Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Pepito Manaloto noong Huwebes, December 6, sa Casa Milan, Fairview, Quezon City.
Ang Pepito Manaloto ay istorya ng pagkapanalo ng isang tao ng Php700 million sa lotto. Sa unang yugto, ipinakita kung paano nag-adjust ang kanilang pamilya mula nang mabiyayaan ng limpa-limpak na salapi. Ngunit sa ikalawang yugto, Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento, ipinakikita ang mag-anak na tila nasa isang reality show.










