding her planned wedding to Vincent Co.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nag-react ang kampo ni Bea Alonzo sa inilabas ng PEP Troika tungkol sa stop taping ng upcoming drama series niya sa GMA-7, ang Whispers From Heaven.

In-assume ng ilang nakausap namin na baka itong recent na nangyari sa balak na pagpapakasal nina Bea at Vincent Co ang dahilan.

Mainit na pinag-usapan ito, at ilan sa mga napagtanungan namin ay may ambag base sa mga narinig nila.

Ipinarating ng ilang sources namin sa PEP Troika na nag-stop taping, at sinabing baka itong pinagdadaanan ngayon nina Bea at Vincent ang dahilan.

Noong una, wala pa kaming nakausap sa produksiyon kaya hindi ito agad malinaw sa amin.

Kinontra ng kampo ni Bea ang inulat ng PEP Troika kaya pinalinaw na namin ulit ito sa mismong in-charge sa production.

BEA ALONZO GAVE ADVANCED NOTICE

Ayon sa nakausap naming namumuno sa Kapuso drama, tuloy pa rin ang taping ng Whispers From Heaven.

Nag-taping pa raw sila ngayong linggo, pero hindi nga lang kasali si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niyang paglilinaw sa amin, nang inilatag daw ang schedule ng taping ni Bea sa Whispers From Heaven, nagpasabi na raw ang handler ng Kapuso actress na hindi siya makakapag-taping ng mga ganitong araw.

Ang sabi raw, nasa out of the country siya, kaya may mga araw na hindi siya makakapag-taping.

Hindi naman daw nila inalam kung anong gagawin ni Bea out of the country. Maaaring ito na ang pinag-uusapang kasal sa Spain.

Hindi isyu kung nagte-taping ba si Bea sa Whispers From Heaven o hindi. Wala naman daw problema si Bea sa production ng drama series na ito.

Ang malaking katanungan ngayon ay kung tuloy ba ang kasal o hindi.

Ang dami nang mga kuwentong naglalabasan, at wala pang pahayag si Bea o kahit ang kampo ng engaged couple.

Read: Bea Alonzo-Vincent Co wedding faces delays amid prenup, family issues

JERRY OLEA

Curious kami kung ano raw itong ipinadagdag sa prenup agreement kaya hindi ito pinirmahan ni Bea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakapanghinayang daw ang relasyon ng dalawa, dahil nakikita ng mga taong malapit sa kanila na masaya sila at mahal nila ang isa’t isa.

Dahil sa problemang ito, sobrang lungkot daw ng dalawa dahil gusto naman sana nilang maganda at positibo ang pagsisimula ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

Ipaglalaban kaya ni Vincent ang pagmamahal niya kay Bea sa gitna ng mga balakid na hinaharap nila?

NOEL FERRER

Marami nang naglabasang balita at mga opinyon sa naging desisyon ng Classmate Bea ko.

Ang concern ko lang talaga ay, sana, at peace siya sa kanyang desisyon dahil ang look out ng mga kaibigan niya ay talima siya sa kanyang pinili sa buhay.

At kung saan siya maligaya, suportado namin siya!!!

Go, go, Classmate Bea!!!

Read: WHAT PEP KNOWS. Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The production team of Whispers From Heaven clarifies that Bea Alonzo informed them ahead of time about dates she would miss for an out-of-country trip, amid ongoing speculation surrounding her planned wedding to Vincent Co.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results