Meet Basel Manadil, Syrian vlogger na naging Filipino national

by Bernie V. Franco
Jul 20, 2021
Basel Manadil, or better known as The Hungry Syrian Wanderer, says when he came to the Philippines, he wanted to build himself as a man. He was able to do that and fell in love with the Philippines at the same time. Basel attained his Philippine passport in 2019.
PHOTO/S: YouTube (Celestine Gonzaga-Soriano)

Mas maraming dahilan si Basel Manadil, 27, para piliing manatili sa Pilipinas kesa lisanin ito.

Noong June 12, 2021, Araw ng Kagitingan, ibinunyag ni Basel, isang Syrian national, na isa na siyang ganap na Pilipino matapos niyang ma-attain ang kanyang Philippine passport.

Taong 2019 pa niya nakuha ito, pero gusto raw niyang namnamin na Pilipino na siya kaya nagpalipas muna siya ng dalawang taon bago niya ito isinapubliko.

Ikinuwento ni Basel ang kanyang journey kung paano siya naging Filipino citizen sa isang YouTube video noong Araw ng Kagitingan.

Inilathala rin dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwentong ni Basel.

DISCOVERING HIS REAL IDENTITY

Dumating si Basel sa Pilipinas noong 2013 nang papuntahin siya dito ng mga magulang dahil sa civil war sa Syria.

Nag-aral siya sa University of Perpetual Help, Las Piñas at kumuha ng Computer Engineering.

Ang pagvi-video niya ng kanyang paglilibot sa Pilipinas ay ipinost niya sa kanyang YouTube channel, ang The Hungry Syrian Wanderer. Tinangkilik ito ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Natuwa sila sa isang banyagang nahumaling sa kagandahan ng Pilipinas.

Sa ngayon, mayroon siyang higit four million subscribers at daan-daang views.

Dumating ang pagkakataong nais na siyang papuntahin ng pamilya sa Europa para magsama-sama silang pamilya at makapagtrabaho roon.

Pero mas pinili ni Basel na manatili rito kahit siyam na taon nang hindi nakikita ang pamilya.

“First of all, I would not deny the fact that I’m fully blooded Syrian, because if you deny your origin, you can’t be loyal anymore,” pahayag ni Basel sa interview sa YouTube channel ni Toni Gonzaga noong Linggo, July 18, 2021.

“I was born in Syria and I fell in love with the Philippines.

“I choose to live here.”

Toni Gonzaga interviewing Basel Manadil on her Youtube channel, Toni Talks

Continue reading below ↓

In his recent interview with Toni Gonzaga, vlogger Basel Manadil lists down the reasons why he considers the Philippines his home.

Lahad ni Basel, galing siya sa may-kayang pamilya, pero nais daw niyang tumayo sa sariling mga paa at mapatunayang may mararating siya sa sariling sikap.

“I felt that I want to be independent on my own. Asking no money, no allowance from my family, because I want to be a grown man.”

Dagdag niya, “Because I wanted to feel good about myself and that’s the reason why I decided to come up with something to do… my own labor, my own work.”

Habang unti-unti itong isinasakatuparan ni Basel, unti-unting napapamahal sa kanya ang Pilipinas.

“I started to become independent. I ran out of money. I never asked my family and my sister.

“Unintentionally, I became like Filipino because I love the food, I already love the culture.

“I already act as one. I live as one,” aniya tungkol sa pagiging Pinoy at heart.

Continue reading below ↓

“It’s not like I intended or I want to be a Filipino or I want to be whatever.

“It just came to me naturally.”

HELPING FELLOW FILIPINOS

Sa kanyang YouTube channel, maraming videos si Basel kung saan makikitang tumutulong siya sa mga Pilipino: mula sa pagbibigay ng tablet sa mga mag-aaral na namamalimos sa kalsada, pagbili ng mga produkto ng mga magsasaka, pag-aabot ng relief goods sa mga nasalanta, at marami pang iba.

Kaya naman tinatangkilik siya ng kanyang mga subscribers.

Pero hindi lang sa paraang ito tumutulong si Basel.

Isa rin siyang businessman at may food business kung saan Pilipino ang kanyang mga empleyado.

Naitatampok din niya sa kanyang vlogs ang makukulay na kuwento ng kanyang mga empleyado.

Karamihan ay kuwento ng kahirapan ng mga taong may mabuting puso at binibigyan ng pagkakataon ni Basel.

Ang ilan sa kanila, kinupkop pa ni Basel at ipinatira sa kanyang malaking bahay na bagong gawa.

Continue reading below ↓

Basel Manadil with the old sampaguita vendor

In his YouTube videos, Basel would feature surprising and helping random people, such as this sampaguita vendor.

Tanong ni Toni kay Basel sa kanyang vlog, bakit mahilig siya sa pagtulong?

“When we grow up, my family, we have values. We believe in good karma always.

“And my dad also is known for that back home. My dad is a very generous man, my mom as well.

Continue reading below ↓

“Back in Syria we were raised like that.

"It came from believing in good karma.

“We always give away food back home. We always give away clothes. We always give away stuff, because we believe in good karma.

“We believe if you do good, it comes back to you. If you do bad, it also comes back to you.”

LIFE IN THE PHILIPPINES

May sarili na siyang bahay at buhay dito sa Pilipinas.

At base sa kuwento ni Basel, nagkaroon ng kabuluhan ang paninirahan niya sa Pilipinas.

“This is where I feel at home and not only that, I have a life here.

“I created many jobs for many Filipinos. As of this moment, I have like 40 employees, who work for me.

“And I’m working on a big project that would employ many Filipinos.

“This is gonna be… if it succeeds with me, it’s gonna be a big opportunity.

Continue reading below ↓

“It will have an impact on people,” ani Basel, na hindi nagdetalye sa kanyang malaking project.

Pero ang tinitiyak ni Basel, kung aasenso siya, kasama rin niyang aasenso ang kanyang mga manggagawa.

“If I’m able to provide jobs even for just 40 people, I’m able to give them stable income.

“Best thing in my life, I’m able to change the lives of many people.

“I have people who work for me since two years and they know already if I go big, they go big. We go all together.

“So, I’m giving them chance in life. They have nothing also, but they stood by my side. I’m not just gonna let them go.

“I told them if we get big, you’re gonna be with me.”

Biniro pa ni Basel si Toni: “You might see me everywhere: kargador in the morning, YouTuber in the night, I could be cashier in the afternoon.

Continue reading below ↓

“So, you’ll see me all over the place, and you’ll be shocked because sometimes you might see me carrying boxes or what.”

Ang nais tumbukin ni Basel, “So I work hard.”

Inusisa si Basel kung hanggang kailan niya balak manatili sa Pilipinas.

“I think for good,” sagot niya.

“I feel like this is my home. This is where I belong.

“Even though whatever nationality you have, you will adapt.

“So, this is also what happened to me. I adapted the lifestyle in here.

“The mga tao here are different from mga tao in France or mga tao wherever you go.”

Gusto raw niya ang pagiging “game” ng mga Pinoy.

Sundot ni Toni kay Basel, mahal siya ng mga Pilipino.

Sagot ng Syrian-born-turned-Filipino vlogger, “I love them, too. Mga tao here are the best mga tao.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Basel Manadil, or better known as The Hungry Syrian Wanderer, says when he came to the Philippines, he wanted to build himself as a man. He was able to do that and fell in love with the Philippines at the same time. Basel attained his Philippine passport in 2019.
PHOTO/S: YouTube (Celestine Gonzaga-Soriano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results