ASK KATHRYN BERNARDO
CIRCA 2018
What is the nicest thing that someone—who is not DJ—has done for you?
Nicest thing? Madaming nicest thing ata. Ang hirap pumili ng isa, wait lang. Ano’ng ’sinagot ni DJ diyan? I don’t know talaga. A, sa fan, may graduation picture siya, ’ta’s hinawakan niya ’yong frame ng picture ko, kasi daw ako ’yong naging inspiration niya para matapos ’yong school niya. Tinag lang ako sa Twitter, e.
Name your least favorite household chore.
Cleaning the bathroom, maybe. No, I don’t do it. Haha!
Kailangan ’yong ginagawa ko? Baka washing the dishes na lang. I don’t like it. Kailangan pa, wide ’yong plato, kasi ayoko ’yong kunwari may rice ’yong plate, ’tapos may mga ulam na halo-halo. Ayoko mix-mix ’yong iba’t ibang ulam, kahit pa plate. Di ba, ’yong iba, ’yong plate na ginamit mo for the meal, ’yon din ’yong gagamitin mo for dessert? ’Yong gano’n, ayoko ’yon. Kung may sabaw, ’yon muna.
If you could donate a million pesos to a cause, what would it be?
Maybe animal cause. Kasi ’yon ’yong hindi pa nasisimulan, parang least priority ng mga tao because they’re animals. But then, if I have one million pesos, maybe I’ll start with a good animal shelter or anything related to dogs or even horses.
How many dogs do you have?
Now I have Cloud, Tala, Pablo, Summer, Storm, Snow. Six. Six sa house. Hirap. Tatlo ’yong sa loob, tatlo ’yong sa labas.
What’s one cool skill you wish you have?
I wish I can play a guitar. That’s my biggest frustration. Nag-lessons po ako, ukulele, pero hindi talaga para sa akin. So na-feel ko na ang cool kapag nagja-jamming ka with friends, you know how to sing, ganyan. I wish I could play the guitar. Hindi lang siya para sa akin, ’yong music. Haha!
What is your favorite meal?
Of the day? Breakfast, like tapsilog. Kahit every day ko kainin tapsilog, okey po sa akin. I love breakfast food, kahit ’yong longganisa and garlic rice, or chicken tocino with garlic rice and egg, ’yon. I love tapsilog.
So you’re a morning person?
No. Pero gusto ko ng morning food. Pero hindi ako morning person. Haha! Kahit near midnight, I’ll go for tapsilog.
If you could live anywhere for a year, where would you choose to live?
Maybe Japan or New Zealand. Parang pag Japan, doon kasi ang napuntahan ko. New Zealand, I haven’t been there pa, pero gusto ko ’yong parang country life, farm lang, parang back to basic. I wanna try that. Pag Japan kasi, gusto ko ’yong culture, gusto ko ’yong tao, so feeling ko, kaya kong mag-stay do’n as long as I want.
Describe your perfect day.
Perfect day, gising ako ng mga eleven a.m., ’yan. Then I’ll have a good lunch to start the day, and then makapag-workout ako. And then, after workout, maybe labas ako with friends, magmo-mall. Mababaw lang ako. Or impromptu getaway with friends, ’yong mas gano’n. Basta spontaneous.
How often do you work out?
Ngayon lang ulit ako. Kaya masakit katawan ko, kakabalik ko lang kasi. Matagal nag-stop. I just have to do it mga twice a week, maybe. Hindi naman every day, kasi kailangan din mag-recover muscles mo. So hindi rin nire-require every day. Mga one hour, pero paspasan ’yon, as in mamamatay na ako kahapon. Gano’ng level, pero ’yon, enjoy.
I have a personal trainer, so may program na arranged for me.
What is the one thing that you always wanted as a kid but never got?
Maybe ’yong car na ikaw ’yong magko-control, parang magda-drive ka. ’Yong car pambata. No’ng bata ako, super gusto ko ’yon, pero bike ang binili para sa akin. So ’yon ’yong naisip kong gusto kong toy, iba naman. Basta mabait ako, bibigyan naman ako. Haha! Kailangan lang gamitan ng charm. Haha! Pag good mood, ’tapos pag mabait ka, then you get whatever you want.
What is the one thing that you refuse to share with anyone?
My house. Haha! Ilang beses nang gusto i-feature, pero ayaw ko talaga. Parang gusto ko, itira na ’yon sa akin, for my privacy.
Hindi naman sa hindi ko gusto i-share, pero ayaw ko lang na makita siya ng lahat. Pero gusto ko, may mga bisita, ganyan. Gusto ko, ganyan. Gusto ko lang na hindi siya lahat mae-expose, lahat ng kanto sa bahay.
