Q&A: Getting to know the real Daniel Padilla

"If you could change one bad quality of yours, what would it be?"
by YES!
Jun 24, 2019
Daniel Padilla reveals "partner" as one of the three things he cannot live without. What are the other two?
PHOTO/S: Mark Nicdao

ASK DANIEL PADILLA
CIRCA 2018

What is the nicest thing someone—who is not Kathryn—has done for you?

Marami naman. Mas ano ako sa mga simpleng bagay, e. ’Yong hindi masyadong obvious. Minsan sa akin, “Baka naman nagpapaano lang, nagpapalakas lang sa akin ’to.” Meron ’yong mga genuine talaga na alam nila. Kunwari nasa taping ako. Masaya na ako ma-offer lang ako ng upuan ng isang crew or staff. Malaking bagay na sa akin ’yon. May care lang sa ’yo. ’Yon lang naman sa akin.

Name your least favorite household chore.

Maglaba. Kasi hindi ako marunong. Nasubukan ko na, hindi lang talaga para sa akin. Hindi hiyang, e. Hindi ako hiyang doon sa method ng paglalaba. Nanay ko, magaling maglaba.

If you could donate a million pesos to a cause, what would it be?

Ako, gusto ’yong mga matatanda, e, mga nasa lansangan na matatanda. Papagawa ako ng magandang housing para sa kanila. Mga matatanda na iniwanan ng mga abnormal na anak. Maawain kasi ako. Ewan ko, naano ko sa ermat ko ’yon. ’Tsaka siguro, mga animals din, shelters for them. Marami na akong dogs, mga twenty plus na aso, pero ’yong mga malalaki, dinala namin sa farm, para makatakbo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What’s one cool skill you wish you had?

Mag-drawing ’tsaka mag-saxophone. Gusto ko mag-saxophone. Unang-una, siyempre sa tunog, classic, jazzy. Iba ’yong nabibigay ng saxophone. Maglalagay ka ng sax sa isang kanta, grabe ’yon. ’Tsaka sobrang iba ’yong feeling ng saxophone pag naririnig ko. Sana may chance pa. Itatanong ko muna kung late na ba akong matuto. Kung hindi pa late, magle-lessons muna ako.

What is your favorite meal?

Mahilig ako sa mga beef na may sabaw, pares, burger steak. Bata pa lang ako, paborito ko corned beef talaga. Actually, breakfast na mga pagkain. Hindi ako morning person, pero gising ako sa morning. Kaya nakakapag-breakfast ako. Haha.

If you could live anywhere for a year, where would you choose to live?

Japan ako titira. Seeking ako sa kung paano sila doon. Sobra silang responsible na sobrang hardworking na mga tao, pero at the same time hindi sila rude, sobrang appreciative sila. Marespeto sila sa kapwa nila. Work hard, party hard sila, e. Masyado silang mahilig magtrabaho. Wala namang masama doon. Astig sila, astig sila talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

What is the one thing that you had always wanted as a kid, but you never got?

Siguro ’yong cellphone. Alam mo ’yong N-Gage na phone? Uso ’yon no’ng grade school ako. Walang pambili, e. Never. Never na ’ko nabilhan. Talagang umabot ako sa point na napapanaginipan ko pa ’yong cellphone na ’yon.

Siyempre, bata ka no’n, e. Pero ’yon ang isang lesson ng buhay no’ng bata ako na natuto naman talaga ako na maging hindi inggitero, na maging masaya para sa iba. Kasi pag naging inggitero ka, wala, e, sasama lang ang ugali mo. So, no’ng bata ako, hindi ako talaga maraming laruan, mga ganyan. So, natuto akong mag-appreciate kung ano’ng meron ’yong kaibigan ko. E, ’pinapahiram din naman nila, e.

[N-Gage is a Nokia device that has the functions of a phone and a gaming system.]

What is one thing you refuse to share with anyone?

I refuse to share? Toothbrush ko siguro. Haha! Hindi, ano ba’ng hindi ko mabibigay? Parang lahat naman, puwede mong i-share.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For what would you like to devote more time?

More time siguro sa pamilya ko, kailangan ko ng more time. Siguro mas family pa lang. Sa family, more on family, kasi lagi akong wala, e. On the road ako lagi, parang bahay ko ’yong auto, e.

Ngayon, kakatapos lang no’ng La Luna Sangre. So eto, may free time ako kasama ang mga kapatid ko. Close din kaya kami pag nagkakahulihan ng ermat ko sa bahay. One time, nagko-Korean-food kami sa bahay. Si ermat din kasi, lagi na ring wala, di ba, every day sa taping? Kaya no’ng dumating siya, do’n siya na nagluto ng mga kore-Korean namin. Dumating ’yong mga utol kong babae na mga Korean fanatics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If you could bring someone famous back from the grave, who would you bring back??

