PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edgar Mande: From Regal Baby to Private Caregiver

Does he miss showbiz?
by Ruel J. Mendoza
Published May 29, 2025
Edgar Mande, former Regal Baby, is now a private caregiver in the U.S.
The '80s actor and former Regal Baby, Edgar Mande, now works as a private caregiver in the U.S.
PHOTO/S: Edgar Mande on Facebook; File (inset)

Trigger Warning: Mention of Suicide

Ang tahimik at simpleng buhay ni Edgar Mande ay biglang naiba nang hinangaan at pinagpantasyahan siyang aktor ng dekada '80.

Nasa sophomore year na ng kanyang BS Mechanical Engineering course si Edgar nang pasukin niya ang mundo ng showbiz. Ang ina raw niya ang may gustong mag-artista siya.

"Taga-Pampanga ako at nag-aaral noong ma-discover ako ni Alfie Lorenzo. Pero si Alfie, kilala ko, 1975 pa.

RELATED STORY

"Galing sila sa shooting sa Vigan noon. Namili sila ng PX goods sa Dau, Pampanga. That was 1980.

“Ayoko talaga mag-artista, ang nanay ko lang ang may gusto," ayon kay Edgar nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger noong May 20, 2025.

a regal baby

Napabilis daw ang mundo para kay Edgar nang siya ay maging isa sa Regal Babies ni Mother Lily Monteverde, ang nagmamay-ari ng Regal Films, na sa maraming taon ay No. 1 producer ng local movie industry.

Regal Babies ang tawag sa mga artistang nasa poder ng Regal Films. Karamihan sa kanila ay pasikat pa lang o hindi pa halos kilala, pero nakitaan ng star potential ni Mother Lily at ng kanyang entourage ng advisers.

Kasama sa Regal Babies sina Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Albert Martinez at marami pang ibang sa kalaunan ay naging matinee stars.

Kasama naman sa entourage ni Mother Lily sina Alfie Lorenzo, Lolit Solis, Douglas "Tito Dougs" Quijano at marami pang naging malalaking pangalan bilang talent managers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbalik-tanaw ni Edgar: "Nakita ako ni Mother Lily sa birthday party ni Cherie Gil noon. 'Tapos hindi na siya tumigil sa kakatawag kay Alfie.

Edgar with the late Cherrie Gil whom he co-starred with in the movie
Edgar with the late Cherrie Gil whom he co-starred with in the movie No Other Love (1982).
Photo/s: File

"Sabi niya, gagawin niya akong Regal Baby. Nabigyan agad ako ng exclusive contract sa Regal noong time na iyon. Masaya ako dahil madami kaming Regal Babies."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad daw siyang nakasama sa mga bini-build up na leading men ng Regal Films, katulad nina Gabby Concepcion, Alfie Anido, William and Albert Martinez, Jimi Melendez, Lloyd Samartino, at Joel Alano.

Regal Boys: (Standing, L-R) Aga Muhlach, Al Tantay, Emil Sandoval, Lito Gruet, Joel Alano, and Mon Alvir. (Second row, L-R) William Martinez, Lito Pimentel, and Edgar Mande. (Sitting, L-R) Rey
Regal Boys: (Standing, L-R) Aga Muhlach, Al Tantay, Emil Sandoval, Lito Gruet, Joel Alano, and Mon Alvir. (Second row, L-R) William Martinez, Lito Pimentel, and Edgar Mande. (Sitting, L-R) Rey "PJ" Abellana, Benedict Aquino, Albert Martinez, and Patrick dela Rosa.
Photo/s: File
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinatuwa pa ni Edgar dahil dalawang pelikula agad ang nagawa niya noong 1982: School Girls at Galawgaw. Nakatambal niya rito sina Snooky Serna at Maricel Soriano.

"Introducing ako sa School Girls, yun ang first movie ko. Partner ko doon si Snooky. Sa Galawgaw naman, tatlo kami nila Maricel at William.