For what would you like to devote more time?
If I have more time, my family. Kasi, pag sa bahay, minsan di kami nagkikita-kita, lalo no’ng nag-start ’yong KathNails, ’tapos ako may La Luna Sangre. So maybe now I have more time, especially for my niece. I want to devote more time for her, lalo lumalaki siya. Alam mo ’yon, gusto ko ’yong mag-make ng more memories sa kanya.
Sana nga madagdagan ang mga pamangkin. Gusto ko nga, e. Si Ate pa lang. Pine-pressure namin siya, pero ayaw niya pa, so wala nang iba. Aso na lang. Haha!
If you could bring someone famous back from the grave, who would you bring back?
Baka Michael Jackson. Kasi, for sure, madaming matutuwa pag bumalik siya. And hindi ko pa siya napapanood sa concert na live. So maybe puwede ko siya ibalik kahit for a day, to perform for all his fans.
How do you like to relax?
Relax away from the city, with fresh air, na gusto ko, naririnig ’yong sound ng dagat. Beach, di matao, and ’yong walang plan. Kasi buong buhay namin planado. So for me, ’yong very relaxing vacation ’yong kung kailan ko lang gusto gumising, kung sa’n ko gusto pumunta ng day na ’yon, ’yong wala akong fina-follow na timeline—’yon ang relax sa akin. Kasi, pag sa taping, parang kahit relax ka, parang ready ka every time tawagin ka, so parati kang on the go. So pag vacation, parang gusto ko ’yong very slow-paced.
What was your favorite childhood game?
Ice-Ice Water, I love that. Parati ko ’yon nilalaro sa school bago ako sunduin, pawis na pawis ka na. ’Tsaka Putubong 1-2-3, ’yong mag-e-extend kayo. Parang kailangan mong i-risk lahat ng nakuha sa ’yo.
If fat, calories, and cholesterol were not an issue, what two food types would you feast on?
Oh my God! I wish, ayan, Potato Corner. French fries. I wish di siya nakakataba, puwede ko siya kainin any time of the day, every day, barbecue or sour cream flavor. Next, rice. I wish hindi nakakataba ang rice, kasi super mahilig ako mag-rice. Lalo ngayon, kailangan kong i-control sarili ko. Pero ’yong white Japanese rice, I love rice. Rice is life. Kung puwede lang di siya nakaka-gain, ’yon ang wish ko.
What is your favorite line or scene from any movie?
“Love is like a wind: you can’t see it, but you can feel it.” A Walk to Remember. ’Yon lang naisip ko.
Madaming maganda, e, pero ’yon lang naisip ko now.
Isip ako sa The Notebook. Ano ba’ng sikat na line sa The Notebook?
What profession have you always admired?
Baka doctors. Kasi ’yong mga ate ko, lahat sila may background sa medicine. ’Yong isa dentistry, ’yong isa nurse, ’ta’s nakikita ko kung gaano kadami ’yong kailangang basahin. Ilang taon ka mag-aaral. Kung magma-masters ka, another ilang years ’yan. Sabi ko, parang never akong maggagano’n, di ko kaya, ang daming ginagawa, stressful.
So nakita ko ’yong struggle nila. Kaya lalo ’yong mga professional doctors na nakikita mo, ’yong iba volunteers, so parang ang galing na nagawa nila ’yon. And I really admire doctors, they save lives. Bawal magkamali. Pag nagkamali ka, patay. So hirap. Ang hirap naka-risk sa ’yo ’yong buhay ng ibang tao.
If you could have any animal as a tamed pet, what animal would it be?
Elephant, of course. Sabi ko, kung puwede lang ako mag-keep ng elephant, ginawa ko na. And horse. Sabi ko kay DJ, bumili siya ng farm para may paglalagyan ako ng baby elephant and horse.
What historical event would you like to know the truth about?
’Yong pagbaril kay Ninoy Aquino maybe. I wanna know the truth.
What is the best and the worst thing about being a female?
The best thing? Feeling ko, ang dami. Puwede kang mag-play-around with different looks. Kasi, pag male, ang konti lang, e. With your hair, sa damit mo, masaya maging girl.
Masaya maging maarte. The worst—feeling ko parati, hindi fair kapag sinabi mong ‘Okey lang, lalaki naman ’yan.’ Pag babae, nakita mo, pag kunwari may ginawa, parang mali agad. Or kapag may kumalat na ganyan, parang girl agad ’yong naapektuhan. Or nagkaka-period every month, ’yan, mahirap ’yan.
What is your favorite childhood memory?
I think ’yong hindi pa ’ko artista, nagsa-start-start pa lang ako ng VTR, sa Cabanatuan pa kami. Uwian pa kami from Manila, ’ta’s Cabanatuan. Three hours ang travel.