Oh my God, ang hirap nito. Ang daming nawala... Nikola Tesla. Para matuloy niya ’yong free energy niya na dapat niyang ihahandog sa mga tao. And si Nikola Tesla kasi, may i-offer siya bago siya mamatay. May i-o-offer siya sa ating free energy na wala na tayong gagastusin, free-flowing, hindi kailangan ng kahit anong sunugan.

[Nikola Tesla was an inventor, engineer, physicist, and futurist. He died in 1943.]

How did you become interested in Nikola Tesla?

Siguro kasi, naging interesado ako sa kagaya ng ginagawa ni Elon Musk ngayon. Di ba, kita mo ’yong ginagawa niya? Imagine, magpapatayo siya ng rocket papunta sa ibang planet, ’tapos pabalik. So, nae-excite na ’ko sa puwede pang mangyari sa mundong ito. Interested ako sa past and modern technology na tungkol sa environment natin, sa pagbabago, sa progress ng mundo ng ibang bansa, ng mundo natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

[Elon Musk, a billionaire businessman, investor, and engineer, is the chief executive officer and lead designer of SpaceX, a private company in the aerospace industry.]

How do you like to relax?

Relax? Ako, dream kong magkaro’n ng beach house or rest house. Wala pa. Pinagtatrabahuhan pa. Meron na ’ko sana isang getaway place ko lang... Pagdating mo do’n, meron kang bilyaran, kasama mo ang buong pamilya mo or mga kaibigan mo. Isang place lang na tahimik na puwede ka ding mag-isa.

What was your favorite childhood game?

Langit-lupa at saka taguan siguro. Todo ’yong langit-lupa, e, kasi takbuhan, e. The best ’yong tagu-taguan o bang-sak. Bang-sak na lang, ’yong taguan na may halong habulan. Laro ko ’yon hanggang mga 14 years old ako.

[Bang-sak is a portmanteau of the words bang (the sound of a gun) and saksak (stab). In the game, the tayâ (the it player) holds the gun, while the others have a knife. The tayâ turns away from the players and counts to 10, allowing the players who have the knives to run and hide. Each time the tayâ sees a player with a knife, he shoots him/her. Any player with a knife can attack the tayâ to win the game.]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If fat, calories, and cholesterol are not an issue, what food types would you feast on?

Actually, hindi pa ’ko gano’ng ka-health-conscious. Ngayon lang, hindi ako kumakain na masyado ng baboy. Beef lang talaga ako at saka isda. Kumakain, pero ’yong baboy na liempo, hindi. Crispy pata, hindi. Kumakain ako ng bacon, pero ’yong talagang nasa harap ko ’yong malaking baboy, hindi. Ang hirap ng food trip, e. Ang sayang kumain. Pizza siguro. Pizza, pare—’yon, gusto ko no’n.

What is your favorite line or scene from any movie?

Movie line or scene? Siguro ’yong eksena sa Shutter Island ni Leonardo de Caprio na siya pala yong baliw all along. ’Yon, gusto ko ’yon. Favorite line? Siguro linya ni Al Pacino no’ng nasa sasakyan siya sa Scarface. Parang something like, “Before you get the girls, you gotta get the money.”

[Daniel is referring to this line from Al Pacino’s character in the 1983 film Scarface: “In this country, you gotta make the money first. Then when you get the money, you get the power. Then, when you get the power, then you get the women.”]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What profession have you always admired?

Ako siguro, ’yong mga nag-o-OFW. Mahirap ’yon. Sobra. Nirerespeto ko ’yong mga caregiver do’n. Lalo na ’yong mga babae, especially. Nakakalungkot kaya ’yon, lalo kung may mga anak sila dito na iniiwanan nila para lang makapagtrabaho. Imagine, ako nga mag-taping lang, hirap. I mean, nakakauwi na ako, naano pa ako, na-miss ko na ’yong pamilya, e. Sila, wala silang choice. Ang hirap. ’Yon ang pinaka-nirerespeto ko.

If you could have any animal as a tamed pet, what animal would it be?

Gusto ko ng wolf. Pero meron na akong parang mga wolf na aso sa bahay. Snow wolf na todo. Siguro, parang wolf na pagka-serious-black, black wolf. Parang ano lang, parang spirit animal ko lang din na kausap.

Siguro, nando’n ’yong pagiging leader no’ng isang pack. And pagiging lone wolf at the same time. May mga times kasi na may pagka-abnormal ako, gusto ko ako lang muna. Wala akong gustong kausapin. Kahit meron, hindi ko siya makakausap masyado. Alam mo naman tayo pag mga spirit animal. Pero gusto kong makita ’yong totoong spirit animal. Hindi ko lang alam kung sino’ng kakausapin, kung shaman ba, di ba? Masarap malaman ’yong gano’n, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What historical event would you like to know the truth about?

