PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is Precious Larra Su?

There isn’t much information about her on the internet.
by Mark Angelo Ching
Published Jan 16, 2025
Precious Larra Su, the respondent in Philip Laude's petition for writ of habeas data. Philip is the husband of socialite and vlogger Small Laude
Netizens are abuzz with curiosity about Precious Larra Su, the woman who reportedly shared screenshots of her alleged conversations with a "Philip Laude" in December 2024. Today, January 16, 2045, news appeared saying Philip filed a petition for writ of habeas data against her.
PHOTO/S: Precious Larra Su Instagram / TikTok

Screenshots ang dawit sa isa na namang usapan online.

Sa pagkakataong ito, dawit ang businessman na si Philip Laude, ang asawa ng social media personality na si Small Eduardo Laude.

Read: Meet married business moguls Small and Philip Laude

Nagulantang ang netizens nang mag-viral noong gabi ng December 16, 2024 ang screenshots ng diumano'y messages at calls sa pagitan ng dalawang taong mahihinuhang may relasyon.

Ang screenshots ay sinasabing in-upload ng isang nagngangalang "Precious Larra Su" sa kanyang Instagram account.

Kasama sa screenshots ang litrato ng isang lalake at isang babae na sinasabing sina Precious Larra Su at Philip Laude.

Mabilis itong nag-viral sa social media, pero humupa nang hindi magbigay ng anumang opisyal na pahayag si Philip, o maging ang misis na si Small.

Eksaktong isang buwan ang lumipas, ngayong Enero 16, 2025, muling nabuhay ang isyu.

Pormal kasing naghain ng petisyong writ of habeas data si Philip Laude laban kay Precious Larra Su, a.k.a. Mae Larra Sumicad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Philip Laude files writ of habeas data petition vs Precious Larra Su

Marami ang curious kung sino si Precious at ano ang kanyang ugnayan kay Philip.

PRECIOUS LARRA SU QUICK FACTS

Walang masyadong impormasyong makakalap sa internet tungkol kay Precious, o kung mayroon man ay hindi madaling i-verify ang mga ito.

Nang kasagsagan ng isyu noong December 2024, nag-deactivate ng IG ang babaeng kinilalang si Precious.

Bago ma-deactivate ang kanyang Instagram profile noong December 2024, Mae Larra S. ang inilagay niyang profile name.

Kung ise-search sa Google ang nasabing pangalan, mati-trace na Mae Larra Sumicad ang full name nito.

Tugma ito sa pangalang Mae Larra Sumicad, na natukoy na siyang respondent sa petition for writ of habeas data na inihain ni Philip sa korte.

At kung resumé nga niya ang naka-upload sa file-sharing website na Scribd, nakasaad ditong ipinanganak siya noong 1995, tubong Cebu, at nagtrabaho bilang sales rep sa isang real-estate company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung kailan na-upload o na-update ang resumé.

Samantala, sa isang post ng VMX Philippines noong October 18, 2023, makikitang pumirma siya ng kontrata sa dating Vivamax bilang Larra Su.

Precious Larra Su signs contract with Vivamax

Read: VMX star Sahara Bernales, proud sa amang dating trans woman

PRECIOUS LARRA SU INSTAGRAM PHOTOS

Kalaunan, naging active muli ang IG account ni Precious.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May netizens na nakasagap ng kanyang IG posts kunsaan makikita ang ilan pang detalye tungkol sa kanya.

Na-repost ang ilan sa IG posts na ito sa Reddit, isang community forum ng netizens.

Kabilang na dito ang litrato niyang may petsang July 18, 2015.

May caption itong "Tired [yawning emoji] but need more money!" kalakip ng hashtags na "#sales" at "#roadtrip."

Precious Larra Su, the woman being linked to Philip Laude, husband of Small Laude

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging tampok din sa usap-usapan ng netizens ang kalaunan ay naging marangyang pamumuhay ni Precious na, base sa posts nito, ay mahilig sa fine dining at sa pamamasyal sa ibang bansa.

May IG post din si Precious na waring may kinalaman sa kanyang love life.

Noong October 10, 2023, may solo picture siya habang may hawak na wine glass sa isang restaurant.

May text ito na "Happy 9 yrs Love! Cheers o more business w/ you [shooting star emoji]."