Gigisingin na lang ako ni Papa kapag nasa bahay na, buhatin niya ako, lipat na ako sa room.
’Ta’s turuan niya akong mag-bike, or magsi-swimming-lessons ako. ’Ta’s after school, magtu-tutor ako. ’Yong parang simple lang lahat. Matutulog sa hapon. Paggising mo, tutor. ’Tapos, puwede mo na gawin gusto mo.
How often do you go to Cabanatuan?
Si Papa na po ’yong pumupunta. Last ko, parang three or four years na, matagal na.
Besides being an actor, what is your dream job?
I want to be the assistant of the stylist. Kasi pag stylist, nakaka-pressure, e. Pag assistant ka, doon ka lang. I want to be a makeup artist, too, and a photographer. Lahat ng behind the camera. Kasi kami, sa harap ngayon. Gusto ko, ako ’yong mag-makeup or ako ’yong parang Mark Nicdao [photographer] na babae.
Do you collect anything?
Now I collect Band-Aids. Weird, ’no? Super dami ko Band-Aids sa bahay. ’Yong may designs. ’Yong iba, binibili ko pag out of the country, lalo pag sa States. ’Yong iba, alam nila na gusto ko ’yon, so bibigyan nila ako, hanggang sa dumami na nang dumami.
Ginagamit ko din. Minsan nga, pag may kailangan, wala akong dala. Gusto ko lang silang tinitignan. Nakukyutan lang ako sa Band-Aids. ’Yong mga may cartoons or printed.
What’s one subject you can talk about for hours?
Oh no. Snacks? Joke lang! Ano’ng sagot ni DJ? May sinagot siya diyan? Baka ano na lang, history. Ay, hindi ako magaling sa history. Baka PE [physical education] na lang, para puro activity na lang. Exercise na lang. Haha!
What one trait do you have that makes you feel good about yourself now?
Feeling ko, madali akong maka-adjust sa mga kasama ko, I think. Kung isama mo ako sa ganyan, kaya ko. Kasama ako sa mga beki, kaya ko makisabay. Sa mga girls, kaya kong gano’n. Feeling ko, nakaka-adapt ako kung kinakailangan. And feeling ko, ang one trait ko as a friend, feeling ko ako ’yong klase na masasabihan mo ng secrets mo or anything. Feeling ko. Malay mo, feeling ko lang.
What unusual item do you own?
Baka ’yon na ’yong Band-Aids.
What, if anything, do you consider yourself obsessed with?
Elephants. May weird obsession ako sa elephants. Kung pupunta ako sa Thailand, para makapaligo ng elepante, makakita, maka-hug, gusto ko siya talaga. Di ko alam kung bakit ’yon. And also dogs naman.
What is the highest-pressure situation you’ve ever been in and how did you handle it?
Baka ’yong nag-cliff-dive na ’ko, forty feet, no’ng nasa Cebu. ’Yong feeling na eto ’yong platform, ’ta’s kailangan mong mag-walk sa manipis na kahoy na ’yon hanggang sa makarating ka do’n, ’ta’s kailangan mong tumalon mag-isa na walang sasalo sa ’yo. Baka ’yon. Walang life vest, kailangan mong mag-cliff-jump. Di ko na uulitin, pero ’yon.
Sa plane, siyempre mas mataas ’yon, pero di mo nafi-feel kasi marami kayo. Pero ’yong cliff jump kasi, mag-isa ka lang. Isa ’yon sa pinaka-nakakatakot na experience ko ata na ginawa ko sa buong buhay ko. Kasi hindi ako comfortable sa water, di ako marunong lumutang sa water. Tumalon ako na hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa ’kin. Haha!
For Can’t Help Falling in Love. Kailangan sa scene. Parang lahat nando’n na, so talon ka na lang, bahala na. Nabuhay naman. Haha!
What do you think you have done to make the world a better place?
Wow. Being an actress, being Kathryn Bernardo. I think nakatulong naman ako kahit papa’no by inspiring the kids, ’yong mga teenagers, alam mo ’yon? The good thing about us being artista, mas maraming mata-touch na buhay. Feeling ko, nagamit ko naman siya in a good way.
What was the best and worst purchase you have ever made?
Best, baka ’yong lot namin ngayon na papagawan ng house. Si Mama actually ’yon, pero feeling ko, ’yon ’yong best and pinaka-practical na nabili namin, kasi good investment siya, lalo ngayon na nag-a-upgrade na.
Worst, bumili ako ng shoes na colorful. Bumili ako ng Louis Vuitton shoes na hindi classic, colorful, na once ko lang nasuot. Na parang every time makita ko ’yon, sana hindi ko binili.
