PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The rise, fall, and return of Sabrina M.

Sabrina M. looks back on her showbiz career during her prime.
by Jojo Gabinete
Published Jul 13, 2023
sabrina m.
Maricaren Pallasigue in real life, Sabrina M. began her showbiz career in 1991 using the screen name Karen Salas. But when she decided to take the sexy route in 1995, she changed her screen name to Sabrina M.
PHOTO/S: File / Noel Orsal

Ang rebelasyon ng '90s sexy actress na si Sabrina M. na nagkaroon sila ng relasyon ng yumaong aktor na si Rico Yan ang pumukaw ng interes ng publiko para kilalanin siya at alamin ang kasaysayan ng kanyang showbiz career.

Read: Katrina Paula dispels Sabrina M.'s claim about past relationship with Rico Yan

Maricaren Pallasigue sa tunay na buhay, isinilang siya noong October 8, 1975 sa Quezon City.

Tatlo ang kapatid ni Sabrina sa kanyang mga magulang, at may labindalawa rin siyang kapatid sa ama.

Ramp modelling ang pinagkakakitaan niya sa edad na labinlima.

Communication Arts ang kurso ni Sabrina sa University of the East. Pero hindi siya nakapagtapos dahil huminto siya sa pag-aaral noong fouth year na siya dahil nagkasunud-sunod na ang kanyang movie projects.

HOW SABRINA M. ENTERED SHOWBIZ

Ang unang TV exposure ni Sabrina ay bilang searcher sa "Heart to Get," ang dating segment ng Eat Bulaga!, noong 1990.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang kapitbahay niyang kakilala ang action director na si Augusto Salvador ang nag-alok kay Sabrina na subukan ang pag-aartista.

Mula sa kanyang Eat Bulaga! guesting, dinala si Sabrina ng kapitbahay nito sa Magnatech, ang sikat na post-production company noon para ipakilala kay Salvador.

Kuwento ni Sabrina sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), “Pagkakita sa akin ni Direk Augusto, maya-maya dumating si Kuya Ramon Salvador, ang kapatid ni Kuya Ipe [Phillip] Salvador.

“Tinanong ako ni Kuya Ramon kung gusto ko na mag-artista. Ang sagot ko, 'Puwede po ba?' Ang sabi niya, ‘Oo naman.’

“The next day, nag-shooting na agad ako para sa Joe Pring Part 2 na pinagbibidahan ni Kuya Ipe.

“Sobrang kabado ako noon dahil wala akong acting experience.Tapos ang mga kasama ko pa, Phillip Salvador, Monsour del Rosario, at Edu Manzano. Natulala talaga ako.”

joe pring 2 poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuwang-tuwa raw noon si Sabrina dahil binayaran siya ng limang libong piso —PHP2,500 per day — para sa dalawang araw na shooting. Ibinigay raw niya sa kanyang ina ang kanyang unang talent fee bilang artista.

“Malaking halaga na ang PHP2,500 noong araw. Lahat po ng kinikita ko noon, ibinibigay ko agad sa mommy ko,” ani Sabrina.

Karen Salas ang unang ginamit niyang screen name bago siya nagdesisyong magpaseksi sa big screen.

Dalawang pelikula na si Phillip ang bida ang ginawa ni Sabrina: Kidlat ng Maynila: Joe Pring 2 (1991) at Lucio Margallo (1992).

Nakatrabaho rin ni Sabrina ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway (1991) at Dito Sa Pitong Gatang (1992), isang karanasang hinding-hindi niya makalilimutan.

“Puro bit roles lang po. Pero basta Fernando Poe Jr. movie, kahit isang eksena lang, okay na okay, kasi FPJ yan, e.