Siguro ’yong katotohan ng mundo. Gusto kong malaman. Unahin natin ang pyramid sa Egypt. Dream kong pumunta ngayon. Never akong nahilig mag-travel. Pero biglang na-realize ko, gusto kong mag-travel at puntahan ’yong Cairo. ’Tapos, gusto kong mag-Machu Picchu [Peru].

Meron ding isang temple sa India na talagang kinarve [carved] lang sa isang malaking bato, parang one hundred thousand years ago. Gusto kong puntahan ’yon. Kasi mystery din ’yon, how come merong gano’n. So, gusto kong pumunta do’n. Gusto kong makita. Excited ako lagi sa gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What is the best and worst thing about being male?

Wala naman akong masasabi. Parang wala namang puwedeng magsabi. Weird ’yong question.

What is the most important lesson you have learned in life so far?

Ano siguro, kung paano mo tinatanggap ang bawat araw na dumarating sa ’yo.

Kung paano mo ite-take, ’yong paano mo sisimulan. And I mean, it’s up to you kung paano mo gagawin ang gusto mo pang gawin. Kasalanan mo na lang ’yan kung pag-uwi mo masama ang loob mo o maganda ang araw mo. Lahat ’yan, sisimulan mo sa ang magagawa ko. Never akong nag-litter. And nakikita ’yan ng PA [personal assistant] ko. Kahit siya, alam niya na hindi namin ginagawa.

Kunwari nasa set ako, nasa taping ako. Grabe. Sasabihin ko, “Huwag n’yo naman gawing basura ’tong location.” Minsan kasi parang, “Ano ba kayo? Mahiya naman kayo. Nagtatapon kayo dito, di ba? Hindi n’yo ba maitapon nang maayos ’yan?” Parang darating kami do’n, pag-alis namin, sobrang dumi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

’Yon lang, alagaan lang natin ’tong mundo dahil, di ba, pinatira na nga tayo dito.

’Tsaka may nakita akong video ng Bali, Indonesia. Grabe. May nag-free-dive, grabe ang basura. Sobrang dami sa dagat. Nakakalungkot.

What was the worst and best purchase you have ever made?

Bahay ko ang best. Kasi dream ’yon ng nanay ko. Simula bata pa siya, bahay talaga. Kasi, kahit ano naman talagang mangyari, may bahay ka na. Sa ’yo ’yong puwesto na ’yon habang-buhay.

Worst siguro, kotse. Sa akin, ha. Hindi ko sinasabi sa lahat, ha. My worst, ha. Worst lagi ang kotse kasi lugi agad ako pag bumili ako ng kotse. Luging-lugi ako. Kahit alam ko ’yong totoong presyo niya, bibilhin ko pa rin. Kasi wala ka namang choice, e. Kahit magpadala ka pa sa kahit anong bansa, pagdating dito, gano’n pa rin ang babayaran mo. So, kotse talaga, sayang.

What food do you absolutely hate? And why?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ampalaya siguro. Ayoko ng ampalaya, ang pait. Hindi ko nga alam kung sino’ng nakaisip kainin ’yon, e. Siguro ’yong magandang luto, di ba? ’Yong hindi mapakla ’yong lasa.

Who was your favorite cartoon character when you were a child?

Favorite cartoon ko is Hey Arnold! Wala lang. Meron lang nostalgic feel. Kasi, bago ako pumasok sa school, madaling araw pa, Hey Arnold! na. Ang simula no’n, gabi din, e.

[Hey Arnold! is an American animated TV series that aired from 1996 to 2004. It’s about a young boy’s experiences in a big city.]

What would others say you own too many of?

Shoes. Marami. ’Yon, kino-collect ko sapatos. Baliw ako sa sapatos. Siguro, isang buong kuwarto. Bumibili ako. ’Yong iba, ’binibigay.

Madami akong sapatos, pero eto lang din gagamitin ko. [He points to the seemingly overused pair of Chuck Taylor that he is currently wearing.] Haha. Kailangan ko lang magkaro’n. Gano’n siguro pagka baliw ka lang sa sapatos. Lahat naman ng collector, gano’n, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Who or what do you always make time for?

Family. Siyempre si Kat. Kahit araw-araw kaming magkasama, sinasabi niya hindi daw gano’n. Iba daw ’yon, trabaho daw ’yon. So, may time talaga.

What was the weirdest thing that you used to do when you were a child?

Hindi ko masabi. Hindi naman ako weirdo. I mean, wala naman akong weirdong ginagawa.

What one personal item, excluding pets and family, would you most want to save if your house caught fire?

Siguro, mga gitara ko. Madadala ko lahat ’yon. Kahit ilan pa ’yon, madadala ko lahat ’yon.

What compliment really stuck in your memory?

Nakakasawa ang kapogian ko. Haha! Wala lang, parang may gano’n pala? May nakakasawang pogi. Pogi na rin naman ’yon, puwede na rin. Hindi ko alam, kamag-anak ko ata nagsabi.