I forgot na magkano, e. Basta no’ng nasa Rome pa kami. ’Tapos, every time na makikita ko ’yon, tanggap ko na, benta ko na. Kahit binenta ngayon, walang bumibili. Haha! Kasi sobra niyang trendy, hindi ko alam kung bakit ko ’yon binili. Kaya always go with the classics.
What food do you absolutely hate? And why?
Atsara. Ayaw ko pag nahalo siya sa tapa ko. ’Yong maasim? Minsan nilalagay, pero inaalis ko. Di ba, may juice sometimes ’yon na hinahalo sa kanin? So alisin ko talaga.
At saka ayaw ko ’yong mayonnaise. Hate ko ’yong amoy ng mayonnaise. Pag sa burger, no mayonnaise, cheese lang. Pag ’yong sa mga Japanese food, dapat walang mayonnaise. Sabihin ko pag seaweed, rice, ’tsaka ’yong mango. Or sashimi lang.
May trauma ako. Feeling ko, dahil no’ng bata ’ko, ’nilalagay ni Mama sa hair ko, pampalambot daw. So, simula no’n, lalo ko siyang na-hate, kasi feeling ko naaamoy ko, lalo ’yong orange. Ayoko talaga ng mayonnaise.
Who or what do you always make time for?
Myself. Haha! Parati ako may time sa sarili ko. Di, joke lang. Wala akong time sa sarili ko. Make time for my family and kay DJ.
Family, may time na gusto ko lang mag-stay sa house, parang kain kayo sabay-sabay, maglaro kayo ng kung ano-anong board games.
Pag kay DJ, sabi ko kay DJ, dapat may time kami na hindi sa trabaho. May time kami na hindi ’yong nagkikita tayo sa taping every day, ’yon na ’yon. Dapat may time tayo na parang magmo-mall, magmo-movie, o magluluto sa bahay, ’yong gano’n. Iba ’yon.
Who was your favorite cartoon character when you were a child?
Lilo & Stitch. Favorite ko si Stitch. Favorite ko ang Totally Spies, Kim Possible, mga gano’n, Pokemon. Powerpuff Girls, yes! Gusto ko si Bubbles.
What would others say you own too many of?
Sabi ni Mama, masyado na raw maraming damit, sapatos. Pero pag girl ka, never magiging enough. Wala kang masuot. ‘Sa dinami-dami, Kathryn.’ So parang ako, mag-o-online-shopping na lang ako. Para dadating ’yong package, ’ta’s ando’n na ’yon.
How do you dispose of your old clothes?
Plano namin ngayon, magpa-garage-sale para ma-dispose ’yong mga kailangang i-dispose. Pero ’yong mga shoes, parang never magiging enough, e, for girls. Parang parati kang kulang. Basta huwag naman too much. Well, it’s good to reward yourself once in a while.
’Yon nga, sabi namin, pag dito nagpagawa ng next house, gusto namin madaming storage. Kasi ngayon, ’yon ’yong problema—storage. So ’yon. Ngayon, simple lang naman sa bahay, parang isang straight lang, ’ta’s nando’n ’yong bags, shoes. Basta nakikita mo lahat. ’Ta’s alam ko kung saan ko ’nilagay. Dapat huwag galawin kung saan ko ’nilagay kasi maalala ko ’yon.
Pag sa shoes, parang naka-glass, ’ta’s may cover protection, pati sa bag. Pag sa cabinet, ’yon ’yong mahirap, halo-halo. Hindi naman color-coordinated, pero pag polo, polo. Pag shirt, shirt. Pajama, workout clothes. Pero magulo parati, kasi pag ako naghanap, hindi ako maingat sa pagkuha ng damit. Parang hatak lang. Haha! That’s not nice.
What was the weirdest thing that you used to do when you were a child?
No’ng bata ako, baliktad ako mag-nail-cutter. Kinorek lang ako. Kaya di ako magaling mag-nails. Hindi ako marunong mag-nail-cutter sa sarili ko. Hanggang ngayon, hindi pantay. Si DJ nagne-nail-cutter sa akin kung walang KathNails. Magaling siya.
What one personal item, excluding pets and family, would you most want to save if your house caught fire?
Baka money. Kasi siyempre, pag naano ka, kunin mo na lahat ng pera sa bahay para may tutuluyan kayo after. I’ll save my money. Kung na-save na ’yong aso, priority ko kasi siyempre pamilya, pati as much as ilang aso ’yong kaya kong buhatin. So ilalabas ko sila.
Ano’ng next? Kailangan ng titirhan. So kukuha ka ng pera para maka-rent kayo somewhere habang nasusunugan, di ba?
What compliment has really stuck in your memory?
