PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guddhist: Rehab to Mountain Solitude

Guddhist is proud to be one of the progenitors of "conscious rap."
by Rommel Gonzales
Published May 21, 2023
Guddhist
Rapper Guddhist on how his music reflects his current state of enlightenment and inner peace: “Kung ano ako dati iyon yung music ko dati, kung ano ako ngayon iyon ang music ko ngayon."

Taong 2019 nagsimula ang musical career ni Guddhist—Genesis Lago in real life— bilang isang rapper.

Malaki ang naging impluwensiya ng kanyang barkada.

“Yung mga kagrupo ko po ngayon is kaibigan ko na sila dati sa mga pagbi-billard, pagko-computer games, tapos bigla na lang po na parang napunta po sa newsfeed ko na gumagawa-gawa na sila ng mga kanta.

“Na-engganyo rin ako...nung mga time kasi na yun, naghahanap po ako ng bagong pagkakalibangan sa sarili ko.

“’Tapos, nung nakita ko yung mga gawa nilang kanta, ng mga kaibigan ko dati sa pagko-computer, sa pagbi-billard or inuman, ganun, naisipan ko na subukan din.

“’Tapos, yun, nakagawa ako ng kanta. Lumapit ako sa kanila, nag-record ako tapos nagustuhan ko yung ano dun, yung parang kung anong meron sa scene na yun, sa mundo na yun, parang… para sa akin, nag-open siya ng panibagong purpose sa life ko or parang nakita ko yung sarili ko na puwede ko siyang ipagpatuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GUDDHIST FINDS HIS PURPOSE IN LIFE

May matinding pinagdaanan sa buhay si Guddhist kaya siya naghanap ng bagong “purpose” at silbi ng kanyang buhay.

Paliwanag niya, “Ano po kasi, medyo...” ang nakangiti ngunit tila nag-aalinlangang sagot ni Guddhist. “Yung life ko kasi dati…ngayon kasi, clean na ako.

“Dati nagbibisyo, nag-aalak, nag-iinom, tapos nasubukan din na mag-try ng mga illegal, like smoke, ganun. Yun lang, hanggang dun lang.”

Ang paggamit ng marijuana ang tinutukoy ni Guddhist.

"Tapos, na-rehab ako. After nung rehabilitation ko, dun ako naghanap ng panibagong purpose ng life ko,” dagdag pa ng 24 anyos na rapper.

Halos tatlong taon daw siyang nalulong until nagkaroon ng isang pangyayari sa kanyang buhay na nag-udyok sa kanya na magpa-rehab.

“Nahuli po ako,” ang natatawang pag-amin pa ni Guddhist.

“Kasi instead makulong ako, motion for rehab na lang.”

Ayon pa kay Guddhist, mismong tauhan ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang humuli sa kanya dahil sa natanggap na sumbong o report.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabataan at pagiging mapusok ang dahilan kaya siya natutong mag-marijuana.

“Parang try lang tapos nagustuhan!”

Kung tutuusin, wala siya gaanong pinoproblema sa buhay until "pinaggagawa ko na iyon, doon na po nagkaproblema.

GUDDHIST MAKES CONSTRUCTIVE USE OF HIS REHAB STINT

Siyam na buwang nasa drug rehab si Guddhist.

Kumusta ang pananatili niya roon?

“Kasi iyon naman po yung kailangan mong gawin, e,” at muli siyang tumawa.

“Kasi kapag inisip mo pa naman puro paglabas, mawawala yung opportunity mo, paano mo i-set yung sarili mo sa paglabas, e.

“E, ako, inano ko na lang, kasi nagkaroon ako ng function dun, kumbaga, karaniwan kasi ng nagre-rehab is mga taong gala, mga ganun, tapos talagang napariwara na nang masyado sa buhay or, yung iba pa nga, hindi marunong magbasa.

“E, ako kahit papaano may kaalaman ako, nagkaroon ako ng function dun.

“Ako yung parang naging CEO, naging head dun ng dorm namin, ako yung nagma-manage ng mga pumupuntang dalaw, sa akin napupunta yung paperworks.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So naging busy ako dun sa loob.”

GUDDHIST RECALLS LOWEST POINT IN HIS LIFE

Ano ang maituturing ni Guddhist na lowest point ng kanyang buhay?

Naging self-destructive ba siya?

Pag-amin niya, “Sobra po! Bale sobrang parang umalis na kasi ako sa family ko kasi nga nag-hustling ako, e, nagsarili akong gawa tapos hindi ko na sila mini-meet kasi binukod ko sila sa ginagawa kong ilegal.

“Kaya umalis ako sa kanila para kung anuman ang mangyari sa akin, sa akin lang yun.”

Ano ang self-destruction na pinagdaanan niya dati?

Lahad niya, “Siguro po yung wala na akong ibang maisip kundi yung buhay ko, nakikita ko lang sa ilegal, yung parang ini-asa ko na lang siya dun, hindi ko nakikita dati na puwede pala ako mag-rap.

“Hindi ko nakita na puwede pa akong maghanap ng ibang purpose sa life ko, like mag-work, hindi ko na naisip iyon dati.

“Talagang parang na-settle ko na yung sarili ko hanggang dulo, dito na ako sa ilegal na buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin rin ni Guddhist na nagtulak o nagbenta siya noon ng marijuana.

Aniya, “Naging ganun din po pero hindi naman sobrang… kaya nga po ako nahuli, kaya po ako nahuli dahil dun.

“E, minor lang po ako nun so motion for rehab.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Guddhist sa Tanay, Rizal noong April 28, 2023.