What about you makes you unique?

Siguro, I stick to my game plan. Kung ano ang plano ko, gagawin ko. Kung ano’ng sinabi ko, gagawin ko ’yon. Hindi ako puwedeng mag-fail do’n sa sinabi ko. Kasi wala akong mukhang maihaharap sa ’yo. At saka meron akong vision. May vision akong kailangan kong gawin at kailangan mangyari—at mangyayari ’yon. Gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What was the worst injury you’ve ever had and how did you get it?

Siguro, eto [points to his lower lip]. No’ng nasa Princess and I pa ako nito. Nag-basketball. Butas ’to, at saka nasiko ako. Hindi naman masakit masyado. Worst lang ’yon sa lahat ng nangyari sa akin. Parang fourteen stitches. Seven sa loob, seven dito sa labas.

[The Princess and I teleserye, starring the KathNiel love team, along with Enrique Gil, aired on ABS-CBN from 2012 to 2013.]

If you were to have a tattoo, what would the design be?

Ang hirap ng tanong. Siguro, magpapa-tattoo ako ng isang astronaut, na bungo ’yong nasa loob. Bungo, kasi ako, addicted ako sa mga skulls, ganyan, lalo na ’yong mga Mexican skulls. Alam mo ’yong movie na Coco? Astig.

Siguro, nanay ko kasi, rakenrol no’ng lumalaki ako, no’ng bata ako. Tinitingnan ko siya, puro bungo yong damit din niya. Puro naka-T-shirt na nakabungo. Mahilig ako sa mga dark na mga bagay. Siguro kasi, sa’n ko ba nakuha? Siguro sa music ko rin nakuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

[The Coco movie that DJ is referring to is the 2017 American animated film, about a Mexican boy who is transported to the land of the dead.]

What is something you have always wanted to do but have not done yet?

Puwede na siguro ’yong ano ko, sa music, and all those travels na gusto kong puntahan, sa mountain, mag-hiking.

Would you take a trip to a foreign country alone or have you done that?

Yes. Siguro, sa Japan na lang akong mag-isa, kaya ko ’yon. Egypt mag-isa, hindi ako sigurado, masyadong malayo. Eto, four hours lang, kayang-kaya ko ’yan.

Pag mag-isa kasi akong iniwan sa isang lugar, hindi ako aalis sa kuwarto. Bababa ako, pero hindi ko alam. Hindi ako lalakad mag-isa. Hindi ako gano’n. Pag iniwan mo ’ko, enjoyin ko na ’yong sarili ko, nakikita ko lang ’yong view no’ng lugar. Nasa hotel lang ako nanonood ng TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Would you want to live forever? Why or why not?

Siguro, may moment din na mapapagod ka na rin. So, I think hindi. Siguro, hanggang malaman ko ang katotohanan. Hihintayin ko si God dumating. Siya lang ang puwedeng magsabi na “O, sige na, magpahinga ka na.”

Who would you want to play you in a movie about your life?

Siguro si Jordan, ’yong pinsan ko. Basta siya na lang, para sakto sa kanya ko makukuwento lahat ng kung ano ang pinaggagawa ko.

Do you have superstitious beliefs?

Huwag kang mag-nail-cutter ng gabi? Baka may maaksidente. Nagne-nail-cutter ako sa gabi, pero sinisigurado kong nasa bahay na lahat ng pamilya ko. Haha. Tatanungin ko, “Nasa’n sila Mama?” “A, nasa bahay.” “Akin na nail cutter.” Sundin mo na lang ’yong mga kasabihan ano, totoo ’yon.

Kung kailangan na talaga, kailangan mo na lang sabihin, “Sorry, nagpapaka-realistic lang din muna ako. Kailangan kong gupitin ang kuko ko ngayon, okey?” Iklaro mo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If you could steal one thing without being punished, what would it be?

Pupunta siguro ako sa Rome. Ano’ng puwede kong nakawin, isa lang? Sige, isa na lang. Pupunta na lang ako sa Rome, ’tapos pupunta ako sa cathedral do’n. ’Tapos meron do’ng underground na library ng Vatican. ’Tapos meron din yong hindi ’nilabas sa Bible, kukunin ko ’yon. Gusto ko ring makuha si Mona Lisa. Parang kukunin ko lang siya, ’tapos walang pipigil sa akin. Grabe yon, a, grabe si Mona Lisa. Nakita ko sa personal ’yon, may feeling talaga siyang ’binibigay sa ’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Are you into arts?

Well, gets ko lang sila. I mean, mahilig ako sa mga artists. Gusto kong alamin kung bakit, lalo na si Leonardo da Vinci, genius ’yon. Sobrang genius no’n. And na-obsess ako sa kanila, kung bakit nila ginagawa. Ano’ng pumasok sa isip nila para magawa ’yon?