Maybe ’yong maganda ’yong skin color ko. Before, I used to hate it, kasi parang insecure ako sa color ko. Pag bata ka, siyempre iba ’yong ano mo pag maganda, e—maputi, ganyan. Pero ngayon, growing up, every time they compliment my skin color, may parang, ‘Gusto namin ganyan din ’yong pagka-tan.’ Ako, ‘Awww.’ Parang na-learn ko siya paano i-accept, loving your own skin color.
What about you makes you unique?
Maybe I’m very unpredictable. Ayoko ’yong may format kung sa makeup ’yan, sa hair, sa outfit. Ayoko na pag may event, alam mo na agad ’yong susuotin ko. Gusto ko, iba-iba. Gusto ko gumawa ng own name na parang ‘Ah, very Kathryn.’ Ayokong ma-associate with other people, alam mo ’yon? ’Tapos, I think being me, minsan you’re very jolly, ’ta’s minsan mukhang mature ka pag ganyan. Gusto ko ’yong unpredictable.
What was the worst injury you’ve ever had and how did you get it?
Dalawa. First siguro, no’ng kinagat ako ng aso namin no’ng bata ako. Parang three or four years old ako no’n. ’Ta’s ’yong isa, nag-shoot ako for this brand, ’tapos may firecracker ako na hawak, parang lusis. So ginaganyan ko, e, biglang na-touch sa balloon, so sumabog siya. So nagpaltos ’yong buong kamay ko, para siyang nasunog.
’Buti, hindi ’yong sa face. Wala ’yong mark, ang galing. Parang may angel na prumotect sa ’kin, kasi na-record sa video, e, rolling, na parang eto na talaga siya [puts her hand over her face]. So parang prumotect sa face ko, kaya eto lang ’yong sunog.
Ilang months ’yon, ang pangit ng kamay ko, nangingitim, ’ta’s super kati, ’ta’s nag-blister. ’Yon ’yong na-remember ko na medyo matanda na ako, ’ta’s nakakadiri siya tingnan. So nasa out of the country kami no’n, bumibili ako ng bag, ’ta’s nagsa-sign ako [ng credit card receipt], ’ta’s parang tinitingan ako ng nagtitinda, ’yong kamay ko. Kasi parang kadiri, so ’yon.
Kaya kanina, di ba, may mga putok [from the party poppers]? Natatakot ako sa mga ganyan.
If you were to have a tattoo, what would the design be?
I want here [points to her foot]. Bawal kasi sa ibang parts, so dito, pag artista. So puwedeng i-cover, I want here. Kino-convince ko pa si Mama. Haha!
I want elephant, kasi elephant means family, as well. ’Tapos gusto ko ’yong elephant, cute lang, may elephant ka lang diyan. Or anything na related sa beach. It’s either palm tree or anything. Pero gusto ko ata, elephant dito.
Masakit daw here, may kilala ako. Pero I wish. Haha! Sabi ko nga kay Mama, matchy na lang kami para lang pumayag siya. Ayaw niya, e. Umuwi nga ako from Batangas, may fake tattoo. Sabi niya, ‘Ano ’yan?’ Sabi ko, ‘Fake.’ Haha! Kinaskas ko. ‘O, wala na.’
What is something that you have always wanted to do but have not done yet?
Skydiving. Ano pa ba di ko pa nagawa? Mag-New-Zealand, gusto ko mag-New-Zealand. ’Yon pa lang naman.
Would you take a trip to a foreign country alone or have you done that?
Not yet. Hopefully, I can do that. Ngayon, wala pa akong plans. Natatakot ako, e. Hindi pala, hindi ko gagawin. Baka with a friend, puwede. With my best friend. Hindi ko kayang mag-travel alone. Napapraning ako, baka maano ako.
Would you want to live forever? Why or why not?
Yes, I want, basta hindi lang ako. Kung ako lang mag-isa, huwag na. Imortal. Kung maging bampira, ’ta’s puwede akong kumagat ng ibang tao, go. Para sama-sama tayo dito.
Do you have any superstitious beliefs?
Yes, yes. ’Yong magpagpag bago umuwi sa bahay, naniniwala kami. ’Tsaka ’yong ‘Tabi-tabi po,’ pag sa mga location na may malalaking puno, pag kukuha ka ng maapakan mo or something. Wala namang mawawala.
If you could steal one thing and not be punished, what would it be?
Haha! Kasi kailangan two hundred million bago ako mag-asawa. Haha! ’Yon ang goal. Sige, watch na lang, a nice watch. Wala pa akong nice watch, e.
Do you believe in ghosts?
