PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Magat: from character actor to award-winning director

"...madalang na lang ang paggawa ng mga pelikula at teleserye."
by Rommel Gonzales
Published Jun 14, 2022
Mike Magat
One day in 2015, Mike Magat realized "madalang na lang ang paggawa ng mga pelikula at teleserye." That same year, he directed Isang Hakbang.
PHOTO/S: @mike_miguel_magat on Instagram

Taong 2015 nang nagsimulang maging direktor ang character actor na si Mike Magat.

Mga pelikulang full-length at short films na ipinalabas sa abroad ang mga proyekto ni Mike.

Ang 2015 film niyang Isang Hakbang na tumanggap ng Best Ensemble Award sa Subic Bay International Film Festival/NCAA Certificate of Participation noong 2018.

Aniya, “Ang Isang Hakbang kahit saan or taon puwede siyang ilaban kasi lagi ko siyang isinasali kahit matagal na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 2017 film naman niyang Street Children noong 2017, ayon kay Mike, ay six years in the making.

“Kasi yung Street Children, hindi ko agad matapus-tapos at pinatanda ko muna ang mga artista ko. Hahaha.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa pamamagitan ng Facebook messenger itong Lunes, June 13, 2022.

Napag-usapan ang mga awards at parangal na iginawad kay Mike bilang pagkilala sa husay niya sa kanyang sining.

Isa na rito ang Independent Achievement Award noong 2017 mula sa ginanap na International Film Festival Manhattan sa New York City para sa pelikula niyang Secret In The Dark.

Ang pelikula niyang Disiotso ay naging Best Short Film at Grand Prize winner sa International Film Festival Manhattan noong 2018.

Taong 2019 naman ay nanalong Best Short Movie of the Year ang 1O SECONDS sa 35th PMPC Star Awards for Movie.

Pinarangalan rin si Mike ng Ambassador Awards noong 2018 para sa pelikulang Secret In The Dark, at ng parangal na ASEAN Excellence Achievers Awards nitong 2021 mula sa Film Development Council of the Philippines o FDCP ni Chairwoman Liza Diño-Seguerra.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At nitong lamang June 4, 2022, muling nakatanggap ng Achievement Award si Mike Magat sa International Film Bangkok Thailand para sa pelikulang Korona, bukod sa napili rin siya bilang Most Admired Indie Actor and Director.

Ang aktres na si Catherine Yogi ay binigyan din ng Achievement Award dahil sa kanyang magandang pagganap bilang lead star sa Korona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapwa ginawaran sina Mike at Catherine ng Certification of Appreciation sa naturang awards night.

Kuwento ni Mike, “Before ko po siya makilala, nanalo na si Ms. Catherine Yogi na bilang Mrs. Tourism World Japan-Philippines 2021, at nag-offer ako sa kanya na mag-host sa Channel One Global Livestream na isang online channel.

“Nag-offer rin ako na igagawa ko siya ng short film at dahil dream ni Ms. Catherine Yogi ang umarte at nakitaan ko naman po siya ng galing at pagiging dedicated sa work.

"Nag-offer na ako na i-manage na siya at nag-contract signing na kami at sumunod binigyan siya ulit ng break sa Seven Days na ako din ang direktor under under Sonza Entertainment Productions and Channel One Global Entertainment Film Productions.

“Kami po ang lead star at leading lady ko siya at ito ay pang-international release din.”

Mahigit labingdalawa na ang awards ni Mike sa international at local scene bilang director/actor sa kanyang mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit naisipan ni Mike na maging direktor?

Pahayag niya, “One day po bigla lang ako napaisip, taong 2015, wala nang film kasi at madalang na lang ang paggawa ng mga pelikula at teleserye.

"Ang sabi ko po sa sarili ko, subukan ko kaya gumawa ng story?

“At habang ako’y nagda-drive nakaisip ako ng isang story na nagustuhan ko, iyon nga yung Isang Hakbang na tungkol sa mag-inang naghihirap sa buhay at may sakit pa ang ina.

“At yun po naipalabas sa mga SM Cinema at maraming nanood, that time wala pa ang COVID-19, at umani ng maraming awards sa international film festivals.

“Kaya dun na po ako na-inspire gumawa ng iba’t ibang story at lahat naman ay nanalo sa ibang bansa,”

Ilan naman sa mga mainstream na teleserye na napanood si Mike ay ang Contessa sa GMA-7, ang Sandugo ng ABS-CBN, at ang pinaka-latest ay bilang ama ni Barbie Forteza sa episode ng Magpakailanman na "My Bipolar Mom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CEO din si Mike ng Channel One Global Entertainment Productions at ng Artist Management International and Locale Artist.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One day in 2015, Mike Magat realized "madalang na lang ang paggawa ng mga pelikula at teleserye." That same year, he directed Isang Hakbang.
PHOTO/S: @mike_miguel_magat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results