School Girls and Galawgaw, two of the first movies Edgar was part of.
School Girls and Galawgaw, two of the first movies Edgar was part of.
Photo/s: Regal Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobra akong na-starstruck sa mga kasama ko kasi sikat na sila noon. Parang ang suwerte ko kasi, baguhan pa lang ako, sila na yung mga nakasama ko sa pelikula. Hinding-hindi ko makakalimutan yun."

At kahit nakapareha niya sina Snooky at Maricel, hindi raw siya natsismis na nanligaw sa dalawa.

"Hindi ako na-link sa mga naging kapareha ko kasi meron akong girlfriend sa Pampanga noon."

Aniya pa, "At nahihiya ako kausapin mga artistang babae noon."

working with THE masters, edgar's teeny-bopper era

Nagsisimula pa lang si Edgar sa showbiz ay nakatrabaho na niya ang mga mahuhusay na direktor. Kinukuha sila ni Mother Lily.

Katulad nina Lino Brocka sa Mother Dear (1982), Ishmael Bernal sa Galawgaw (1982), Marilou Diaz-Abaya sa Boystown (1981), Maryo J. delos Reyes sa School Girls (1982)...

Gil Portes sa Gabi Kung Sumikat Ang Araw (1983), Emmanuel Borlaza sa Parang Kailan Lang (1983), Mauro Gia Samonte sa Iiyak Ka Rin (1983), at Mel Chionglo sa Summer Holiday (1983).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Edgar: "Ang suwerte ko nga noon at naging director ko sila. Ang dami ko natutunan pagdating sa acting.

"Iba-iba ang style ng pagdidirek nila. Pero isa lang ang kinatakutan ko sa kanila. Yun ay si Direk Ishmael Bernal. Yung iba, mababait silang lahat."

De kalibre nga ang mga naging direktor ni Edgar.

Si Brocka ay itinanghal na National Artist for Film and Broadcast Arts noong 1997; si Bernal, National Artist for Cinema noong 2001; at si Marilou Diaz Abaya, noong 2022. Lahat ay posthumous awardees.

Lahat din sila ay mga direktor sa pelikula, telebisyon, at teatro. At ang lahat, kundi nagsusulat mismo ng script, ay mahuhusay magkilatis nito.

Si Brocka ay nagsimula sa teatro, partikular na sa PETA o Philippine Educational Theater Association, bilang aktor at direktor. Ang mga pelikula niyang sumambulat sa publiko, sa simula pa lang ng kanyang career, ay ang iconic nang Maynila sa Kuko ng Liwanag at Tinimbang Ka Ngunit Kulang.

Si Bernal, na pormal na nag-aral ng film sa India at ng literature at philosophy sa France, ay naging movie critic, sumunod ay naging screenwriter, bago gumawa ng sariling mga obra, kasama na ang hindi malilimutang Himala at Manila By Night.

Si Marilou, na nag-aral naman ng film sa U.S. at sa pagbalik ay naging malapit na kaibigan at collaborator ni Bernal, ay nakilala sa pagdirihe ng mga markadong isinulat ni Ricky Lee, ang Brutal at Moral. Gaya ni Marilou, si Ricky ay itinanghal na National Artist noong 2022.

Sa sinabi naman ni Edgar na takot siya kay Bernal sa kanilang lahat, totoong may reputasyon si Bernal—aka Bernie, aka Ishma—na may taray, kulang sa pasensiya, at minsan pa'y may intellectual superiority. Ngunit uso rin kasi noon na diyos ang tingin sa direktor, at ang bawat isa sa kanila'y nagkaroon ng kaakibat na imaging na minsan ay hyped for effect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

edgar in his bold movies era

Pagkatapos ma-groom si Edgar bilang dramatic actor sa pelikula at telebisyon—sa namamayagpag na soap na Anna Liza—biglang nagkaroon ito ng career at image shift.