Yes. I’m happy, wala akong experience. Si DJ, nakaka-feel. Ako, wala, as in closed [iyong third eye ko]. Takot ako, duwag ako. Hindi ako nanonood ng horror movies.
Do you believe in predictions?
No. Pero puwede mo siya gamitin as guidance. Si Mama, nagpapahula, pero pag ’sinasama niya ako, ayoko parati. Kasi feeling ko, the more isipin mo, ’yon at ’yon ang mangyayari. Like last, last year, may prediction mabubuntis ako. So lahat, napapraning. Parang ‘Chill, guys.’ Di ba, parang ayaw kong ikaw ’yong nagse-set ng future ko?
If you’re to be painted by an artist, which artist would it be?
Do’n ka na sa nag-paint kay Mona Lisa, di ba? Todo na.
Have you ever googled yourself?
Yes. Kunwari, may isang ayaw maniwala sa age, so gino-google ko. So tama, born in 1996, according to Wikipedia. Maraming mali rin. Pag may picture ka—kunwari Kathryn Bernardo 2012—gusto mo lang makita ’yong itsura mo, curiosity. So na-try ko naman na of course i-google.
Is there anything you regret doing or not doing?
Not doing, maybe. Masyado akong closed no’ng high school ako, na I wish mas naging open ako, mas naging free-spirited ako, para mas na-enjoy ko. Sana naging makulit ako no’ng high school. Well, may kulit naman. Sana mas makulit, sana mas kinausap ko ’yong mga ganyan kong kaklase, alam mo ’yon. Sana nag-cutting ako. ’Yon ’yong di ko na-experience.
Nangopya ako, na-experience ko ’yon. ’Yong gusto ko lang, ’yong mas naging makulit. Sana nakipag-usap ako sa mas maraming tao no’ng high school ako. Kasi ’yon ’yong regular, e. Masyado akong mahiyain noon.
Meron pa pala. Sana natuto akong mag-volleyball no’ng high school ako. Badminton sport ko. Gusto ko matuto mag-volleyball. Ngayon, ang hirap na, kasi kailangan may team ka to play. So sana nag-varsity ako no’ng high school, ’yon lang.
If given an option, would you choose a holiday at the beach or in the mountains?
At the beach, holiday at the beach always. Okey din naman ’yong mountain, ayoko lang ng nagha-hike. Si DJ, gusto hike. Puwede nakasasakyan ka paakyat, ayoko ng hike, e. Gusto ko ’yong nasa taas na. Pero ayoko ’yong process na ilang oras. At least, pag beach, do’n ka na. Kung mainit, talon ka, ’ta’s ahon ka, gano’n.
Have you ever cheated in your exam?
Yes, of course. May kodigo, yes. Naging isyu nga ’yon, e. ’Yong kaklase ko, ’pinagkalat na nag-cheat ako. Parang, okey, totoo naman. Lahat tayo, nag-cheat, huwag tayo magmalinis. Nag-cheat tayong lahat. Haha! Magaling ako mangopya.
When was the first time you tasted alcohol?
No’ng nag-Batangas kami, no’ng last weekend. Wine, puro wine kami no’n.
Do you have a fetish?
Yes. Pag sa guys, gusto ko maganda ’yong hands, ayoko ’yong pudpod. Basta dapat, nice hands and clean nails pag sa guys. Si DJ, feet, e. Ako, hands. Pag guy, gusto ko ’yong mahaba ’yong fingers, ’ta’s malambot ’yong hands, ’yong pagkahawak mo. Maganda ’yong kay DJ, in fairness. Mostly kasi, di ba, pudpod? Parang ayoko.
If given a chance to meet three famous people on earth, who would these people be?
Ryan Gosling, Selena Gomez, and Behati Prinsloo.
[Ryan Gosling is an American actor. Selena Gomez is an American singer. Behati Prinsloo is a Namibian model.]
If you could change one bad quality of yours, what would it be?
Overthinker.
Have you ever wanted to travel back in time? If yes, in which era would you want to go?
Baka ’80s, para ma-experience ko ’yon. Kasi ’yong mga outfits ngayon, bumabalik lahat sa ’80s or ’90s. I want to experience ’yong ’80s, pati ’yong mga old school na lumalabas—kung paano ’yong mga disco nila, kung paano ’yong walang Internet masyado. ’Yon, old school.
If you were to have a superpower, what would it be?
Teleportation. Madami akong gusto puntahan. Parati problema traffic, so teleportation ’yong pinaka-convenient for me.
If God would grant you three wishes, what would you ask for?
Now, good health for me and my family.
Basta I want to be someone else na mare-remember ng mga tao. I want to be remembered in good ano, ha, ’yong hindi naman ’yong na-remember ka dahil ganyan ka. Gusto ko, parang maging icon, alam mo ’yon. Kahit ilang years na, nag-leave ka ng magandang mark sa industry.
