Kinilala ang mga veteran stars at outstanding artists sa 34th Luna Awards na organized ng Film Academy of the Philippines.
Ginanap ang 2016 Luna Awards sa Quezon City Sport Club kagabi, September 18.
Si Vilma Santos ang tumanggap ng special award na Golden Reel Award at nangako siya: "Gusto ko lang ipaalam, sa inyong lahat na lagi kong sinasabi sa interviews ko bilang isang public servant, na hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kungdi po dahil sa industriya ng pelikulang Pilipino. Kahit na ako ay isang Congresswoman na palagay ko mahigit kalahati ng puso ko ay nasa industriya pa rin ng Pelikulang Pilipino."



















