PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofronio Vasquez: The Hari ng Audition is now The Voice champion

Fast facts about Sofronio.
by Mark Angelo Ching
Published Dec 12, 2024
sofronio vasquez wins the voice season 26
Sofronio Vasquez's journey is a testament to perseverance and staying true to your path, no matter where life leads you.
PHOTO/S: @sofroniovasquez on Instagram

Proud na proud ang mga Pilipino kay Sofronio Vasquez sa pagkapanalo nito sa Season 26 ng The Voice kahapon, December 11, 2024 (December 10 sa U.S.)

Read: Sofronio Vasquez hailed as first Asian winner of The Voice USA

Kagila-gilalas ang itinakbo ng karera ng first Asian winner sa American singing contest.

Ilang beses kasi siyang sumubok sa mga patimpalak dito sa Pilipinas bago nakamit ang tagumpay sa ibang bansa.

Narito ang ilan sa mga highlights sa journey ni Sofronio.

SOFRONIO VASQUEZ: BACKGROUND

Ipinanganak si Sofronio Parojinog Vasquez III, 32, sa Misamis Occidental, Mindanao.

Siya ang isa sa dalawang anak nina Oniol Vasquez at Aida Parojinog.

Kuwento niya sa panayam ng Vogue Philippines, hindi maalwan ang kanilang buhay at naranasan niyang ma-demolish ang kanilang tirahan sa isang “squatters’ area.”

Ayon din sa kanyang profile sa website ng NBC, ang home network ng The Voice, lumaki siyang walang kama at walang “indoor plumbing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOFRONIO VASQUEZ: CAREER

Para makaahon sa kahirapan, naging prayoridad ni Sofronio ang edukasyon.

Sa tulong ng isa niyang tito ay nakakuha siya ng scholarship sa dentistry, ang naging kurso niya sa kolehiyo.

Natapos niya ang pag-aaral sa Misamis University noong 2015.

On the side, hindi kinalimutan ni Sofronio ang pagkanta, na hilig niya simula noong siya ay five years old.

Naging representative din siya ng kanilang college department sa university singing contest.

Matapos nito ay sinubukan niyang sumali sa The Voice of the Philippines ngunit walang coach na nag-turn ng chair for him.

Hindi pinalabas sa telebisyon ang kanyang audition.

"Masasabi na ako ang hari ng audition. Halos lahat ng mga reality shows ng ABS-CBN, pinilahan ko. At di ko na mabilang kung ilang rejections na ang nakuha ko.

"Pero ang 'Tawag ng Tanghalan' ang nagbukas ng pagkakataon at nagbigay ng pag-asa sa talento ko."

Read: The Voice winner Sofronio Vasquez reposts Rey Valera's advice

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
sofronio vasquez during his tnt days
Sofronio Vasquez during his TNT stint in 2019.
Photo/s: Screen Grab from It's Showtime

TAWAG NG TANGHALAN FINALIST

First time niyang sumalang sa entablado ng "Tawag ng Tanghalan" (TNT), na inilunsad sa It's Showtime noong Pebrero 2016.

Nanalo siya sa daily round, pero hindi nakapasok sa finale.

Sumubok ulit siya sa year 2 o pangalawang yugto ng TNT noong November 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At that time, nagpasya siyang itigil ang pagre-review for the dental board exam.

Ang kuwento niya sa Vogue PH, “I wasn’t able to finish in the Philippines because I was doing 'Tawag ng Tanghalan.'

"I was doing my reviews, and when I passed that audition, my reviews got cut off."

Naging semi-finalist at 7th placer si Sofronio.

In November 2019, sumali siya ulit sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak," kung saan siya ang third placer.

Halos Pasko na noong nag-finale ang edisyong ito ng TNT.

The following year, nangyari ang pandemya.

MOVED TO THE US TO BE A DENTIST

Naisip niyang itigil ang career sa music, at mag-focus na lang sa pagiging dentista.

“After that competition, I thought maybe music is not for me anymore.”

Sa tulong ng isang international program na nagre-recruit ng mga dentista para magtrabaho sa U.S., naka-migrate siya roon noong 2022.

Nagsimula siyang magtrabaho bilang dental assistant habang nag-a-undergo siya ng clinical internship/externship sa Mohawk Valley Health System sa Utica, New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE VOICE USA JOURNEY

Pero mukhang nakaukit sa tadhana niya ang musika.

This year, nakakita siya ng isang post para sa virtual auditions ng The Voice USA kaya’t sumali muli siya.

Matagumpay ang kanyang blind audition na ipinalabas sa first episode ng American reality singing contest noong September 23, 2024.

Nakakuha siya ng apat na chair turns, at pinili niya ang idol niyang si Michael Bublé bilang coach.

sofronio vasquez with his coach Michael Buble
Sofronio Vasquez with his coach Michael Buble
Photo/s: @sofroniovasquez on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ng blind auditions ay tuluy-tuloy ang magandang performances ni Sofronio.

Siya ang front runner sa Live Finale na umere noong December 10.

Nanalo si Sofronio ng $100,000 at isang isang record deal with Universal Music Group.

Hindi pa raw niya alam kung kelan siya babalik sa Pilipinas, pero sakaling mangyari ito, unang-una raw niyang pupuntahan ang It's Showtime, na siyang unang nagbigay ng break sa kanyang singing career.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofronio Vasquez's journey is a testament to perseverance and staying true to your path, no matter where life leads you.
PHOTO/S: @sofroniovasquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results