Third wish, happiness. Wow, cliché pakinggan, pero happiness, of course. We always want that, true happiness, kahit ano’ng mangyari. You’re happy, contentment, ’yon.
How did you spend your first salary?
I bought a dog, a Shih Tzu. Wala na siya. Feeling ko, mataas suweldo ko no’n.
Inabonohan lang pala ni Mama. Kasi feeling ko, artista na ako, may pera na ’ko. Hindi pala.
If you were gay, who would your life partner be?
Siyempre, DJ na, choosy pa ba. Siya pa rin, babae or girl, DJ na.
Gusto ba niya?
Adjust siya. Haha!
Do you love or hate roller coasters?
I hate it. Hindi ako fan ng theme parks. Sobrang lula. Pero gusto ko lang mag-picture. Umikot na lang tayo kaysa mag-theme-park. Ayoko ’yong nase-stress ako, kaya nag-aano kami ni DJ. Siya ’yong gusto niya do’n. Ako, mga isa, pagbibigyan kita. Dalawa, okey. Pangatlo, no, no more. Hiluhin kasi ako, nagsusuka ako. Pag sa sasakyan, mabilis akong mahilo, so ayoko ng gano’ng feeling.
At what age did you realize the fact that Santa Claus isn’t real?
Maaga. Sabihin na lang nating ten. Haha! Kasi nahuli ko sila na naglalagay ng ano. Kasi no’ng nasa CR ako, so alam ko na “Okay, fake.” Haha!
Do you have a nervous tick?
Baka more on legs. Parati kong sini-shake na parating pinapalo ni Mama, kasi pangit daw tingnan, pero parati ako no’n.
What is the greatest fan-girl moment that you can think of now?
No’ng na-meet ko si Taylor Swift no’ng concert niya, ’yong Red tour. Kasi sa basement, hinihintay namin ’yong sundo ko. ’Ta’s biglang do’n dumaan si Taylor. ’Ta’s nagpa-picture kami. ’Tapos, bumaba siya sa car niya para mag-picture sa amin, so super nag-fan-girl ako no’n.
Where do you see yourself in 10 years?
Baka hindi na ako sa showbiz no’n. Baka host-host na lang, hindi na artista. Baka para ka na lang mga mamshies. Haha! Magandang Buhay, mas family-oriented by then.
Yes, may anak na ako no’ng time na ’yon. Baka tatlo na no’ng time or dalawa. Ayoko late magka-baby, ayoko ’yong late lang. Gusto ko i-enjoy siya. Pag naman nagpakasal ka, hindi naman ibig sabihin nando’n ka na, e. Puwede mo pa rin gawin lahat ng gusto mo, pero ngayon with partner.
Do you follow your horoscope?
I read it, accurate siya. Aries.
What’s the one thing that you still have from your childhood?
Baka ’yong mga Bratz ko, ngayon kay Lhexine na. May collection ako ng Bratz, hindi ko ino-open, e, pang-display lang. So ngayon, kay Lhexine na lahat ’yon.
[Bratz is a line of fashion dolls. Lhexine is Kathryn’s niece, the daughter of Kathryn’s sister Chrysler.]
What’s the one thing that you need to have in your fridge at any given time?
Chocolates. Kasi, every meal, kailangan ko parati ng matamis na kinakain. Parang hindi mag-e-end ’yong meal ko kung walang matamis. So kung ice cream ’yon, kung chocolate, para ’tapos na.
How many pillows do you sleep with?
Four, sa all sides. One, two, three, back, four.
What position do you always sleep in?
Side. Naka-side, ’ta’s naka-hug sa pillow. Pa-side ako every time. Pag nagigising ako, nasa back, pero usually, side nagsisimula.
Do you still have time to buy your own clothes?
Ngayon meron na, kasi ’tapos na ’yong Sangre. So makaka-mall na ako. Pag hindi ako nakaka-mall, online lahat. Darating na lang sa house. Iba ’yong size sometimes, so kailangan mong ipa-exchange. ’Yon ang exciting feeling kapag online, di mo alam kung maganda or hindi, so surprise na lang. Minsan, maganda sa picture. Pagdating sa ’yo, iba pala.
Who is your fashion icon?
I like Kendall Jenner, Olivia Palermo, and ngayon si Camilla Cabello, gusto ko siya.
[Kendall Jenner, an American model and TV star, is the half-sister of the Kardashians. Olivia Palermo is a fashion entrepreneur. Camilla Cabello is a Cuban-American singer, best known for the pop song “Havana.”]
Are you a good judge of character?
Yes, nafi-feel ko. Usually, tama ’yong kutob ko.