[Leonardo da Vinci (1452–1519) was an Italian Renaissance painter and sculptor who was also an architect, engineer, and scientist. As a painter, he is best known for The Last Supper and Mona Lisa.]

Do you believe in ghosts?

Yes, naniniwala ako sa mga espiritu. Nakakaramdam ako. Ang espiritu naman kasi, respetuhin mo lang sila, nagse-stay lang talaga sila dito. Hindi naman, like, parang kailangan mong sabihan. Respect na lang, kasi galing pa sa ancestors mo, ’ando’n na ang kuwento na ’yan. I mean, napasa na lang din sa ’yo. Hindi naman sa naniniwala ako na may multo dito. Parang nirerespeto ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Do you believe in predictions?

Oo, meron talagang mga special na tao. Si Nostradamus nga, todo, e, di ba? Meron silang feelings, e. Meron silang nararamdaman. Lahat naman tayo, may déjà vu. So, yes.

[Nostradamus (1503-1566) was a “French physician and astrologer noted for his several volumes of cryptic prophecies in verse,” according to the American Heritage Dictionary.]

Do you love or hate roller coasters?

Hindi na. Medyo na-trauma ako no’ng nag-roller-coaster. Nag-ASAP [noontime variety show] kasi sa London. Etong sila Enrique [Gil], nagyaya do’n sa merong ano do’n, parang Enchanted Kingdom ang dating. So, pumunta kami. Grabe ang mga sinakyan kong roller coaster. Na-trauma ako sa feeling.

Ayoko na. Hindi naman ako nasuka. Ayoko na lang talaga ’yong lalo na pag nagtu-turbulence sa eroplano. Grabe, nagigising ka, ’tapos, uh, nalalaglag ’yong loob mo.

If you were to be painted by an artist, which artist would it be?

Leonardo da Vinci ako. Ang lupit no’n. Puwede na akong madeds no’n. ’Tapos, bibigyan nila ako ng importansiya pag namatay ako, e. Haha! ’Tapos, ’yong painting na lang ang naiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Have you ever googled yourself?

Siguro one time, no’ng bago ako. Parang lahat naman tayo, ginoogle ang sarili natin. Hindi naman for the sake, “Sikat na ako.” Gusto mong i-google kung lalabas ka sa Google. Siyempre, alam mo namang ignorante pa tayo dati sa Google. Oh my God, lahat ’andito. Lahat naman, natawa ako.

Is there anything you regret doing not doing?

I think kasi natuto na ’ko na parang lahat ng mga nangyayari, may rason kung bakit nangyayari. Sa mga na-experience ko, lalo na ’yong mga kagaguhang nangyari sa akin, alam ko kung bakit ’yon nangyari. Hindi ako in denial, ’no?

Alam ko, kaya ’tong mundong ito, itong universe natin, hindi talaga puwedeng nanggugulang ka, hindi puwede. May mangyayari at mangyayari sa ’yo, ulupong. Talagang karma, totoo. Either way, good or bad karma. Totoo ’yon. May gawin kang maganda, talagang galing sa puso. May mas mabuti pang babalik sa ’yo. Wala, wala akong regrets, kasi lahat meron talaga dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

If given an option, would you choose a holiday spent at the beach or in the mountains?

Ang hirap no’n. Ang saya sa mountain, pero ang sarap din sa beach. Iba kasi ’yong dagat, kinu-cure ka ng dagat. Di ba, kahit anong problema mo, pag nakaupo ka na, parang sinisipsip niya lahat ng ano.

Pero mountain, iba din. Nasa view ka lang na mataas ka. Anong panahon ’yan? Pag summer, puwede ako sa mountain din. Parang baliktad, sa beach ako sa mas malamig na panahon at oras. Mas gusto ko ’yong hangin no’ng dagat, e, na malamig.

Have you ever cheated in your exam?

Yes. Alam mo ang nakakatawa do’n, pinagsama-sama pa nila sa exam ’yong high school first year, second year. And then, nagpaturo ako do’n sa second year. E, di, mas madali ’yong buhay para sa akin. Malamang, kung first year kaklase ko, malamang wala rin akong makopya do’n. Ngayon eto, at least. Hindi, pero ewan ko, hindi ko masabing mali ’yon. Diskarte ko ’yon. Haha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

When was the first time you tasted alcohol?

Tasted? Bata pa ’ko no’n, pinagtitripan ako ng mga tito ko. Hindi naman ako nilalasing, ha. “Inumin mo, inumin mo.”

Kahit naman ako, naggagano’n ako: “Tikman mo ’to, Jordan.” Si Jordan was three yata or four. Pinapainom ko wine. Hindi, marunong ’yon. Alam niya. “Alak. Ek.” Gagano’n.

Do you ever think about going to the gym?