“Kabadung-kabado pero excited ako noon dahil Hari ng Pelikulang Pilipino ang katrabaho ko. Pero nang makilala ko siya, sobrang bait na tao,” sabi niya tungkol sa yumaong action star.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

mabuting kaibigan masamang kaaway

Ilan pa sa mga pelikulang ginawa ni Sabrina gamit ang screen name na Karen Salas ay Okay Ka, Fairy Ko! Part 2 (1992), Pempe Ni Sara at Pen (1992), at The Maggie Dela Riva Story: God... Why Me? (1994).

MUTYA NG PILIPINAS 1993

Nag-aartista na si Sabrina nang sumali siya sa beauty pageant na Mutya ng Pilipinas 1993 dahil pinagbigyan niya lamang ang kagustuhan ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Michelle Aldana ang nanalo ng korona.

Pero kahit hindi nagwagi si Sabrina, naging masaya pa rin siya dahil sa special award na Miss Photogenic na ipinagkaloob sa kanya.

Higit sa lahat, natupad niya ang pangarap ng kanyang ina na sumali siya sa beauty pageant.

sabrina m. mutya ng pilipinas 1993

Sabrina M. joined Mutya Ng Pilipinas in 1993

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE BIRTH OF A NEW SEXY STAR

Noong 1995, gumawa ng malaking desisyon si Sabrina para sa acting career nito.

Inalok si Sabrina ng producer ng Libran Films na siya ang magbida sa Karanasan, ang life story ni Claudia Zobel, ang sexy star na pumanaw noong February 10, 1984.

Bukod sa mga mapupusok na eksenang gagawin niya sa pelikula, kailangang palitan ni Sabrina ang kanyang unang screen name na Karen Salas.

Pagbabalik-tanaw ni Sabrina, “Kinausap ako ni Direk Mike Relon Makiling. Sinabi niya sa akin na, ‘Claudia Zobel Story ito, true-to-life.’

“Sabi ko, parang hindi pa ako ready na magpaseksi.

“Sabi niya, ‘Minsan lang ito darating sa yo na true-to-life agad ang gagawin mo. Sikat na artista dati.’

“Sinabi rin ni Direk Mike na parang hindi catchy ang screen name na Karen Salas kasi, unang-una, magpapaseksi na ako.

“So, si Direk Neal 'Buboy' Tan ang nagbigay sa akin ng screen name na Sabrina M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya ang nag-isip kasi noong time na yon, uso ang mga sabrina cut na damit.

“Tapos sabi niya, ‘Gawin nating M. ang apelyido mo. Walang ibig sabihin ang M. Bahala silang mag-isip kung M for masarap, malaki, malusog…’

“Sabi ko, 'Parang hindi naman catchy ang Sabrina M.'

“Sabi ni Direk Buboy, 'Magki-click yan kasi may Andrew E., may Francis M.

"Ngayon, ikaw yung gagawin naming Sabrina M. Ikaw lang yung walang apelyido at mysterious yung letter M sa screen name mo.’”

karanasan poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinalabas ang Karanasan: The Claudia Zobel Story sa mga sinehan noong June 28, 1995. Tuwang-tuwa si Sabrina dahil pinilahan sa takilya ang kanyang launching movie.

Kuwento niya, “Sobrang suwerte ko dahil nag-click ang pelikula ko. Almost three weeks siyang ipinalabas sa mga sinehan.

“I remember, eight years old ako noon, si Claudia Zobel, sobrang sensationalized ang pagkamatay niya noong 1984.

“Nung mga bata pa kami ng mga kapatid ko, kapag makulit ako, tinatakot nila ako. 'Hala, nandiyan na si Claudia Zobel!'

“Kaya noong ako na ang magbibida sa life story niya, sabi ng kapatid ko, ‘Naalaala mo, noong bata ka pa, siya ang ipinananakot ko sa yo?’”

Read: Claudia Zobel: ang bold star na hindi naagnas ang bangkay at tumalo noon kay Sharon Cuneta sa box office

WHY SABRINA LEFT SHOWBIZ

Sa bilang ni Sabrina, mahigit 40 ang mga pelikulang ginawa niya mula 1991.