Si Edgar ay nakilalang bold star.

Edgar with Anna Liza lead actress, the late Julie Vega.
Edgar with Anna Liza lead actress, the late Julie Vega.
Photo/s: File

Marami ngang nagawang bold movies si Edgar.

Ilan sa mga ito ay Naiibang Hayop (1983), Kirot (1983), Angkinin Mo Ako (1983), Short Time (1983), Hanguin Mo Ako sa Putik (1983), Uhaw Sa Pag-ibig (1984)...

Sex Education (1984), Ligaw Na Bunga (1984), Take Home Girls (1984), Hayop Sa Sarap (1984), Sanay (1985), Kikirut-Kirot (1985), at Masikip Ang Langit Sa Lupa (1989).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pumunta si Direk Artemio Marquez sa bahay," pag-alala ni Edgar. "Nagpatulong siya kay Alfie na kung puwede ako ang gawing leading man ni Irma Alegre kasi first movie niya yung Naiibang Hayop.

"Naiibang Hayop" (1983), Edgar's first bold movie.
Photo/s: imdb.com

"Pumayag naman ako at si Alfie. Nasama pa sa Manila International Film Festival yung movie. 'Tapos nagkasunud-sunod na ang pelikula ko kay Direk Artemio at sa iba pang production outfit.

"Kaya bigla akong natawag na bold actor noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa sa mga sikat na bold actresses noong '80s ang nakatrabaho ni Edgar—sina Claudia Zobel at Stella Strada.

Claudia Zobel (left) and Stella Strada (right)
Claudia Zobel (left) and Stella Strada (right) were exciting bold stars in the '80s.
Photo/s: Memories of Old Manila Facebook / video48.blogspot.com

Pero sabay na nagwakas ang career ng dalawang box-office stars: Si Claudia ay nasawi sa isang car accident noong February 10, 1984. Si Stella ay nag-suicide noong December 28, 1984.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Claudia, isang pelikula lang ang ginawa namin, Uhaw Sa Pag-ibig. Kaya hindi ko siya masyadong nakilala. Pero si Stella naging close ako at naging magkaibigan kami kasi nakaapat akong pelikula kasama siya. Naging good friends kami," pag-alala pa ni Edgar sa dalawang pumanaw na bold stars.

Inamin din ng veteran actor na hindi siya naging kumportable sa bold movies. Lumalabas din daw na mas konserbatibo pa siya kesa sa mga kapareha niya.

"Hindi ako kumportable sa paggawa ng bold movies noon, kaya lagi ako naka-shorts. Pero mga kapareha ko, mga walang saplot.

"Parang ako pa nga ang babae.

"Basta ako, laging naka-shorts. Never ako naghubad nang todo. Topless lang ako lagi kasi maganda ang katawan natin noon.

"Pero yung iba, gumagamit ng plaster or talagang hubo't hubad sila sa eksena."

Noong mauso raw ang "pene" o "penetration films" sa '80s bold movies, tinanggihan na ni Edgar ang offers.

Ayaw na ayaw raw niyang matawag na pene actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pene films—o clips na sa usap-usapan ay may totohanang pagse-sex—ay walang takip o plaster ang mga artista, at tuloy pinagsususpetsahang maaaring may aktuwal nang pagtatalik.

Ang mga tinawag noon na pene actors ay sina Mark Joseph, Gino Antonio, Bobby Benitez, Tony Martinez, Albert Eugenio...

Ronald Nepomuceno, Tani Cinco, at pati na rin si George Estregan, na kapatid ni former President Joseph Estrada at ama nina Gary Estrada, E.R. Ejercito, at Kate Gomez.

"Maraming offers talaga, pero ayaw kong gumawa ng pene movies kasi hubo't hubad na yun. Ayoko ng ganun."

EDGAR TRIES ACTION

Nakawala si Edgar sa bold image nang gumawa ito ng action films noong '90s.