Ngayon, medyo naiisip ko na rin, kasi lumalaki na ako, e. So, baka hindi na maganda sa paningin ng iba. Baka masakit na sa mata ’yong katawan ko. Haha. Naiisip ko na rin baka, ‘Ang laki ng tiyan ni Daniel, a.’ Naiisip ko, naiisip ko lang.

If given a chance to meet three famous people on earth, who would these people be?

Paul McCartney, gusto ko siyang makilala. Gusto ko pang makilala, okey lang ’yon, Beatles na rin naman ’yon, si Ringo Starr, okey na ’yon. Paul McCartney na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At saka si Elon Musk, gusto ko siyang makilala. Gusto kong makinig lang sa kanya, ayoko siyang kausapin. Haha.

And, alam ko na, si David Letterman. Mahilig ako sa talk.

[David Letterman is an American comedian and TV host, best known for the late-night talk shows Late Night with David Letterman (1982-1993) and Late Show with David Letterman (1993-2015).]

If you could change one bad quality of yours, what would it be?

Dami, hindi ako makapili, e. Haha. Siguro, ’yong pagpupuyat. Nasasayangan kasi ako sa gabi, kaya hindi ako nakakatulog, e. Parang the whole day kasi, nagtatrabaho na lang ako. ’Tapos, pagdating ng gabi, tulog na lang ako. What’s the point kung matutulog lang ako’t magtatrabaho lang din? Hindi ba ako puwedeng mabuhay? Kaya ’yong gabi ko ang oras na gising ako, hanggang sa madaling araw. Buong time ko ’yon sa sarili ko. ’Yong mga ginagawa ko dati, ginagawa ko pag madaling araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

How long do you usually sleep?

Pag may project, mga three, two hours. Sakto, saktong bangag ka, gano’n. Kaya nga nakangiti ka na lang, sobrang lutang mo na lang din kasi. Kasalanan ko ’yon. Well, ewan ko kung kasalanan ko nga ba.

Hindi, ano? Kasi problema, ’yong trabaho din namin, gano’n ’yong oras. So, nasira na din ’yong body clock ko ng tulog. So, wala na talaga akong oras ng tulog. And bahala na ’yong katawan ko kung makaramdam ako ng antok.

Pero masama ’yon, ha. Masama ’yon, kaya ako, umiinom ako ng maraming tubig every time. Maraming tubig at saka good vibes. Kasi, masama ’yong puyat ako lagi. ’Tapos, palagi pa ’kong babad. I mean, babad na babad, pawis ka every time. So, recipe for destruction ’yon, e.

’Yong ginagawa namin, ’yong trabaho natin. Kaya kailangan talaga, maayos ’yong schedule. Kasi, ano pa ba hinihintay natin, na may tumumbang artista? Ilang director na rin. I mean, alam nating lahat ’yon. ’Yong working hours natin, mali. Imagine, magsisimula kami ng 8 a.m., matatapos kami 2 a.m. ’Tapos, bukas, 10 a.m. Gigising ka ng 8 a.m. kasi mag-aayos ka pa, ’tapos papunta ulit. ’Tapos gano’n the whole year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imagine doing that for 25 years or 20 years. Ano’ng mangyayari sa ’yo? Basag ka talaga. Ending, tutumba ka na lang, ang sakit na lang bigla ng puso mo. So, ’yon ang kailangang ayusin. Kaya maganda ’yong lalo na ’yong mga artistang nag-e-exercise, tama talaga ’yon. Kaya isa ’yan sa mga iniisip ko. Baka mamatay na nga lang din ako bigla.

If you were to have a superpower, what would it be?

Astig ang power ni Wolverine, e. Pero gusto ko ring maging Cyclops at the same time, ang hirap. Siguro ako na lang si One-Punch Man, si Saitama. Isang suntok niya lang, kahit saan patay. Ang galing ng istorya no’n. Araw-araw, nagpu-push-up siya ng one hundred. Sit-ups na one hundred, parang mga ten years niyang ginawa. Nakalbo na siya. ’Tapos ngayon, sobrang nade-depress siya kasi walang makatalo sa kanya. Konting pak, suntok niya lang, boom, sabog ’yong sobrang laking kalaban. Kaya ayun, wala nang challenge. Di ba? ’Yon ’yong problema niya naman. Gusto ko ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Have you ever wanted to travel back in time? If yes, which era would you go to?

Balik ako sigurong Sixties, the golden Sixties. Gusto ko Sixties, ’yong lifestyle no’ng buong Sixties. Parang dapat ’ando’n ako sa erang ’yon, e.

How did you spend your first salary?

Bumili ako ng sapatos ko. 2010 ’yon, sa Gimik. Skate shoes. Nag-i-iskate-board ako dati. Ngayon, hindi na.

If you were gay, who would your life partner be?

Nag-iisip ako ng isang lalaking puwede kong makasama, hindi ko feeling bakla ako, e. Feeling ko, tropa ko. Tropa lang kami na puwede kong makasama. Siguro si John Lennon. Oo, habang buhay magrebolusyon na lang kaming dalawa.