If you were to give advice to your parents, what would you tell them?
Chill, Mama, chill. Trust me, Mama, chill. Parang kailangan niyang ma-accept na okey lang magkamali ka para matuto ako on my own. Natatakot kasi siyang magkamali ako. Well, di naman ’yong mabuntis ka o ano. Let’s say ’yong sa simple things, okey lang na mapalpak ka, para I can learn from them.
What would you say is the best decision that you ever made in your life?
Hindi ko alam. Ano ba’ng best decision na nagawa ko? Maybe to be myself. Para kung anuman mangyari, alam nila tao lang din ikaw, nagkakamali. So ang hirap maging iba sa hindi ikaw.
Do you have any guilty pleasures?
Pag nagpapa-nails ako.
Are you good at telling funny jokes?
No. Alam mo, mabilis akong mapatawa, pero hindi ako magaling magpatawa. Hindi ko kayang makipagsabayan kila Vice Ganda, sa iba. Parang boring ako sa gano’n. Pero maasahan mong suportahan kita, tatawanan kita. Pero hindi ako ’yong nagme-make ng jokes.
What phobias have you overcome in your life?
Takot pa rin ata ako sa mga phobia ko no’ng bata ako, like sa tuko, palaka, sa mga fear of holes, fear of ’yong sa mata ng isda. Ayaw ko ’yon, e, lalo pag ’yong may sabaw, ’yong puti. Pag dilis, puwede. Pero minsan, inaalis ko pa rin, e, kahit dilis.
If you could raid someone’s closet, whose closet would it be?
Closet ni Kendall Jenner na.
Which fairy-tale character can you most associate yourself with?
Wala, e. Hindi ako ma-Disney-Princess talaga. Weird.
What’s the craziest thing you have ever done for someone?
Wala masyado. Sila ’yong gumawa sa akin, hindi ako. Kaya no, wala sa akin.
If you could only retain one of the five senses, which are you not willing to give up?
Eyes. Takot ako mabulag. Ayoko ’yong feeling na wala akong nakikita. So, sense of sight.
What’s the worst thing that was said about you on the Internet?
Madami. ’Wag natin sabihin ’yon. Bad vibes.
How do you deal with it?
Try to ignore it. Sometimes you can’t ignore it, but try to ignore it.
Do you like your own name?
It’s okay. Haha! Yeah, oo naman. Name mo ’yan. Madami na nga ngayon na Kathryn, e. Gusto kong name kasi, panlalaki. Gusto ko, Sam, mga ganyan.
If you could ask your future self a question, what would you ask her?
How would I look like when I grow up?
If you could give advice to your younger self, what advice would you give her?
Enjoy. Parang be crazy, be naughty, para wala kang regrets, para maging free-spirited na bata.
Ang aga ko kasi naging responsible. Parang gusto ko maging magulo no’ng bata. Kasi noon, may taping ka na, gising ka na, maaga ka. Alam mo na, may sense of responsibility ka na.
What is the best and worst part about being Kathryn Bernardo?
Maraming perks pag artista ka. Maraming nag-a-idolize sa ’yo, maraming nai-inspire sa ’yo, marami kang naapektuhan na buhay nang di ka gano’n ka-aware na gano’n pala ’yong effect mo sa kanila.
The worst part: all eyes on you, lahat ng gawin mo. Pati ayos mo, parang lahat makikita. Kung tama, good. Kung mali, kahit gano kaliit ’yan, makikita. Pag normal ka, walang pake sa ’yo kung ano gawin mo.
Madali ka madya-judge. Kung may hindi ka mabati—ang dami mo nang na-meet na tao, e, minsan nakakalimutan mo kahit ilang beses mo na nakita—so madya-judge ka na agad nila. Sasabihin, nagbago ka na or snob.
At saka ’yong worst part, ’yong wala ka nang time masyado sa sarili mo. Hindi mo hawak ang oras mo, kasi most ng oras mo, nasa trabaho. Nasa akin na rin kung paano ko ibalanse.
Masasanay ka, pero pang-tao ka lang din, e. May time na parang ayaw mo, mainit ulo mo sa araw na ’to, ayaw mong lumabas, pero kailangan. So may mga days, pero ’yong important siguro, ’yong at the end of the day, masaya ka sa ginagawa mo. So lahat mababawi pag nakita mo na ’yong mga tao na napasaya mo.
Published in PEP.ph June 2019
Adapted for PEP.ph by Jo-Ann Q. Maglipon
Originally published in YES! Magazone April 2018 Writer: Bam Abellon
Interviews: Bam Abellon & Jocelyn Valle
Editor In Chief: Jo-Ann Q. Maglipon
Executive Editor: Jose F. Lacaba