Madalas daw na kundi siya kaibigan ng bida ay isa siya sa mga kontrabida.

Kabilang na rito ang mga pelikulang Hukom.45 (1990), Sonny Boy: Public Enemy Number 1 ng Cebu City (1992), Patayin si Billy Zapata (1992), Task Force Habagat (1993)...

Geron Olivar (1994), Iukit Mo Sa Bala (1994), Huwag Mong Isuko Ang Laban (1995), Diego (1996), Bitag (1996), Bastardo (1997), at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EDGAR MANDE'S LiFE in America

JOB a far cry from acting

Kasalukuyang nakabase sa Los Angeles, California, USA, ang 65-year-old former Regal Baby.

Siya ngayon ay isang private caregiver.

"Since 2004, nasa Amerika na ako. Twenty-one years na ako sa L.A.

"Twenty-one years na rin akong caregiver.

"Three years ako sa facility, tapos eighteen years ako na private caregiver."

Bagama't malayo ito sa nakasanayang trabaho bilang artista, natutunan daw ni Edgar mahalin ang napiling propesyon.

"Ngayon, ang work hours ko is 12 hours...isa lang lagi pasyente ko. "

Kumusta ang income?

Sagot ni Edgar, “Hindi ko siya maiku-compare sa kinikita ko noon sa showbiz, pero maganda ang bayad sa caregiver.

"Per hour dito sa Amerika."

Matikas pa rin ang dating aktor na si Edgar Mande, na ngayon ay nakabase na sa U.S.
Matikas at guwapo pa rin ang dating aktor na si Edgar Mande, na ngayon ay nakabase na sa U.S.
Photo/s: Edgar Mande on Facebook; File (inset)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bukod sa income, masaya si Edgar sa ginagawa niya.

"Gusto ko ang pagiging caregiver kasi hindi siya mabigat na trabaho para sa akin—more of companionship with your patient."

Kahit pa matagal na niyang trabaho ito, hindi raw niya maiwasang mapalapit sa mga inaalagaan.

“Kapag nag-alaga ako, lagi akong naa-attach sa pasyente ko. Kapag namatay pasyente ko, talagang iyak ako nang iyak.

“Kailangan mahalin mo kung sino man naging pasyente mo, para hindi ka ma-burn out sa trabahong ito."

Paano kung hindi mabait ang pasyente?

Sagot ng dating aktor, "After one month, magpapaalam ako. Kunyari, sabihin ko uwi ako ng Pilipinas, tapos hindi na ako babalik.

"So far naman, dalawang pasyente pa lang ang iniwan ko sa tagal ko naging caregiver. Lahat ay mababait.”

FAMILY LIFE

May unang naging asawa si Edgar. Matapos nilang maghiwalay, pinakasalan ni Edgar si Ramona Fabie.

Edgar with wife Ramona Fabie when they got married in May 25, 2021.
Edgar with his wife Ramona Fabie when they married on May 25, 2021.
Photo/s: Edgar Mande Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iisa lang ang daughter ko sa first wife ko," pagkuwento ni Edgar. Sa daughter na ito, meron na raw siyang mga apong twins—little girls na magiging two years old sa September 2025.

Pagmamalaki ni Edgar sa sarili: "I believe na isa akong mabait na husband, mabait na father, at mabait na lolo."

Edgar with his twin granddaughters Jianna and Jessica, and wife Ramona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Edgar with his twin granddaughters, Jianna and Jessica, from his only daughter by his ex-wife. In the picture is his present wife, Ramona.
Photo/s: Edgar Mande Facebook

Sa Amerika, may nakakakilala pa ba sa kaniya?

Natutuwa nga raw si Edgar na meron pa. Kahit matagal na siyang wala sa showbiz, may bumabati pa rin sa kanyang mga Pinoy doon.

Napapanood na rin kasi sa YouTube ang mga nagawa niya noong mga pelikula.