At what age did you realize the fact that Santa Claus isn’t real?

Hindi naman big deal ’yon sa akin, e. Ang mga Amerikano lang yata ang big deal sa kanila ’yon. Kita mo naman si Santa Claus, Amerikano, pakialam natin do’n. Haha. Excited lang ako sa Pasko talaga. Favorite ko ang Christmas, e. Pero no’ng bata, hindi naman talaga, ‘Wow, Santa.’ Wala namang gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Do you have a nervous tick?

Hikab ako nang hikab pag kabado ako.

What is one great fan moment that comes to mind?

May mga fans din na naging inspirasyon, literal na naging inspirasyon ko. Binigyan ako ng medal. Dahil daw sa akin, nakuha niya ang medal. Hindi ko din alam, ’yon na nga ang magic no’n, e.

Where do you see yourself in 10 years?

Ten years, so 32 years old ako. Siguro, ano ako, behind the camera. Hindi laging nasa harap ng camera, kung may chance lang. Hindi mo naman masasabi, e.

Pero kung may choice ako, nasa behind the camera ako, gumagawa ng istorya once in a while, may pelikula dito. Pero mostly, para pa rin do’n sa industriya ang ginagawa ko. Mag-aano lang ako, mag-aambag lang ako. Hindi naman ako sakit ng ulo. Haha. Kundi magagandang projects na ano, gano’n.

Do you follow your horoscope?

Yes. Tinitingnan ko ’yong mga Taurus. Taurus kasi ako, e. Actually, tumutulong pa nga siya para sa isang tao to build character. And binibigyan ka niya ng kaunting kaalaman sa sarili mo na hindi mo na rin alam. So, parang ako naman, saan nila nakukuha ’yon, di ba? Sa kanila din, sa mga Taurus din. So, meaning, magkakaugali nga kami ng mga gano’n ’pinanganak. So, it’s very weird, pero ang galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What’s the one thing that you still have from your childhood?

Wala, walang natira sa akin. Kasi ’yong mga gamit ko dati, pagka ano, pinapadala namin sa probinsiya. Alam mo, na-realize ko din ’yan. Wala akong something na nagpapaalala sa akin no’ng bata. Wala ako. Naalala ko bigla, oo nga. Malamang nasa mga pinsan ko sa Tacloban. Kasi nakalakihan na namin. Ermat ko, matic ’yon: “Ipadala mo na do’n, hindi na magagamit ’yan.”

What’s the one thing that you need to have in your fridge at any given time?

Hot dog. Mahilig ako sa hot dog, ’yong may keso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What habit do you have that you wish you could break?

Maging late. Lagi akong late. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman siya intensiyon na ginagawa.

Hindi dahil ang bagal kong gumalaw, ha. Ang dami kong iniisip bago ako umalis, e. Matagal kasi ako. Pagkagising ko, tulala muna ’ko sa banyo. Iniisip ko muna ’yong gagawin ko. Kailangan kong maisip muna ’yon bago ako sumabak. Ayoko kasi pag may mga hindi ako alam na impormasyon, nabibigla ako, e. And do’n ako nagsa-start mag-ano, nara-rattle lang ako.

How many pillows do you sleep with?

Tatlo unan ko.

What position do you always sleep in?

Kanan, pa-side. ’Yong may hug na unan.

Do you still have time to buy your own clothes?

Walang oras. Hindi ako palalabas din, e. Stylist, pagka may dala siyang damit na nagugustuhan ko. Pero minsan, kailangan din kasi, ikaw ang mamili, kasi hindi naman nila alam lahat ng gusto mo, e. Alam mo naman na choosy ako sa damit ko. Meron akong type ng damit na trip ko. Kulay, bagsak, importante sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Where do you shop for clothes?

Si Kathryn, kung saan niya gusto. Rockwell.

Who is your fashion icon?

Mas fashion icon ko kasi, hindi tao, more on panahon. Mahilig ako sa fashion no’ng Nineties. Gusto ko rin ’yong Eighties New Wave na fashion. Sixties, ’yon ang gusto ko. Seventies, medyo groovy na, e, hindi na ’ko masyadong fan.

Are you a good judge of character?

Tanungin mo si Kathryn. [We asked Kathryn, and she said, “Yes. Nakakabasa siya. Usually tama.”]

If you were to give advice to your parents, what would you tell them?

Sabihin ko lang, hindi, mas magaling talaga sila sa akin, e. Siguro nanay ko, kung may kukunin akong kotse, feeling niya mas magaling siya sa akin sa kotse. Ayaw niyang tanggapin na mas marunong naman ako sa kanya sa kotse. Ayaw magpatalo. Tatay ko, alam niya ’yon. Marunong kasi ako sa mga bago. Alam niya ’yong mga alam ko, e. Gano’n lang. Siya pa rin nananalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What phobias have you overcome in your lifetime?