Precious Larra Su, the woman being linked to Philip Laude, husband of Small Laude
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin ng netizens na karamihan sa litrato ni Precious ay revealing ang outfits nito na lingerie at bikinis.

Habang isinusulat ang artikulong ito ngayong Huwebes, January 16, 2025, naka-private na at di na uli makikita ang nilalaman ng kanyang IG feed.

PRECIOUS LARRA SU TIKTOK PHOTOS

Sa TikTok, may account na naka-attribute sa pangalan ni Precious, pero hindi malinaw kung official account nga ito.

Matutukoy na si Precious ito dahil sa kanyang feather tattoo sa gawing ibaba ng kanyang collarbone.

Karamihan sa videos ay umaawra siya sa videos na may mga nakalapat na background music.

Naka-private ang comments section ng account.

Precious Larra Su, alleged mistress of Philip Laude, husband of Small Laude
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO IS PHILIP LAUDE?

Si Philip ay madalas makita sa vlogs ng asawa niyang si Small Laude.

Siya ay isang negosyante na may-ari ng Timson Securities, Inc., isang online stock trading company.

Sa official website ng Timson, nakalista si Philip bilang presidente, nominee, at director ng kumpanya.

Ang pamilya naman ni Philip ay may-ari ng Candyman, isang confectionary company na maker ng kilalang White Rabbit candy brand.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakasaad na nagkakilala sila noong pareho pa silang nag-aaral sa magkaibang kolehiyo.

Pitong taon silang naging magkasintahan bago nagpakasal noong Octobr 31, 1993. Mahigit 30 years na silang magkasama bilang mag-asawa.

May apat na anak si Philip kay Small: sina PJ, Michael, Timothy at Allison.

Read: Small Laude talks up her children not being "magastos in life"

philip laude small laude
Philip King and wife Small Laude
Photo/s: Small Laude on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE SCREENSHOTS

Mahihinuhang magkarelasyon ang nagkapalitan ng mensahe sa screenshots na nag-viral noong December 16, 2024.

Base sa takbo ng kanilang usapan, noong una ay may halong pagsuyo at lambing ang lalake sa kausap nitong si "Precious."

Pero kalaunan ay napalitan na ng galit ang bitiw ng mga salita ng lalaki dahil sa isyu ng third party diumano sa panig ng lalaki at ng babae.

Sa caption ng IG post, sinabi ng nagpakilalang "Precious" na siya ay "IN LOVE WITH A LIE" dahil ang taong minahal daw niya ay hindi pala nag-e-exist.

Pagpapatuloy niya: "He created their persona just for me...

"He saw how wonderful I was and copied my characteristics. He pretended to like the things I liked so he would be more believable to me.

"He knew me smart and wouldn’t want if he portrayed his true nature.

"He made me believe he was madly in love with me. He made me believe I was the center of the universe and then he stopped playing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He knew he had me caught in their trap. He knew me would kill myself trying to get back the person I fell in love with. He didn't care. He never cared."

PHILIP LAUDE SUES PRECIOUS LARRA SU

Enero 10, 2025 nang paboran ng korte ang petisyon ni Philip, ayon sa ulat ng bilyonaryo.com.

Inutusan si Precious ng korte na sagutin ang inirereklamo ni Philip kaugnay ng datos na nakalap umano nito.

Inutusan din siyang ipaliwanag kung ano ang katangian at kung para saan ang naturang datos.

Hindi naman idinetalye sa ulat kung nakasaad sa petisyon ni Philip kung ano ang ugnayan niya kay Precious.

Ngayong Enero 16 ang unang pagdinig sa writ of habeas data petition ni Philip.

Ang writ of habeas data, ayon sa sc.judiciary.gov.ph, ay legal remedy ng sinumang indibidwal na nalabag o napagbantaan ang "right to privacy in life, liberty, or security" dahil sa unlawful gathering, collection, storage, at usage ng personal information at "correspondence" ng aggrieved party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan ay walang opisyal na pahayag si Precious.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

With additional reports from Rachelle Siazon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are abuzz with curiosity about Precious Larra Su, the woman who reportedly shared screenshots of her alleged conversations with a "Philip Laude" in December 2024. Today, January 16, 2045, news appeared saying Philip filed a petition for writ of habeas data against her.
PHOTO/S: Precious Larra Su Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results