"Madami pa ring nakakakilala sa akin kasi madaming Filipino stores and restaurants dito sa lugar namin.

“Nakakatuwa din naman na napapanood ulit ang mga pelikula na ginawa ko noon. Makikita ng mga kabataan ngayon kung ano ang hitsura ko noon."

alfie lorenzo's liberty boys

Nakilala rin si Edgar bilang isa sa "Liberty Boys."

Iyon ang tawag sa kanya at kina Lito Pimentel, Rey "PJ" Abellana, Alvin Cannon, at Patrick dela Rosa.

The Liberty Boys: (clockwise from left) Edgar, Lito Pimentel, Rey
The Liberty Boys: (clockwise from left) Edgar Mande, Lito Pimentel, Rey "PJ" Abellana, Patrick dela Rosa, and Alvin Cannon.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ang grupo ng mga aktor na talents noon ng showbiz reporter-turned-manager na si Alfie Lorenzo.

Ang "Liberty Boys" ay halaw sa kalye ng apartment na nirerentahan ni Alfie kung saan magkakasama silang tumira: Liberty Street sa Cubao, Quezon City.

Kilala naman si Alfie bilang mataray, palaaway, at successful manager nina Judy Ann Santos, Jeffrey Santos, Sunshine Cruz, Karla Estrada, Jackie Forster, at Gretchen Barretto.

The late Alfie Lorenzo with one of the artists he managed, Judy Ann Santos.
The late Alfie Lorenzo with one of the biggest artists he managed, Judy Ann Santos.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw si Alfie noong August 1, 2017.

In touch pa rin daw si Edgar sa ibang Liberty Boys kapag nagbabakasyon siya sa Pilipinas.

"Every time na umuuwi ako ng Pilipinas, nagkikita kami at madalas kami mag-lunch or mag-dinner.

"Si Patrick dela Rosa nasa Amerika na rin, pati na si Alvin Cannon. Pero nitong huli kong uwi in 2023, si Lito Pimentel lang ang nakasama ko."

Sa mga Liberty Boys, si Lito na lang ang aktibo sa industriya ngayon.

Inamin ni Edgar na minsan ay nagre-reminisce siya sa naging showbiz career. Pero noong magdesisyon siyang tumira sa Amerika, yun na raw ang pagretiro niya sa pagka-aktor.

"Siyempre, nakaka-miss yung mga panahon na gumagawa kami ng mga pelikula, kasi yun lang naman naging trabaho ko sa PIlipinas sa loob ng 24 years.

"Mula noong pumunta ako ng Amerika, tinuldukan ko na ang pagiging artista.

"Pinagbigyan ko lang noon si Ronnie Rickets sa movie na Exit Point in 2019, kasi nakiusap siya sa akin na ilalagay ako sa casting. Pero talagang retired na ako sa showbiz."

Si Ronnie Rickets ay naging tanyag na action star na kalaunan ay nag-transition sa pagiging direktor. Noong hindi pa sikat ang pangalan nito sa industriya, matagal silang naging magkasintahan ni Maricel Soriano, na noo'y malaking pangalan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Edgar did an action movie with Ronnie Ricketts in 2019, titled
Edgar Mande (left) did an action movie with Ronnie Ricketts (right) in 2019, titled Exit Point.
Photo/s: Edgar Mande Facebook

Kung may maipapayo siya sa mga baguhang artista ngayon, ano ito?

"Maging professional lang sila sa trabaho. Huwag magpadala sa kasikatan para hindi lumaki ulo nila."

Dagdag ni Edgar, "Mahalin niyo ang trabaho at mag-ipon habang sikat kayo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

[Additional text by Jo-Ann Q. Maglipon, PEP Editor-In-Chief.]

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The '80s actor and former Regal Baby, Edgar Mande, now works as a private caregiver in the U.S.
PHOTO/S: Edgar Mande on Facebook; File (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results