Siguro ’yong takot ko sa gagamba. Ever since bata ako, hindi ko na siya kayang hawakan. Ever since naman, e, kahit hinahawakan ko ’yong gagamba, never ako naging komportable. Lalo na ’yong tarantula.

When you were five years old, what did you want to be?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NBA [National Basketball Association] player. Never akong naging varsity player. May chance na akong maging varsity, and I lost it.

If you could raid someone’s closet, whose closet would it be?

Wala, my closet. Haha.

Name three things you can’t live without?

Shades. Dapat nga, magse-shades pa ’ko. Sabi ko, ‘Huwag na, gabi na kasi.’ Haha.

Parang iba ’yong pagiging komportable ko pag nakasalamin ako. Kasi ’yon ’yong time na puwede nila akong hindi kulitin. Kasi, di ba, naka-shades ako, hindi nila alam kung nakatingin ako sa kanila o hindi. Meron akong mundo behind my shades. So, at least do’n, kontrolado ko. Kasi, pag wala kang salamin, may matingnan ka lang. E, kung may sarili akong shades, may sarili akong mundo.

Two, music. Kahit wala nang TV.

Three, partner mo siguro. ’Yong partner mo sa buhay na ’yon. Ang lungkot naman kung hindi mo ise-share ’yong mga bagay.

What do you usually eat for breakfast?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hot dogs and some corned beef, at saka eggs. Sarap ng egg. Itlog na pula, the best, no? Sa Pateros. Medyo basa pa. Ang gagaling ng mga taga-Pateros talaga.

Who is your favorite fairy-tale character?

Female? Snow White. Gusto ko siya sa lahat. Para sa akin, siya ’yong may character. Ang ganda kaya no’ng original na Snow White. No’ng bata ako, may CD kami no’n, e, napanood ko ’yon. Sobrang classic, grabe. Yong mga kanta, ’yong hitsura ni Snow White, parang ang sarap niyang i-kiss. Di ba, kasi kumagat siyang apple, e. Haha!

What was the craziest thing that you’ve ever done for someone?

Wala, hindi ako gano’n.

Among the five senses, which one are you willing to give up?

Ayokong mabingi, ayokong mabulag. Sige, mapipi na lang. Okey lang makarinig, okey lang makakita ako. Huwag na lang akong magsalita. Masaya na ko do’n. At least, wala pa ’kong masasabing masama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What’s the worst thing they said about you on the Internet?

Wala. Hindi ako masyadong nasasaktan, e. Galingan pa nila. Ano lang ako, pagka naapektuhan na rin si ganyan. Nadamay, hindi naman artista, parang, “Etong mga ’to, o, mga gago na ’tong mga ’to. Nang-aano ng hindi naman artista. Pati ’yon, pinapatulan.” Huwag lang gano’n.

Ako, hindi ko naman sila mapipigilan kung ano ang gusto nilang sabihin kung sa kaibigan ko, kay Kathryn, kay ganyan, kay ermat ko. Hindi ko sila mapipigilan, e. Hihintayin nila, may kapalit lagi.

Do you like your own name?

Oo, so much. Pero ang mas gusto kong pangalan, ang utol ko, ’yong mas bata sa akin. Ang pangalan niya, Jose Carlito Padilla. Astig, e, ’no? Mas Espanyol ’yon, e. Ako, American name ako. Hindi naman ako Daniel Padilla talaga. Daniel John Ford ako.

If you could ask your future self a question, what would you ask him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya ka ba? ’Yon naman ang importante sa lahat, e, maging masaya ka.

If you could give advice to your younger self, what advice would you give him?

Siguro, magiging careful sa mga taong makikilala mo. And gayahin mo ’ko. Haha. Talagang relax ka lang. Masyado ka kasing mainit. Hindi puwede. Dapat relax ka lang. Kasi pag masyado kang mainit, minsan hindi mo na napapansin ang mga ginagawa mo.

And maging aware ka sa mga tao sa paligid mo. Sa atin ’to lahat, maging aware tayo, at saka sa pakiramdam ng mga tao sa paligid.

And laging lalakihan mo ang espasyo ng pagiging understanding mo. Lalakihan mo ’yon.

At saka buksan mo ang puso mo every time. Minsan, kahit mahirap, puso mo na lang talaga, e. At saka mas masarap naman ’yon.

Published in PEP.ph June 2019
Adapted for PEP.ph by Jo-Ann Q. Maglipon

Originally published in YES! Magazone April 2018 Writer: Bam Abellon
Interviews: Bam Abellon & Jocelyn Valle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Editor In Chief: Jo-Ann Q. Maglipon
Executive Editor: Jose F. Lacaba

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla reveals "partner" as one of the three things he cannot live without. What are the other two?
PHOTO/S: Mark Nicdao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results