Noong kasagsagan ng kanyang career at namamayagpag ang sexy films sa mga sinehan noong late '90s, nakakapito hanggang siyam na pelikula siya sa isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ay Kakaibang Karisma (1995), Makamandag Na Bango (1996), Totoy Mola (1997), Hayop Sa Ganda (1997), Bakit Kailangan Ng Ibon Ng Pakpak (1997), Nene (1998), Alipin Ng Aliw (1998), Tukso Si Charito (1998), Dalawang Eba Sa Paraiso Ni Adan (1999), Laging Sariwa Ang Sugat (1999), at Sex Education (1999).

Hanggang magpasya siyang talikuran ang showbiz noong 2002 nang humina na ang mga sexy movie dahil naging talamak ang pagkalat ng pirated CD at DVD copies.

Nagbuntis din siya noon sa kanyang panganay na anak.

Kuwento ni Sabrina, “Naging inactive ako sa movies noong kumalat na ang mga pirated CD at DVD. Wala nang masyadong gumagawa ng sexy movies.

“Noon pa, sinabi ko na kapag nagkaroon ako ng anak, titigil na ako sa pagpapaseksi sa pelikula.

"Nagbuntis ako ng 2002 at 2003 nang manganak ako sa panganay ko.

“Tatlo po ang anak ko. Yung pangalawa, isinilang ko ng 2007, at yung bunso, noong 2010.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SABRINA'S ARREST

Mula nang maging ina at pribadong mamamayan si Sabrina, wala nang nabalitaan ang publiko tungkol sa kanya.

Hanggang maging headline sa mga news program at mga pahayagan ang pagdakip sa kanya noong September 2016 dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Read: Former sexy star Sabrina M arrested in buy-bust operation

sambrina m arrest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Sabrina, “Open book naman na natutunan ko na gumamit niyan because of my friends. Dahil sa pakikisama sa mga kaibigan.

“Yun nga ang sinasabi ko na madalas, sa sobrang pakikisama ko sa kanila, hindi ko alam na mapapahamak pala ako.

“Patikim-tikim lang ako noon, hindi talaga masasabi na hooked ako. Nagkataon lang na kasama ako sa mga nahuli."

Read: Sabrina M, inaming dahil sa barkada kaya siya nalulong sa drugs

Dagdag niya, “One year and eleven months akong nakulong sa Camp Karingal sa Quezon City.

"Basta ang nasa isip ko noon, gusto ko nang makalabas dahil gusto ko nang makasama ang mga anak ko."

Paglabas niya noong September 2018 ay ang kanyang mga anak ang unang pinuntahan ni Sabrina para magkasama-sama sila.

Read: Dating sexy star na si Sabrina M, nakalaya na pagkatapos makulong dahil sa droga

Nagpapasalamat si Sabrina sa Diyos dahil biniyayaan siya ng tatlong anak na mababait at hindi mapanghusga sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang suwerte ko sa mga anak ko dahil never nila akong dyinudge. Dalawang kamay nila akong tinanggap.

“At never kong naririnig sa kanila ang past ko. Parang wala lang.

"At yung respect nila sa akin, nandiyan pa rin. Hindi nawala," pahayag ni Sabrina.

May pakiusap naman si Sabrina sa mga taong patuloy siyang hinuhusgahan sa kabila ng kanyang pagbabago at pagtutuwid sa mga pagkakamali niya noon.

Aniya, “Sana lang, huwag na nila balik-balikan pa ang nakaraan ko.

"Nakulong na ako, pinagdusahan at pinagsisihan ko na po ang mga pagkakamali ko. Ang importante po ngayon ay maayos na po ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricaren Pallasigue in real life, Sabrina M. began her showbiz career in 1991 using the screen name Karen Salas. But when she decided to take the sexy route in 1995, she changed her screen name to Sabrina M.
PHOTO/S: File / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results