GUDDHIST’S SPIRITUAL JOURNEY

Sa naturang panayam kay Guddhist ay nagkaroon muna ng isang yoga session bilang bahagi ng bagong direksiyon sa buhay niya, ang kanyang spiritual journey.

Pahayag niya, “Kasi nung time na sobrang parang ang tagal ko nang wala sa bahay, naghanap na ako ng kalinga sa sarili ko. Yung parang naisip ko, ang dami kong pera, may kung anu-anong substance, madaming tropa, napaisip na ako, parang hindi naman masaya.

“Tapos, nagsabi na ako sa sarili ko… meron kasi akong ano, e, parang partner dun sa pagpu-push kaya dalawa kaming bumukod, nag-condo kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero lalaki rin siya, tapos yun, siya yung kasama ko sa bahay. Siya yung kasama kong talagang palawakin yung kung anumang meron kami.

“Tapos, nung time na yun, that was 2019, napaisip na ako sa sarili ko kung masaya ba talaga ako sa ginagawa ko.

“Kasi puro parang, materyal lang lahat, e. Tapos, pagkatapos ng tama, wala na, parang ganun, hindi mo na alam kung anong magandang gawin pagkatapos ng amats mo.

“Tapos, laging may pera, laging may kung anu-anong bisyo or kasiyahan sa materyal na buhay, napaisip na ako na eto ba talaga iyon? Parang sinabi ko na nga sa sarili ko nung kinakausap ko ang sarili ko, sabi ko, hihinto rin ito. Sabi ko, matatapos din ito. Hindi ko lang alam kailan, pero alam kong matatapos din ito sa buhay ko.”

THE TURNING POINT

At makalipas ang isang linggo ay na-salvage ang “business partner” ni Guddhist!

“Na-salvage siya kasi meron sa kanyang may utang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon na siya natauhan.

Pag-amin niya, “Dun na ako nagsabi sa sarili ko, yun na yun!

“Maghanap ka na ng ibang gawain sa buhay kasi kung hindi mo iyon ihihinto…”

Bukod doon ay isang kaibigan niyang musikero rin, si Polo P, ang nagsama sa kanya sa isang camp site sa Montalban sa Rizal kung saan may mga dumadalaw na mga monks.

Pagpapatuloy niya, “Nung pumunta ako doon parang na-enjoy ko yung life na parang, kasi akala ko nung naghahawak [gumagamit ng droga] ako parang, ‘Eto na yun, mulat na ako,’ parang ganun.

“Nung napunta ako dun, may ganun pa palang mga tao, may ganun palang buhay, may kapayapaan pa palang mga ganung pangyayari.

“Na-engganyo ako na bumabalik-balik dun tapos dun na ko napaisip na hindi na ako masaya sa ginagawa ko, dun na ako nagsabi na hihinto rin ito.

“Tapos, dun na nga siya na-salvage, tapos para yun na yung naging calling ko na itigil ko na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GUDDHIST’S GOES ON SELF-IMPOSED ISOLATION

Naranasan rin ni Guddhist na tumira sa bundok sa Montalban sa loob ng isang taon noong nagta-transition siya mula sa magulong buhay.

Pakli niya, “Tinigil ko lahat, nagtanggal ako ng communication sa family ko, sa music sa, ginagawa ko, social media, at doon ko natutunan ang meditation, yoga, yung pagiging vegetarian.

“Tumira ako sa bundok ng isang taon hanggang alam ko na pagbaba ko ay kaya kong harapin ang mga tukso sa ibaba.”

Ang pamilya niya ang sumuporta sa kanya habang nakatira siya sa bundok.

Noon daw na naliligaw pa siya ng landas ay “ligaw” rin ang uri ng musika niya.

Saad niya, “Kung ano ako dati, yun yung music ko dati, kung ano ako ngayon, yun ang music ko ngayon.

“Dati yung nagpu-promote ako ng mga illegal substances, tapos sinasabi ko yung mga frustration ko sa life, yung mga kalungkutan ko na nararamdaman ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, more on parang ini-express ko na yung kung anuman yung meron ako ngayon, more on kapayapaan na siya, pag-appreciate sa life.

“Tapos, yung mga kailangan kong mensahe o marinig sa sarili ko na nagpapalakas ng loob sa amin, sinasabi ko sa music ko.”

GUDDHIST WANTS HIS MUSIC TO TOUCH PEOPLE’S LIVES

Conscious rap ang uri o genre ng musika ni Guddhist.

“Kasi based na rin sa mga tagapakinig ko na natutulungan sila na magkaroon pa ng different perspective sa life,” pagpapasalamat niya.

Taong 2021 inilabas ang Metamorphosis album niya na naglalaman ng mga kantang "Di Na Babalik," "DNDN (Daming Nagbago Daming Nangyari)," "Hiraya," "Manawari," "Salamat G (God)," at iba pa na available sa lahat ng music platforms.

Bukod sa pagiging rap artist ay may negosyo rin si Guddhist, may clothing line siya ng streetwear, ang Gudds, at nagbi-breed siya ng mga asong American Bully.

Kinuha ang screen name niya mula sa Buddhist na pinalitan niya ng G para maging unique at may touch ng spirituality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Under siya ng music label na Believe Music.

At bukod sa pagiging solo artist, may grupo rin si Guddhist, ang 1096 Gang na kumanta ng sikat na awiting "Pajama Party."

Kasama ni Guddhist sa 1096 Gang sina Polo Pi, Luci J, Ghetto Gecko at si Youngwise.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rapper Guddhist on how his music reflects his current state of enlightenment and inner peace: “Kung ano ako dati iyon yung music ko dati, kung ano ako ngayon iyon ang music ko ngayon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results